Chapter 4

495 11 0
                                        

BUMULAGA sa paningin ni Honey ang magara at kaaya-ayang silid. Hindi man iyon kalakihan tulad ng bahay na pinapasukan ng kaibigan niya pero sulit naman ang mata niya sa ganda ng desinyo niyon. Nabusog ang kanyang mata sa kakatingin sa mga desinyo at mga kasangkapan ng silid na iyon. Sumunod na rin siya kay Edring patungo sa sala na kung saan ay naka-upo na sa sofa ang magiging boss niya.

Bago umalis si Edring, itinuro muna nito ang magiging silid niya. Napanganga rin siya sa silid niya. Naroon na ang banyo, may kabinet, may malambot na higaan, hindi tulad ng higaan niya sa kanila. Binilinan din siya nito sa mga bagay doon. Itinuro nito kung anu-anong bagay ang naroon, pangkaraniwan ay sa kusina. Nang wala na si Edring ay saka pa lamang naalala ni Honey ang kanyang mga gamit.

"Oh my, wala nga pala akong gamit!" saad niya sa sarili.

Unti-unti niyang binuksan ang pinto. Sinilip muna niya ang labas ng silid, nakaharap iyon sa kusina at nang makatiyak na wala roon ang boss niya'y saka pa lamang siya lumabas.

"Palakang bakla!" Napasinghap at napahawak siya sa tapat ng dibdib nang magkabunggoan sila ng boss niya. "Pambihira! Bakit ba palagi kaming nagkakabunggoan? Hindi ba niya ako nakikita?" mahina niyang sambit.

Nakayuko lamang siya kaya hindi nakita ang naging reaksyon ng kanyang boss. At dahil nakayuko siya, kitang-kita niya ang pang-ibabang katawan nito. Ang mamula-mula nitong paa. Ang balahibuhin nitong binti at hita. Umakyat pa ng kaunti ang tingin niya.

Napalunok ng laway si Honey, "Oh my--" nakagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa umbok na harapan ng kaharap. Boxer lang kasi ang suot niyon at wala pang suot na damit.Napapitlag siya nang biglang may ini-abot ito sa kanya.

"F-for me, S-sir?" kanyang tanong na hindi man lang ina-angat ang mukha habang kinukuha ang ibinibigay nito.

Pagka-abot ay tumalikod na ang boss niya. s
Siya naman ay hinabol na lamang ng tingin iyon. Malapad ang maputing likod nito na bumagay sa maumbok ding puwetan nito.

"Macho," muli siyang napakagat-labi.

Saka pa lamang siya pumasok nang mawala na sa paningin ang boss niya. Tiningnan niya ang nilalaman ng paper bag.

"Ah! Mga damit pala!" sambit niya habang inilaladlad sa harapan ang mga damit.

Shorts at mga t-shirt, may ilang piraso rin ng bra at panty at may towel pang kasama.

"Branded ang mga ito ah!" bulalas niya nang masumpongan ang etikita ng damit. "Kahit panty at bra oh! Teka, mukhang malaki yata ang sukat ng bra na ito." Ibinuka pa niya iyon at saka ay isinukat sa dibdib "Malaki nga! Siguro kung sinu-sino na ang dinala ng lalaking iyon dito, kaya may stock siya ng mga ito. Ay oh, malaki sa akin ang bra!" Halata sa mukha niya ng pagka-inis na hindi malaman kung bakit.

Matapos ang ilang minuto na pagmamaktol, pumasok din siya banyo bitbit ang towel.

"Wow! Ganito pala ang banyo ng mayayaman! May shower at ang ganda pa ng bowl. Mukhang mayaman din."

Nilapitan niya iyon. Sinubukan niyang palabasin ang tubig. Alam naman niya kung paano gumamit nang ganoong bowl. Ipi-nush niya ang silver na tila button at lumabas na ang tubig.

"Tiyak na matutuwa si Weng-weng kapag nalaman ito!" sambit niya.

Sumunod naman niyang sinuri ang tapat ng pinagliliguan. Pinihit niya ang tila seradora at---.

"Ay naku po!"

Pumuslit sa ulohan niya ang malamig na tubig na nagmumula sa nakasabit na tila isang tubo.

"Wow! Ang ganda! Ang sarap ng tubig," nagpaikot-ikot siya roon hanggang sa sakupin na ng tubig ang buo niyang kasuotan. Tila isa siyang bata na nagtatampisaw sa saliw ng ulan. Pinagsawa niya ang katawan sa tapat ng shower, nasa isang oras din siya roon.

MY HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon