CHAPTER 2

13.8K 388 22
                                    


CHAPTER 2

“NAG-TEXT AKO sa’yo na may lunch meeting ang boss ko, ‘di ba? Nag- text din ako na pabalik na kami dito sa office at nag- text din ako na nakaupo na ako sa harap ng table ko kaya hindi muna ako makakapag- reply.” Puno ng frustrasyong paliwanag ni Analyn sa boyfriend niya.

Nag- super saiyan na naman ito dahil hindi siya nakapag- reply agad. Pero kung ito nga ang busy, naiintindihan naman niya. Paulit- ulit na lang silang ganito.

“Lagi ka na lang may dahilan.” Matigas na sagot nito.

“Kasi ‘yon naman talaga ang totoo.”

Bigla itong nawala sa linya.

Isang linggo na siya sa kompanya at isang linggo na rin silang ganito ni Jeffrey. Last day ngayon ng nanay niya. Kanina, siya na ang dinala sa meeting ni Madam Lucia. Kaya hindi siya masyadong makapag- text sa boyfriend niya.

Palaging nasisira ang araw niya dahil d’on. Kaya minsan, hindi niya alam kung nakabusangot ba siya o ano. Nawawalan siya ng gana at parang nililipad ang isip niya. Nililipad pabalik ng Iloilo, kung nasaan ang boyfriend niya.

“Mukhang pasan mo ang lahat ng problema sa mundo ah.” Puna ng nanay niya nang lumabas ito sa pinto ng pantry. “Nag- away na naman kayo ng nobyo mo?”

Walang buhay na tumango siya.

“Napapadalas na yata ‘yan.” Anito habang nagliligpit sila. Maga- out na kasi.

“Ganito talaga kami kahit n’ong nasa Iloilo pa ako, Nay.” Walang buhay na sagot niya habang nililigpit ang kalat sa mesa niya.

Tinitigan siya ng nanay niya. “Alam mo, anak, kung ganyang hindi ka na masaya, hindi na pagmamahal ‘yan. Kasi kung nagmamahalan kayo, maiintindihan niyo ang isa’t- isa. Hindi ‘yong ganyang napi- perwisyo ka.”

“Naiintindihan ko naman siya, Nay.”

“Eh ikaw? Naiintindihan ba niya?” Hindi siya nakasagot. Bumuntong- hininga ito. “Sa relasyon, hindi pwedeng isa lang ang iintindi, dapat dalawa kayo. Kasi dalawa kayo ang nasa relasyon eh, hindi ikaw lang.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Nanay mo ako, ayokong nakikita kang ganito.”

“Na ano po?” Tanong niya.

“Na sinasaktan ka.”

Napabuntong- hininga siya. “Nay, mahal lang ako ni Jeffrey kaya siya nagkakaganon.”

“So, hindi ako mahal ng tatay mo? Hindi siya ganyan sa’kin habang nandito ako sa Manila eh.”

Napakurap- kurap siya.

May point.

Biglang lumabas ng opisina si Sir Jared nang hindi man lang sumusulyap sa kanila ng nanay niya. Siguro napansin nito na masyadong malalim ang pinag- uusapan nila.

Sunod na lumabas si Madam Lucia kaya napatayo sila ng nanay niya. Huminto ito sa harap ng table niya.

“May company dinner tayo. Kailangan naroon kayong dalawa. Okay?” Anito.

“Yes, Madam. Thank you po.” Sagot ng nanay niya.

“Anyway, Amelia,” Kuha nito sa atensyon ng nanay niya. “Napansin mo bang isang linggo nang pumapasok ang anak ko?”

Siya naman ay tinapos na ang pag- liligpit.

Mahinang natawa ang nanay niya. “Pansin ko nga Madam. Noon, sinusundo pa natin ‘yan sa kung saan para lang pumasok dito at mag- training.”

Tumango si Madam Lucia. “At siya pa talaga ngayon ang gumigising sa’kin para pumasok.”

Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito habang nasa isip pa rin niya ang away nila ni Jeffrey.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon