"GOOD afternoon Sir, puwede ko ho ba kayong maabala? May nais lang ho sana akong malaman." Halatang may pag-aalinlangan sa boses ni Honey. Nakayuko pa siya sa nakatalikod na binata.
"Ano 'yon?"
"Hindi po ba kayo umalis dito?"
Nilingon ni Edward si Honey. Kampante itong naka-upo sa pang-isahang sofa habang nanunuod ng tv.
"Hindi ba't sabi ko sa iyo kanina sa office ay kailangan kong magpahina? So, bakit ako aalis?" masungit nitong tanong.
Nakadama naman ng hiya ang dalaga. Humingi rin naman agad siya ng despensa rito at mabilis na tinalikuran ang binata. Nagkulong na lamang siya sa silid.
Napahinga ng malalim si Edward, "Mabuti na lamang pala, nauna ako sa kanya. Kung hindi'y mabibisto ako." Pagkarating nito sa unit ay mabilis na nagpalit ng damit, umupo sa sofa at eksaktong nagbubuhay ng tv ay dumating na si Honey. Napakamot ito sa ulo, "Kailangan ba talagang dumaan ako sa ganitong sitwasyon? Para na akong masisiraan ng ulo sa kakaisip!" sambit pa nito sabay kamot sa ulong hindi naman kumakati.
"See Honey? At nagtanong ka pa ha!" Paroo't-parito siya sa silid at kung may buhay lamang ang mga gamit na naroo'y, nahilo na ang mga ito. "Anong iisipin n'on sa 'yo? Baka maya-maya niya'y mainis na siya sa kakulitan at kadaldalan mo at ang ending ibigay ka na niya sa taong mahilig sa mga bata." Iyon ang tawag niya sa kliyente na nagugustohan daw siya. "Hayst! Bakit ba hindi maalis-alis iyon sa isipan ko? Sinabi naman n'ya na hindi raw ako ipamimigay sa taong iyon."
Patihaya niyang ibinagsak ang katawan sa higaan at hinayaang lamunin siya ng antok. Ganoon lamang ang gawa niya sa tuwing darating mula sa office. Lalabas lang siya ng silid kapag kakain, ipag-aayos ng susuotin ang binatang amo o kaya ay sapatos. Never pa siyang tumambay sa sala upang manuod ng tv. Nandoon kasi palagi si Edward. Nahihiya naman siyang magsabi rito.
Nagising na lamang siya sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Naghihikab pa siya nang buksan at bumulaga sa paningin niya ang guwapong-guwapo na binata lalo na sa suot nitong body fit with salamin sa mata. Dinaig pa ang idol niyang si Paulo sa pormahan. Lihim tuloy niyang nakagat ang pang-ibabang labi.
"Honey," ilang segundo itong hindi nagsalita, subalit ang mata'y baba't-taas sa kanya."
"Yes, Sir."
"Ha? Ahm, aalis ako sandali. Kung gusto mo nang kumain, mayroon akong in-order na pagkain diyan at kung gusto mo rin na manuod na tv, pumunta ka na lang sa sala. Iniwan kong buhay ang tv." Mailap ang mata nito habang nakikipag-usap sa dalaga.
Nakangangang tumango lamang si Honey, subalit ang isipan niya'y nagnanais na magsalita. "Himala! Anong nakain ng mokong na 'to? Aba'y nagpaalam pa sa akin! Dati-rati nama'y nalalaman ko na lang na wala na pala akong kasama rito." Iyon ang nais niyang isiwalat.
Hindi na niya isinarado ang pintuan ng silid dahil alam niyang mag-isa na lamang siya roon. Binalikan niya ang cellphone at nang matapat siya sa salamin ay halos malaglag ang kanyang panga sa nakita.
"Pambihira, wala pala akong bra? Naka-short at sando pa ako. Shit to myself naman oh! Anong kalokohan ang nagawa ko?" malakas niyang bigkas kasabay ang paghaplos sa magkabilang pisngi n'ya.
"You're too sexy naman," narinig niyang tinig at pagkatapos ay narinig din niya ang pagsarado ng pinto.
Nanlalaki ang matang ibinaling niya sa likuran ang tingin, "What? Hindi ba't umalis na ang taong 'yon? Bumalik ba siya?" sunod-sunod niyang tanong sa sarili.
Lalong namula ang mukha niya sa labis na kahihiyan. Kung puwede lang na lumubog siya nang oras na iyon, gagawin na n'ya.
"Oh my God! Narinig niya ang sinabi ko!"
Sinarado niya ang pintuan ng silid at saka ay mabilis na nagtungo sa higaan. Padapang humiga at itinalukbong ang unan sa ulo kasabay ay ipinadyak ang mga paa.
"Ahh! Nakakahiya! Anong kamalasan ang nangyayari ngayong araw na 'to?" Maya't-maya pa ay napabalikwas siya ng bangon." Teka, bakit nga ba ako nahihiya? Hindi naman niya nakita ng personal 'yong ano ko at lalong hindi n'ya rin nadama."
