Chapter 10

409 9 0
                                    

"ANONG nakain ni Sir ngayon?"

"Bakit?"

"Halata sa mukha niya na masaya siya oh!" Ngumuso pa si Ben sa deriksyon ng binatang kampanteng naka-upo sa harap ng mesa habang isa-isang binabasa ang naiwang trabaho. Sumisipol pa ito.

"Ewan ko ho riyan sa isang iyan, Sir. Kahapon sinungitan ako niyan tapos kaninang paggising ko, nag-iba ang timpla n'ya."

"Baka nama'y pinakain mo ng tilapya," makahulogang sabi pa ni Ben.

"Ho?" Mabilis ding natakpan ni Honey ang sariling bibig dahil sa napalakas na sabi. At panabay na umalis sa pinagpu-puwestohan. Nakasilip kasi ang dalawa sa pinto ng office ng binata.

"Ano ka ba naman Honey? Ang lakas ng boses mo!"

"Sorry po Sir, iyong sinabi n'yo kasi..."

"Huwag mo nang paka-isipin pa iyon. Bumalik ka na lang sa trabaho mo at baka makatunog pa si Sir, masermunan pa tayo sa ginagawa natin."

Kumakamot na pumasok na lamang ang nagugulohang si Honey.

"Sadya bang magulo ang takbo ng isip ng mga tao ngayon?" bulong n'ya sa sarili.

"Ahm Honey, anong gusto mong kainin ngayong lunch? Ililibre kita."

Nabaling ang tingin niya sa nagtanong at muli ay napakamot sa ulo.

"Kahit ano na po Sir, kayo na ho ang bahala." sagot din niya.

"Okay, sabay na tayong kumain."

Maang na napatitig na lamang si Honey sa binata. At nang tanghalian ay sabay ngang kumain ang dalawa at sa isang mamahalin na kainan pa. Panay pa ang kuwento ni Edward habang sila ay kumakain. Hindi tuloy malaman  ng dalaga kung dapat ba niyang ikatuwa ang ipinapakitang kabaitan ng binata. Baka kasi'y may kapalit iyon.

"Ahm, Honey, ilang buwan na tayong magkasama pero hindi ko pa alam kung ilang taon ka na!"

"Twenty one,  Sir."

"Ah!" Napa-isip bigla si Edward. Hindi naman na pala bata ang kaharap nito. Dalaga na, hindi lang halata sa hitsura. Pero alangan pa rin ito, thirty-two na kasi ito. So ibig sabihin, twelve years ang agwat nila. Pero, sabi nga nila age doesn't matter.

"Ahm, m-may b-boyfriend ka ba naiwan sa inyo o kaya'y espesyal na lalaki sa puso mo?"

Unti-unting lumaki ang pagkakaawang ng bibig ni Honey habang nakatitig sa binata.

"M-may nagpapatanong lang sa akin,"

Napatikhim muna siya, "Wala po. Sir."

"Ah! Eh k-ung sakali ba na may manligaw o kaya ay magparamdam nang nararamdaman sa iyo..." ibinitin ni Edward ang sasabihin at wari ba'y pinapakiramdaman muna ang kaharap.

"Wala pa po sa isipan ko ang ganiyang bagay," tugon agad niya.

Hindi agad nakasagot si Edward. Hindi pa man ito dumidiga, talo na.

"Sino ho ba Sir 'yong sinasabi mo?"

"Ha! Ahm, isang malapit na kaibigan pero ayaw ipasabi ang pangalan. Crush ka raw niya."

"Crush lang pala eh! Wala hong problema sa akin pero sa ngayon, ayaw ko munang mag-boyfriend hangga't hindi ko pa nakikita ang nanay ko." nangingiti niyang tugon.

Muling nabuhayan ng loob si Edward. Kailangan pala, tulongan nitong hanapin ang ina ng dalaga upang makadagdag point. Nakahinga na ng maluwag ang binata, lalo itong nagkaroon ng lakas upang suongin pa ang mga tambak na trabaho. Iyon ang nasa isipan nito hanggang sa marating nila muli ang opisina.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon