Chapter 6

451 12 2
                                    

MALULUTONG na halakhak ang nabungaran ng secretary ni Edward. Hindi man nagtatanong pero nasa mukha nito ang labis na pagtataka. Hindi naman iyon binigyang pansin ni Honey. Nakatuon ang salubong pa ring kilay nito sa lalaking nasa sentro ng mesa.

"Tsk! Naisahan ako r'on ah!" naiiling pa niyang turan sa sarili.

Nag-uusap ang dalawang lalaki habang si Honey ay naka-upo lamang sa isang tabi. Manaka'y pinagmasdan niya ang paligid. May ilang nakasabit doon at natawag ang kanyang pansin sa isang larawan na nakapatong sa table malapit sa bintana. Hinawakan niya iyon, inilapit unti-unti sa mata niya.

"Sino kaya ito?"

"Ako 'yan," sagot ni Edward. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Wala na rin ang kausap nitong secretary. "Ito naman si Dad," itinuro nito ang katabing nasa larawan.

"Ah! Guwapo ang tatay mo, Sir. Parang magkapatid lang kayo ditong tingnan."

Napangiti si Edward.

"Nasaan na ang tatay mo, Sir? Parang hindi ko nakita sa bahay mo." Maingat na niyang ibinalik ang frame sa mesa.

"Wala na siya," Naging malungkot ang tinig ni Edward at napatingin sa kawalan.

"Pareho po pala tayo, wala na rin ang aking ama."

Napasulyap sa kanya ang katabi, "Sabi mo, hinahanap mo ang iyong ina."

"Opo, Sir. Simula pagkabata'y hindi ko pa siya nakita. At ang tanging larawan niya na nakalagay sa bag ko, nawala pa."

Sabay silang napahinga ng malalim. Sandaling natahimik ang paligid. Umingay lang muli nang tumunog ang cellphone ni Honey.

"Wait lang, Sir, sagutin ko lang po ito."

"Go ahead, may gagawin na rin naman ako."

Si Weng-weng ang tumatawag. Nangungumusta sa lagay niya. Isinalaysay niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Wala naman siyang ibang narinig maliban sa paninirmon nang nasa kabilang linya.

"Weng, huwag mo nang sabihin kay Lola. Ako na ang nakiki-usap sa iyo," nasa tono niya ang pagsusumamo matapos marinig mula sa kaibigan ang balak nito. Inihakbang pa niya ang mga paa palapit sa bubog na bintana at, "Oh my God!" Halos umikot ang paningin niya sa nadungawan. "Ang taas pala nang kinalalagyan ko!"

"Bakit? Nasaan ka ba?" tanong na narinig sa kausap.

"Nandito sa isang building at takenote nasa 25th floor kami ngayon."

"What? Ano naman ang ginagawa mo riyan? Tagalinis ka ba ng bintana ng mga building?" bulalas na tanong ni Weng-weng.

"Hindi noh! Dito ako magta-trabaho. Isa akong personal assistant."

"At sino namang baliw ang kumuha sa iyo? Baka alilain ka lamang diyan ha! Malilintikan sa akin ang mga tao riyan."

"Hindi at mabait ang boss ko. At alam mo ba, hightech ang mga pinto rito. Tumataas at bumaba!"

Napalingon siya sa kinaroroonan ng boss niya nang marinig itong tumawa. Sinilip pa niya ito. Nakatutok ang mata nito sa computer kaya't nagkibit-balikat na lamang siya. Marami pa siyang ikinuwento sa kaibigan.

"Pintuang tumataas at bumaba," pigil ni Edward ang huwag mapatawa ng malakas. Kanina pa nito pinakikinggan ang mga sinasabi ni Honey. Simula nang makabunggo nito ang dalaga ay palagi nang nakangiti ito hindi tulad nang wala pa sa poder nito ang dalaga. Palaging nakasimangot at mukhang may mabigat na problema. Ganoon palagi ito. Simula kasi nang mawala ang ama ay lagi na itong tahimik at walang kibo. Sa trabaho nama'y ubod ng estrikto. Tanging si Ben at Edring lamang ang kabiruan nito.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon