Chapter 20

425 9 0
                                    

"PAPA, mahal ko po si Jeffrey!"

"Hindi! Ako ang masusunod! Ako ang pipili kung sino ang mapapangasawa mo!" nanggagalaiting sigaw ni Wilson.

"Papa, please--"

"Tama na ang isang sabi ko Nancy! Susundin mo ang in-uutos ko sa iyo or else, dadalahin kita sa America."

Walang nagawa si Nancy kun'di ang sumuko. Yugyog ang balikat at bumabaha ng luha sa kanyang mata nang magsarado ang pintuan ng silid niya.

"Paano na lamang ang pagmamahalan namin ni Jeffrey?" Sa pagitan ng kanyang hikbi ang namutawi ang salitang iyon. "Hindi! Hindi dapat ako sumuko. Alam kong maghihintay sa akin ang lalaking nais kong makasama habangbuhay. Gagawa ako ng paraan upang makatakas."

Pinahid ng palad ang luhang namamalisbis sa magkabilang pisngi niya, saka'y tumayo upang tungohin ang bintana. Mula roon ay tanaw niya ang paglabas ng sasakyan ng ama sa gate. At iyon sinamantala niyang pagkakataon. Aalis siya at lilisanin ang kinalakihang tahanan upang makasama ang lalaking minamahal. Ayaw sana niyang gawin iyon ngunit pilit siyang ipapakasal ni Wilson sa lalaking hindi naman niya mahal at bukod pa r'on ay hindi pa n'ya nakikita.

Lumangitngit ang pinto ng kanyang silid nang pihitin niya ang seradora niyon. Unti-unti rin niyang inilabas ang ulo, tumingin sa paligid at nang makasigurado na walang tao'y saka pa lamang siya lumabas nang tuloyan.

Mabilis na nakalabas ng bahay si Nancy. Sumakay siya ng bus patungo sa pinapasukang trabaho ni Jeffrey. Sinabi agad niya rito ang gusto ng ama ngunit hindi ang pagpapakasal niya sa iba.  Dahil tiyak na magtatampo nang husto ang binata. Kaya nama'y umalis na rin agad sila upang magtago sa probinsya.

Masayang-masaya ang dalawa lalo na't nabuo ang bunga ng kanilang pagmamahalan. At kahit mahirap ang mamuhay sa probinsya'y kinakaya ni Nancy kapalit ang makasama ang lalaking mahal. Ngunit, buong akala nila ay hindi na sila matutunton ni Wilson. Nang sumapit ang pagluwal ng dalaga sa una nilang supling, nahanap sila nito.

Sa ospital kung saan nagsisilang si Nancy, nakaabang na pala si Wilson. At pagkatapos niyang mailuwal ang sanggol ay pilit na siyang isinama ng ama. Ni hindi man lamang niya nasilayan ang munti niyang anghel at hindi na rin nakapagpaalam ng maayos kay Jeffrey. Tanging si Caring lamang ang kasama niya sa ospital nang sandaling iyon. Isinama siya ng ama sa America at pagkatapos nang isang tao'y muli silang bumalik sa bansang sinilangan upang pakasalan ang lalaking hindi pa naman nakikilala.

"I'm sorry. Sorry anak," hilam sa luha si Mrs. Cabrera sakay ng kotse. "Anak ko..." natutop niya ang sariling bibig nang halos maisigaw na ang salitang binigkas.

Hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad sa anak lalo na ngayong ginigipit sila ng pagkakataon. Si Honey, ang nag-iisa niyang anak, pinararatangan pa niya nang kung ano. Paano siya makahihingi ng tawad dito?

"Papa, hanggang sa kabilang buhay ba nama'y pinarurusahan mo pa rin ako?" humiyaw na siya sa sobrang sama ng nararamdaman.

Oo. Galit siya sa kanyang ama. Galit na galit. Pumanaw ito anim na buwan ang nakararaan at magpahanggang ngayon ay hindi pa n'ya ito napapatawad. Paano niya mapapatawad ang isang taong dahilan ng kanyang pagdurusa? At sarili pa n'yang ama! Hindi ganoon kadaling magpatawad lalo na't malaki ang naging sugat sa puso niya sanhi ng ginawang kasalanan sa kanya.

"Anak ko, patawad!"

HINDI alam ni Edward kung paano sasabihin kay Honey ang nalaman. Pinahanap kasi niya ang nagngangalang 'Nancy Zamora' at hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng taong binayaran niya. Lalo nang makita ang naging reaksyon ni Mrs. Cabrera matapos ipakita ang papel na naglalaman na ito ang nawawalang ina ng dalaga.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon