"NANCY ZAMORA." Iyon ang ibinigay na pangalan ni Caring kay Honey. Iyon daw ang pangalan ng kanyang ina. Pero ang tirahan, hindi nito alam.
"My God! Tiyak po na hindi isa o dalawa ang Nancy Zamora dito sa Pilipinas. Kahit i-search ko pa iyan sa google. At tiyak ding hindi ko magagawa dahil wala akong internet," yamot niyang sabi.
Nilakad pa niya ang kahabaan ng gilid ng kalsada hanggang sa marating niya ang Baclaran. Napatingin siya sa mga taong nagtitinda ng pagkain.
"Nagugutom na pala ako," napahawak pa siya sa tiyan na biglang kumalam iyon.
Hanggang tingin na lamang ang nagawa ni Honey at muli ay ipinagpatuloy ang paglalakad. Nililingon pa niya ang nadaraanang mga pagkain, manaka'y binasa pa ng kanyang dila ang nanunuyong labi. Hindi tuloy niya napansin ang isang tila bakal na makakasalubong niya.
"Aray!"
Sapo ang noong tumama sa dibdib ng lalaki nang unti-unti niyang itinaas ang tingin. Napalunok siya ng laway. Sa tangkad at porma nang taong nakabangga niya'y tiyak na foreigner iyon. Tiyak na mapapalaban siya ng english 'pag nagkataon. Naka-shade ito kaya hindi niya masilayan ang mata. Mamula-mula rin ang pisngi.
Lumod-laway muna ang kanyang ginawa, "I'm s-sorry, S-sir," nauutal niyang paumanhin. Hindi rin niya maiwasang manginig ang tuhod. Hindi niya maintindihan kung bakit. Dala lang siguro iyon ng matinding gutom o baka'y niyerbos.
Kaagad na ring nagbaba siya ng paningin nang hindi tumugon ang lalaki. Hindi rin niya alam kung nakatitig ito sa kanya dahil may kadiliman ang suot nitong shade. Isang lalaki pa ang lumapit sa kanila.
"Ineng, okay ka lang ba?"
Nagtaas na siya ng paningin, "Hind--ikaw po 'yong lalaki kanina, 'di po ba?"
Nangiti naman ang lalaki, ma-edad na ito, tingin niya'y nasa tatlomput-lima pataas.
"Oo 'neng, ako nga iyon. Nahanap mo ba ang bag mo?"
Lumungkot muli ang anyo ni Honey, "Hindi pa nga ho eh! Kararating ko pa lang ho rito sa Manila galing probinsya para hanapin ang nawawala kong ina," suminghot siya.
Nagkatinginan naman ang kausap niyang lalaki at ang nabunggo niya.
"May kakilala ka ba rito, 'neng?"
"Mayroon po, kaso mukhang hindi na rin po ako makakapunta roon. Nasa loob din po kasi ng bag ko ang pera at ang larawan ng ina ko."
Sumenyas ang nabunggo niyang lalaki sa kausap niyang lalaki. Tumalima naman ang huli, lumapit ito sa sumenyas. May ibinulong ito at napatango naman ang kausap niya.
'Ah 'neng, siya ang boss ko. Driver niya ako. Ipinapatanong niya kung ano raa pangalan ng ina mo."
"Nancy Zamora po. Hindi ko pa po siya nakikita. At hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. Iyon lang po ang ibinigay na detalye sa akin ng Lola ko."
Muli ay nagkatinginan ang dalawang lalaki at kapagdaka ay napatutok din ang tingin sa kaharap na dalaga. Malakas kasi ang pagkalam mg kanyang tiyan kaya narinig ng dalawa iyon. Muli ay sumenyas ang nabunggo niya at bumulong muli sa lalaking kausap niya.
Pinabibili nito ng pagkain at tiyak niyang para para sa kanya iyon. Isinama siya ng kausap niya sa loob ng kainan. Pagpasok pa lamang ay napayakap na siya sa sarili.
"Ang lamig naman dito!" puna niya.
"Ganiyan talaga rito ineng. Alam mo ba kung ano ang tawag diyan?" Itinuro pa nito ang naglalakihang aircon sa magkabilang gilid habang pumipila upang um-order.
"Wow! Aircon 'di po ba iyan? Samantalang sa lugar na kinalakihan ko, sumipol ka lang may hahampas na sa mukha mo na hangin. Dito, hindi na pala kailangan."
BINABASA MO ANG
MY HAPPY ENDING
RomanceAng paghahanap ni HONEY sa hindi pa nasisilayang ina ang nagtulak sa kanya upang magtungo sa Manila. Isa siyang probinsiyana at ngayon pa lamang tatapak sa lugar na iyon. Sa pagtuntong niya sa Manila, disgrasya ang nahanap niya. Nawala ang kanyang...