Chapter 7

445 9 0
                                    

Chapter 7

MAAGANG lumabas si Edward, siyempre, kabuntot na naman siya nito. Pumunta ang dalawa sa isang meeting at sa isang hotel iyon ginanap. Isang half-Chinese, half-pinoy ang kausap ng binata. May ilan din irong alalay, subalit sa kabilang mesa pum'westo ang mga ito. Pinong-pino ang galaw ni Honey. Ingat na ingat na huwag makagawa ng anumang kapalpakan. Inililista niya ang mga pinapag-usapan ng dalawang panig. Pagkatapos na mag-usap ay dumating ang in-order ni Edwars na pagkain. Tahimik pa rin ang dalaga lalo na't panay ang tingin sa kanya ng kaharap na lalaki.

"Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustohan ang pagkain?" pabulong nitong tanong sa kanya.

Tumango lang siya na nakangiti. Kanina pa kasi siya kinakabahan. Hindi naman niya alam kung bakit. Pero iisa lang ang natitiyak niya, natitiyak niya na aabutin na naman siya ng palpak. Sabi pa naman ng boss niya, ang kausap daw nito ay isang bigating tao.

"S-sir excuse po, punta lang ako sa cr."

Tumango lang si Edward bilang pagsang-ayon. Hinabol siya ng tingin ng dalawang naiwan.

"Who is she?"

"My assistant, MR. Cheng," nangingiting tugon ni Edward.

"She's pretty huh!"

Lumapad ang ngiti ni Edward.

"Pero mukhang bata pa. Saan mo ba nakuha iyan? Ihanap mo nga ako nang tulad niyan para naman mawala ang stress ko sa trabaho."

Tuloyan nang natawa si Edward. May nababalitaan kasi ito tungkol sa kausap, mahilig daw ito sa mga bata pero hindi na sinabi pa iyon ng binata.

At habang nasa loob ng comfort room si Honey, kinakausap niya ang sarili sa isip lamang. Pinapakalma niya ang sarili, "Relax ka lang Honey!" sabi ng isipan niya. "Ganyan talaga ang trabaho mo, bigatin ang boss mo eh! Pasasaan ba't masasanay ka rin," aniya habang nakaharap sa salamin.

Magtatagal pa sana siya roon subalit nagakatanggap siya ng text message mula sa kanyang boss. Nagtatanong kung tapos na raw ba siya. Kiming naglakad siya pabalik sa mesa at nasulyapan niya na wala na roon ang kausap ni Edward.

"Tapos na po ba, Sir?"

Tumango ito, "May pupuntahan pa raw si Mr. Cheng, kaya nauna na siyang umalis."

"Ganoon ho ba?"

"Umupo ka na't tapusin ang iyong pagkain."

Sinunod naman iyon ng dalaga.

"Alam mo, sabi n'ya sa akin type ka n'ya."

Napamulagat siya, "Ako ho?"

"Iyon ang sabi n'ya, mahilig kasi iyon sa mga batang tulad mo. Sabi pa n'ya, papayag daw siya sa inaalok ko sa kanya kung sa kanya ka na raw magta-trabaho. Galanti iyon. 'Pag gusto mo, sabihin mo lang para maipaalam ko agad sa kanya. Para hindi na ako mahirapan pa."

Napipilan si Honey. Biglang dumagundong ang dibdib niya. Ito na ba ang kinatatakutan niya? Ang ibenta siya ng amo niya? Mabilis niyang nilagok ang natitirang laman ng baso niya.

"Sabihin mo Sir na nagbibiro ka lang!"

Natawa si Edward. Kitang-kita nito ang takot sa mukha ng dalaga. Napaka-inosenteng tingnan.

"Sir?"

"Of course not! Biro lang 'yong sinabi ko sa iyo. Hinding-hindi ko magagawa iyon sa isang tulad mo. Ikaw ang the best kong assistant eh!"

Hindi siya sumagot pero hindi pa rin naiibsan ang takot sa kanyang dibdib. Hanggang sa kanilang pag-uwi, laman pa rin ng isipan niya ang sinabi ni Edward. Paano nga kung isang araw ibigay siya nito sa taong iyon? Kung trabaho lang naman ang habol ng taong iyon, papayag siya. Pero parang hindi eh! May laman ang sinabi ng boss niya.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon