Chapter 5

481 11 0
                                        

SA labis na takot ay napaluhod si Honey. Hindi niya inalintana ang bubog na nagkalat sa sahig. Baso ang nasagi niya. Nailagay iyon ng boss niya sa ibabaw ng kabinet na hanggang hati ng tiyan kapag nakatayo ang isang tao.

"Sorry po Sir," paulit-ulit niyang sabi habang magkadaop pa rin ang mga palad at nakapikit.

Sa unang pagkakataon ay narinig niyang magsalita ito.

"It's okay. You don't have to do this."

Tila isang musika ang tinig na iyon sa pandinig niya. Sweet music, ika nga. Unti-unti niyang iminulat ang mata upang sana ay tingnan ang mukha ng kanyang boss subalit malayo na ito sa kanya at nakatalikod na. May kung anong bagay itong inaapuhap. Napapitlag siya nang muling magsalita ito.

"Stand up and go back to your room. Tomorrow we will go to my office and I'll teach you something," utos nito.

Naunawaan naman niya iyon. Kaya't mabilis siyang tumayo at tinungo ang silid, iniwan na nagkalat pa ang mga bubog sa sahig.

"Oh my God! Oh my God!" paulit-ulit niyang sabi habang nakahawak ang kamay sa dibdib nang maisarado na ang pinto. "Anong ginawa ko? Baka parusahan niya ako bukas!" hindi magkandaugaga niyang sabi habang paroo't parito sa silid.

Patakbo siyang lumapit sa higaan nang makarinig ng kaluskos sa labas. Nagtalukbong siya ng unan na animo'y may pinagtataguan.

"Baka'y pumasok pa siya rito," saad pa n'ya. Natigilian din siya, "Paano siya makakapasok eh ini-lock ko naman ang pinto!"

Bumangon na rin siya at pinagmasdan ang pinto. Tila isa na siyang baliw kung titingnan. Nagsasalitang mag-isa at kakat'wa ang ikinikilos.

"Hayst Honey, napa-praning ka na! Itulog mo na iyan para magkamuta ka."

Bumalik siya sa pagkakahiga at sa pagkakataong iyon ay patihaya na. Nakatutok ang kanyang paningin sa puting kesame.

"Kumusta na kaya si Lola ngayon? Ano kayang ginagawa n'ya? Uhm, baka'y tulog na iyon ngayon."

'Pagdaka ay dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa na malapit sa higaan niya. Hindi iyon napasama sa bag na nawala dahil nasa loob iyon ng pantalong suot niya.

"Wala nga pala akong load. Bukas ko na siya tatawagan."

Ipinikit na niya ang mata subalit kung saan-saan lamang naglakbay ang kanyang isipan. Napapangiti pa siya habang dinaraanan ng isipan niya ang maaring puntahan kapag siya ay nakalabas. Subalit, napapikit siya ng mariin nang umintrada sa isipan niya ang tagpo kanina. Nang makita ang kalahati ng katawan ng boss niya.

"Pambihira!" Kaagad siyang nagmulat ng mata, "Bakit iyon pa ang pumasok sa isipan ko? Anong mayroon doon?" Bumangon siya at napalunok pa ng laway.

Ilang oras din siyang dilat ang mata bago nakatulog. Nagising na lamang siya sa tunog ng kanyang cellphone.

"Ang aga naman nitong tumawag!" Inapuhap niya ang cellphone, "Si Caren pala!"

Sinagot na niya ang tawag ng kaibigan. Kinukumusta lang siya nito.

"Disaster!" pagkukuwento niya. Inilahad niya ang buong nangyari simula nang umalis siya sa tinutuloyan nito. Maging ang pagkawala ng mga gamit niya. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na tumulong sa kanya.

Halos tatlumpong minuto rin silang magkausap ni Caren. At nang matapos ay napagpasiyahan na niya ang maligo. At habang nasa banyo siya, dumating naman si Edring. Sa paglabas niya sa banyo, nakarinig siya ng tawanan. Nais sana niyang sumilip ngunit nauunahan na naman siya ng hiya. Baka kasi kung ano ang isipin ng boss niya.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon