"PAANO ko nga kaya mahahanap ang aking ina?"
Nanlulumong napa-upo si Honey sa gilid ng kama. Katatapos lang nilang mag-usap ni Weng-weng at sinabing wala nang pag-asang makita niya ang hinahanap. Pinanghinaan tuloy siya ng loob.
"Para akong naghahanap ng karayom sa pumpon ng dayami," saad pa n'ya. Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at sandaling nag-isip. "I-search ko kaya siya sa facebook."
Nagdudumaling dinampot niya ang cellphone at ganoon nga ang ginawa niya. May lumabas nga, subalit hindi lang sampo.
"Sinasabi ko na eh, napakarami nang pangalang Nancy Zamora sa mundo. Iisa-isahin ko silang i-add, ganoon ba? Mayroon pang nakatira sa ibang bansa, hayst!" Nasapo niya ang ulo, "Lord, help me please!"
Inisa-isa niyang tingnan ang profile ng nagngangalang Nancy, pati mga bata ay hindi niya pinatawad. Nagbaka-sakali na isa roon ang kanyang ina.
"May isa pang paraan upang magtagpo kaming mag-ina, iyon ay kung hahanapin n'ya ako."
Nakatulogan na ni Honey ang ginagawa, madaling araw na nang siya magising. Ipipikit sana niyang muli ang mata ngunit pumasok naman sa isipan niya ang isa pang nagpapagulo sa isipan niya. Ang sinabi ng boss niya. Paano kung totohanin nito ang sinabi sa kanya? Magagawa nga kayang ibigay siya kapalit ang alok nito kay Mr. Cheng?
"Kayo na po ang bahala sa akin Lord, huwag Mo po sana akong pababayaan," usal niya.
MALALIM ang iniisip ni Edward nang sandaling iyon. Hindi halos ito makapag-concentrate sa trabaho. Tambak ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa ngunit ni isa ay walang ginagalaw ang binata. Maya't maya rin ang buntong-hininga niya. Iyon ang naratnan ni Honey.
"Sir, ipinabibigay po ni Sir Ben. Kailangan na raw po nang approval mo." Inilapag nito papel sa harapan ng binata.
"Para saan ito?"
Nagsalubong ang kilay ni Honey, "Sabi ho ni Sir Ben, alam mo na raw ho iyan!"
Si Edward naman ang nagsalubong ang kilay.
"Basahin mo ho Sir para malaman mo kung tungkol saan iyan."
Ganoon nga ang ginawa ng binata. Paulit-ulit niyang binasa ang nakasaad sa papel subalit, sadyang hindi niya maunawaan at maalala kung para saan iyon.
"Honey, pakitawag mo nga si Ben."
Agad namang tumalima ang dalaga. Pagpasok nito'y magkasunod na sila ni Ben.
"Yes Sir," lumapit agad sa kanya si Ben.
"Para saan nga ito?"
Napasulyap ang nagugulohang si Ben kay Honey. Ilang sandali pa ay sinabi na rin nito kung para saan iyon.
"Magkape ka kaya muna, Sir. I-relax mo ang isipan mo at huwag mong paka-isipin kung ano ang gumugulo sa 'yong isipan. Nakatitiyak naman akong mahal ka n'on." pabirong turan ni Ben bago ito lumabas.
Narinig ni Honey ang pagbuntong-hininga ng binata. Kaya't napilitan na siyang kausapin ito kahit may pag-aalinlangan sa sarili.
"Okay ka lang po ba, Sir?"
"Ha? Ahm, oo naman. Bakit?"
"Wala po Sir," tugon nito na may kasamang iling. Iniiwas na nito ang tingin sa mata at kunwaring inabala ang sarili. Baka kasi'y magsalita pa ang binata at mapag-usapan nila ang matandang kliyente. Kunsabagay puwede naman ang umatras o tumanggi kung sakali mang ibigay ito ng binata. Pero, paano kung tapos na ang deal? Ang dalaga naman ang napabuga ng hangin sa isiping iyon. Hindi na ito mapalagay simula nang mapag-usapan nila ng binata ang tungkol kay Mr. Cheng.
Muli itong nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi nito namalayan ang paglapit ni Edward at nagsasalita.
"Mukhang ikaw ang may problema ah!''
"Po, w-wala po ah!"
Ngumiti si Edward, "Mag-out na ako. Bukas ko na lang tatapusin iyon," itinuro niya ang patong-patong papel sa mesa. "Kailangan ko munang magpahinga."
"Okay, Sir."
