CHAPTER 8

12K 317 23
                                    


CHAPTER 8

NAKATULALA LANG si Analyn habang nakatingin sa hawak niyang cheke. Bigay iyon nina Mr. and Mrs. Garlan, ang mga magulang ng batang sinagip niya.

Pasang- awa ang grade ko dati sa swimming pero may nasagip pa ako. Who would have thought...

Si Madam Lucia mismo ang nagbigay nito sa kanya at talagang inihatid pa nito iyon sa apartment niya. Pinabibigay daw iyon ng mag- asawa bilang pasasalamat. Kaya kahit ayaw niya, wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon dahil pinipilit talaga ni Madam Lucia na tanggapin niya iyon.

Nasa opisina na siya at ilang araw na rin silang naging abala ni Sir Jared. Tinutulungan niya ito sa project nitong mini- gallery sa labas ng opisina at sa iba pa nitong projects para sa kompanya. At walang araw na hindi ito nag- iiwan ng chocolate sa mesa niya. Lagi iyong may kasamang maliit na papel na may weird na doodle o drawing saka may thank you na nakasulat sa likod. Unique din mag- thank you itong boss niya. Nakakakilig.

Wait…what?

Sa mga araw na nakalipas, sweet din sa kanya si Jeffrey. Nanuod pa nga sila ng sine kagabi. But she somehow felt different. At hindi naman sila nakapag- concentrate dahil may tatlong lalaking nag- iingay sa bandang likuran nila at nagbabatuhan ng popcorn. Natamaan pa nga si Jeffrey nang hindi sinasadya. Though, ilang beses itong tinamaan.

“Good morning po.” Nabalik ang diwa niya nang marinig ang boses ni Mang Berto, ang driver ng pamilya Egorov.

“Magandang umaga po, Mang Berto.” Balik- bati niya.

“Nasa baba na po ang mga paintings ni Sir Jared, saan ko po ba ipapalagay?” Tanong nito.

Tumayo siya at lumabas ng opisina. “Dito na lang po.” Aniya at iminuwestra ang espasyo na naroon.

“Sige po.” Akmang tatalikod na ito nang may naalala siya.

“Mang Berto, hindi po ba papasok si Sir Jared?” Tanong niya. Wala pa kasi ang boss niya eh lagpas alas diyes na.

Ngumiti ito. “Kakagising lang po ni Sir pagka- alis ko sa bahay nila. Pinauna nga niya ako dito. Pero papasok po si Sir.”

Tumango lang siya. Ano kaya ang nangyari d’on? Hindi naman ito late pumapasok simula nang maging CEO na ito.

Nabalik ang diwa niya nang dumating ang mga taga- maintenance department. Pati kasi opisina nila ay kailangan ayusin dahil maglalagay din daw doon si Sir Jared ng mga sketch nito.

Inabala na lang niya ang sarili sa mga dapat niyang ayusin.

LATE NA nagising si Jared at pilit niyang iminulat ang mga mata kahit antok na antok pa siya. Madaling araw na kasi siyang nakatulog dahil sa studio na naman siya naglagi. He needed to distract himself again.

Hindi siya makatulog kagabi nang makauwi siya galing sa mall. Sinundan kasi niya si Annie at ang boyfriend nito nang malaman niyang magkikita ang dalawa. He heard her talking in her phone when he was on his way to the pantry.

Isinama niya sina Christian, Paul, at August. Hanggang sa sinehan, sumunod sila. Panay reklamo ng tatlo dahil inuutusan niya ang mga ito na mag-ingay at batuhin ng popcorn ang boyfriend ni Annie. Siya naman ay pinagtitinginan ng ibang tao doon dahil sa sahig siya nakaupo at pilit na nagtatago para hindi siya makita ni Annie.

Why did I even do that anyway??

Mabilis siyang nag- ayos pagkatapos niyang paunahin si Mang Berto para i- deliver ang paintings niya sa opisina.

“Himala, late ka.” Puna ng daddy niya nang dumaan siya sa sala.

“I was busy.” Maikling sagot niya at akmang lalabas na ng bahay nang magsalita ang mommy niya.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon