♧Kisses POV♧
Sabay kaming nakarating sa bahay.
Si donny,si tony at ako.
Sa daan pa lang ay hindi kami nagkikibuan na tatlo at kanya-kanya kaming pakiramdaman .Haizt bakit kaya parang hindi ako mapakali sa pagsasama ng dalawang ito?
Pinagbuksan kami ng pinto ng katulong namin sa bahay.
"Ya, pakihanda po kami ng juice at sandwich".- Pakiusap ko kay yaya soling na agad naman niyang Sinunod.
Nakaupo na kami sa sofa ng bumaba yung mommy ko.
"Kisses anak, andito na pala kayo ni tony...
Teka, sino naman tung gwapong kasama ninyo?"Agad akong tumayo at nag beso sa mommy ko.
Nagbeso din si tony dito at papahuli pa ba si donny?Naku, hindi no! Kaya for sure nagbeso na din siya sa mommy ko.
"Mommy, si donny po, ka blockmates ko..." -tipid kong sagot kay mama
"Magandang araw po...
mommy C!"
-saad naman ni donny habang nakangiti ng matamis sa mommy ko.Tskkkk... napaka ewan talaga ng lalaking tuh.
"Mommy ko siya, hindi sayo!" -bubulong kong wika kay donny
"Ang kapal ng apog mo bro...
Mas makapal pa sa semento..." wika naman ni tonyNakakalukong ngiti lamang ang isinagot ni donny sa amin at tumabi pa talaga siya sa mommy ko .
Napaka FC lang niya."Pwede po ba mommy C na rin ang tawag ko sa inyo?" -pacute na tanong ni donny kay mommy.
"Uu naman, wala namang kapatid si kisses kaya okey lang iho..." -nakangiting turan ni mommy
"Whatever..." -tanging salitang lumabas sa aking labi.
Nakasimangot lang si tony sa tabi.
Maya-maya ay tumayo siya
at pumasok sa guest room.
Paglabas niya ay dala-dala na niya ang kanyang luggage at this tine nakangiti na siya nang malapad."Heto na... andito na ang pinaka aantay niyong pasalubong"
-masayang wika ni tony at isa-isang inilabas sa luggage niya ang mga pasalabong."Tita carrie, para po sa inyo..." -masayang abot ni tony kay mommy
"Wow... salamat tony,
ang sweet mo talaga..." -masayang turan ni mommy.Isang mamahaling pabango ang ibinigay nito sa mommy ko.
"Kisses here is your pasalubong na kanina mo pa kinukulit...." -turan ni tony sa akin sabay abot ng signature bag na kulay cool mint leather at may nakapintang personalize lips.
"Wow.... ang ganda naman!
Pinagawa mo talaga to for me? Thanks ton! Your the best talaga..." -tuwang-tuwa kong sabi at yinakap si tony sa saya."Ehemmm.... tama na yang yakapan kisses." -turan ni dony habang hinihila niya ako palayo kay tony.
"Alam mo kung wala kang magawang matino dito, better go home!" -asik na wika ni tony kay donny dahil sa inis.
![](https://img.wattpad.com/cover/169251010-288-k737209.jpg)