Magkasunod na silang lumabas, bitbit ni Honey ang bag ng binata. Nagpaalam muna ang binata sa secretary. Nagkataon na wala siyang meeting nang araw na iyon kaya madaling nakaalis.
"Honey, puwede kang mamasyal ngayon."
Nasa sasakyan na sila at kasalukoyang tinatahak ang daan pauwi. Tumingin lang si Honey sa likuran, wari ba'y sinusuri kung nagsasabi ng totoo, binalingan din nito ang nagmamanehong si Edring. Ngumiti lang ito sa kanya.
"Anong nakain ng taong ito? Mukhang mabait ngayong araw." saad ng isipan nito.
Hindi na ito umakyat nang marating na ang unit. Itinaboy na ito ni Edward.
"Bakit kaya?" Nagugulohan pa rin ang dalaga habang sakay ng dyip. Pupuntahan na lang nito Caren.
KINUHA ni Honey ang cellphone upang ipaalam sa kaibigan ang pagpunta niya ngunit wala roon ang kaibigan. Isinama raw ito ng amo sa ibang lugar. Napilitan nang pumunta na lang sa mall. Ilang buwan na siya sa Manila at kahit papaano ay nakakasanayan na niya ang buhay doon. Hindi tulad nang bago pa lamang siya. Halos bago sa kanyang paningin.
"Pintong tumataas at bumaba," lihim siyang natawa sa sarili nang maalala ang nakaraan. "Elevator pala ang tawag!"
Nang isinama siya ni Edring sa isang mall upang kuhain ang in-order ng boss nila'y napagkamalan pa siyang baliw. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may hagdanan palang gumagalaw? Umaakyat at bumaba. Tuwang-tuwa siya nang makita iyon lalo nang itapak niya ang paa sa baitang. At sa tuwing makakakita siya ng matataas na building, pakiramdam niya'y nasa New York siya. Pero ngayon, sanay na siya. Hindi na siya 'yong babae na matutuwa at papalakpak 'pag makakakita ng pintong tumataas at bumaba o kaya'y hagdang umaakyat at bumaba. Nasanay na rin siya sa Manila.
"Ano naman ang gagawin ko rito?" tanong niya sa sarili sa harap ng mall. "Mamamasyal mag-isa," sagot din niya.
Nilibot na lang niya ang loob ng mall hanggang sa mapagod ang kanyang mga paa. Nagpahinga siya nang may naraanan na upoan. Nagpalinga-linga siya na tila ba'y may hinahanap at nang mapalingon sa nag-uumpokang mga tao ay may nasulyapan siyang pamilyar na tao.
"Si Sir Edward ba 'yon? Anong ginagawa n'ya rito? Akala ko ba'y magpapahinga ang taong 'yon!"
Agad ding tumindig siya upang puntahan ang taong nakita. Subalit nang makalapit na ito sa nag-uumpokang mga tao ay iba na ang naroon. Hinanap niya ang binata subalit hindi niya ito makita.
"Namalik-mata lang ba ako?"
Nagkibit-balikat na lamang siya at muli ay naglakad-lakad patungo sa kung saan.
Palihim pa ring sinusundan siya ni Edward. Mabuti na lamang at nang makita siya nito kanina'y madaling nakapagtago ang binata. Hindi rin nito malaman sa sarili kung nagagawang sundan ang dalaga. Nakita nitong huminto ang dalaga kaya't madali itong nagtago. Pumasok pala si Honey sa isang jewelry store.
Mula sa labas ay kitang-kita ni Edward ang dalaga. Nakatalikod ang dalaga.
"Nagiging stalker na ako ah!" 'Pagdaka ay sambit ng binata na may kasamang iling. "Tsk! Mukhang iba na ito ah! Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya?" tanong nito sa sarili na alam naman nito kung ano ang kasagutan.
Muling umiwas si Edward nang makitang papalabas na ang dalaga. At nang papalayo na ay muli nitong sinundan ang dalaga.
"Hindi! Masyado pa siyang bata para sa akin. Tiyak kong natutuwa lamang ako sa kanya lalo na ang mga kakat'wang kinikilos niya." hiyaw ng isipan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/184191426-288-k21883.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HAPPY ENDING
RomanceAng paghahanap ni HONEY sa hindi pa nasisilayang ina ang nagtulak sa kanya upang magtungo sa Manila. Isa siyang probinsiyana at ngayon pa lamang tatapak sa lugar na iyon. Sa pagtuntong niya sa Manila, disgrasya ang nahanap niya. Nawala ang kanyang...