Subalit kahit ganoon ay halos isang oras ang iginugol pa niya sa silid, siniguradong wala na roon ang boss niya bago napagpasyahang lumabas. At sa pagkakataong iyon ay naka-jogging pants at t-shirt na siya, may panloob na rin ang dibdib niya.
Pagkatapos kumain ay hindi na rin siya nagtagal, pikit-mata niyang in-off ang tv kahit pa nga gustong-gusto niyang manuod. Halos takbuhin na niya ang pagpasok sa loob ng silid. Humilata na lang siya sa kama hawak ang cellphone.
"Wait, may facebook account kaya si Sir? Kung mayroon man, tiyak na hindi tunay na pangalan niya ang nakapangalan doon." Inapuhap niya ang cellphone. Isa-isang tiningnan ang friendlist niya.
Ilang sandali pa ay nakatulogan na rin niya ang cellphone. Hindi na niya namalayan ang pagdating ni Edward. Marami itong dala, may mga gamit sa kusina, pagkain na isa-isang inilagay sa kabinet at refrigerator. At ang isang nakalagay sa paper bag, iniwan nito sa tapat ng pinto ni Honey.
MAAGANG gumising si Honey kinabukasan. Balak sana niyang magluto ng almusal subalit pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang paper bag at ang mabangong amoy na nagmumula sa niluluto ni Edward. Nakanganga tuloy siya nang tumingin dito.
"Hi, good morning," nakangiti pang bati nito sa kanya.
"G-good morning din po, S-sir."
"Halika na, sabayan mo na akong kumain. Kailangang maagap tayo ngayon sa office, marami pa akong tatapusing gawain doon."
"S-sige po Sir," dinampot na niya ang paper bag, "S-salamat po rito," aniya kasabay ang pag-angat sa hawak.
"Your welcome, suotin mo 'yan." Sinulyapan siya nito. "Mahaba kasi ang biyas mo and I think, bagay sa iyo ang damit na ganiyan."
Ngumiti lang siya. Inilapag na muna niya ang hawak sa ibabaw ng higaan bago lumabas ng silid. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit tila na-i-excite siyang makita ang binigay ni Edward. Naratnan niyang nasa mesa na ang mga pagkain, may plato't baso na rin.
"Perfect date este breakfast pala!" naghuhumiyaw na sabi ng isipan niya.
Hindi halos niya magawang nguyain ang pagkaing isinusubo. Lalo na ang paglunok, tila ba'y may kung anong bagay ang nakabara sa kanyang lalamunan.
"Kumain ka nang marami, nangangayat ka na eh!" Nilagyan nito ng pagkain ang pinggan ng dalaga.
"Payat! Nang dumating ako rito'y 51kls lang ang timbang ko, ngayo'y 56kls na! Ganoon ba ang nangangayayat?" Halos ipagsigawan na ng isipan niya iyon subalit minabuti na lamang niya ang tumahimik. Nilunok na lamang ang nasa bibig at saka ay isinubo ang pagkaing nasa pinggan. Sinamantala na niya ang kabaitan ng binata, baka raw kasi'y magbago na naman iyon.
Pagkatapos kumain ay siya na ang nagligpit ng kanilang kinainan.
Isang dress ang nasa harapan ni Honey. Iyon ang laman ng paper bag. Ipinantay niya iyon sa kanyang katawan at saka humarap sa salamin.
"Ang ganda naman nito! Pero hanggang hati lang ng hita ko," sinipat-sipat pa niya ang sarili sa harapan ng salamin.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok sa pinto at kasunod ang tinig ni Edward.
"Honey, ready ka na ba?"
"Oh my...paalis na na siya!" Hindi siya magkandaugaga, mabilis niyang naisuot ang damit na hawak. "Wait lang po Sir," isinuot niya ang sandals na kabibili pa lamang. Bumagay naman iyon sa damit niya.
Lumabas siyang may pawis sa noo, "Sorry po Sir, natagalan ako."
Napatitig si Edward sa dalaga at halos lumuwa ang mata.
"Bagay sa iyo ah! Ang cute mong tingnan," lumapad ang pagkakangiti nito habang tutok na tutok ang tingin sa kanya.
Nagkulay-kamatis ang mukha ni Honey sa narinig. "Thank you po Sir."
"Dapat, ganiyan na ang suotin mo araw-araw."
Ngiti lamang ang itinugon niya rito. Pina-una na siya nitong lumabas at magkasabay na pumasok sa elevator. Inalalayan pa siya nito sa pagpasok.
"Ang gentleman naman ni Sir ngayon. Anong m'erun? Pero sana, ganito siya araw-araw," mahinang saad niya.
BINABASA MO ANG
MY HAPPY ENDING
Storie d'amoreAng paghahanap ni HONEY sa hindi pa nasisilayang ina ang nagtulak sa kanya upang magtungo sa Manila. Isa siyang probinsiyana at ngayon pa lamang tatapak sa lugar na iyon. Sa pagtuntong niya sa Manila, disgrasya ang nahanap niya. Nawala ang kanyang...
