NAGING pala-isipan kay Honey ang narinig mula kay Edward. Kinagabiha'y iyon ang laman ng isipan niya. Gusto na sana niyang magtanong nang pabalik na sila sa condo ngunit naputulan yata siya ng dila. Hindi siya makapagsalita.
"Ano kaya ang nangyari kung natuloy ang meeting?" tanong niya sa sarili at saka'y tumihaya ng higa. "Si Mr. Arguelles kasi, itinigil pa ang meeting, disinsana'y alam ko na kung nagbibiro lang ba si Sir."
Tumagilid naman siya ng higa at dinampot ang nasa ulohang unan. Niyakap niya iyon at kinilig pa ng bahagya.
"Ano kaya kung totoo ang sinabi ni Sir? Hala naman!" Napatili siya sa labis na kilig kasabay ang pagdikit ng unan sa mukha niya. "Nakakahiya naman itong naiisip ko. Parang napaka-imposibleng mangyari. Napa-praning na ako kakaisip."
Tumihaya siyang muli, itinutok ang paningin sa kesame. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya.
"Si Caren," sinagot na rin niya ang tawag ng kaibigan. "Istorbo ka namang babae ka!" sabi n'ya sa kabilang linya.
"Bakit? May ginagawa ka pa ba? Dis-oras na ng gabi ah!"
"Wala! May iniisip lang ako."
Nai-kuwento niya ang narinig na sinabi ni Edward. At maging si Caren ay hindi rin lubos na makapaniwala ngunit nasabi rin nito ang labis na pag-alala ng binata nang siya ay mawala. Lalo tuloy nagulohan si Honey. Ngunit sa pag-aakalang biro lamang ang narinig ay ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon.
Subalit nang sumapit ang umaga ay agad na nagpapahiwatig ang binata. Habang sabay silang nag-aalmusal ay nagbibilin na agad ito. Ayaw na siyang pasamahin sa office dahil baka raw ay buweltahan siya ni Mr. Cheng at Mrs. Cabrera.
"Sasama ako Sir," agad niyang sabi.
"Tigas ng ulo mo! Sinabi ko nang delikado pa--"
"Kahit naman saan ay delikado, hindi ho ba?"
"Pero mas safe ka rito,"
"At paano ka naman ho nakakasigurado?"
Sandaling napipilan si Edward. Naibaba nito ang isusubo sanang pagkain.
"May mga guwardiya rito--"
"Doon din naman ho sa office mo ah!" muli niyang putol sa sasabihin pa ng binata.
"Ang kulit mo rin noh!"
"Wala naman ho kasi akong gagawin dito. Lalo naman ho na hindi mo ako papayagang pumunta kay Caren."
Sumimangot si Edward, "Gusto mong makuha muli ni Mr. Cheng?"
"Kaya nga po, isama mo na lamang ako sa office. Tiyak naman na hindi ako malalapitan ni Mr. Cheng dahil nand'on ka."
"Oo na," itinaas pa ni Edward ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Sumama ka na."
Napangiti naman si Honey at muli ay isinubo ang natitira pang pagkain.
Pagkatapos nang ilang sandali, lulan na sila ng sasakyan. Kung dati ay sa una naka-upo si Honey, nang oras na iyo'y sa tabi na ni Edward. Hindi na rin siya tagabitbit ng bag nito, si Edring na muli.
"Ano kayang nakain ng lalaking 'to?" tanong ng isipan ni Honey.
Kasalukoyan na silang naglalakad patungo sa office nito. Kung dati siya ay nasa una o minsa'y nasa huli ngayon nama'y magkasabay na at hawak pa ang kanyang palad.
"Naalibadbaran ako! Hindi ako sanay," bulong niya na halos hilahin na niya ang kamay ngunit daig pa ang linta ng palad ni Edward kung makadikit.
Pagtapat nila sa mesa ni Ben ay huminto sandali si Edward may ini-utos ito ngunit hindi sa sekretarya nito. Kun'di sa isa pang empleyado.
BINABASA MO ANG
MY HAPPY ENDING
RomanceAng paghahanap ni HONEY sa hindi pa nasisilayang ina ang nagtulak sa kanya upang magtungo sa Manila. Isa siyang probinsiyana at ngayon pa lamang tatapak sa lugar na iyon. Sa pagtuntong niya sa Manila, disgrasya ang nahanap niya. Nawala ang kanyang...