#31: Our First Heartbreak

67 6 2
                                    

♡Kisses POV♡

Sa wakas, naawa ang parents ko sa akin. They let me come back to school pagkatapos ng 1 month kong masigasig na pagtetheraphy at pagsunod sa mga nais nila.

Nagsusumikap ako na hindi kontakin si donny para matupad ko ang promise  ko na mag focus sa pagtetheraphy with tony.

He saved my life so I should be with him para gumaling siya ng mas mabilis.

I know my parents, lalambot din ang puso nila sa akin basta maging good girl lang ako.
And I believe donny will patiently wait for me...Patiently... Sana...


Charan!
I'm wearing my  backpack and my glasses.I'm ready to go back  to school.

Suddenly, My phone beeps.
Si  tony, nag message sa akin na safe silang nakarating sa San Francisco.
Yes,  inuwi na siya ng mommy niya sa states kahapon.

Mamiss ko rin ang gagong yun.
He is someone I can always  count to give his all out support and advice.
He can make me laugh and he always listen to my  unreasonable thoughts.

Haizt...Whatever...
I think it's the best for both of us.
It's the best para maka move on na siya at ma mend na ang kanyang broken heart.

"Ingat ka diyan...
I hope you'll open your  heart for  a new  love...
I will surely  miss your presence here tony ☆☆☆.
Mwuahhhh hugs..."

Sincere kong reply kay tony.
I pray na sana matagpuan na ng taong tuh' ang pag-ibig  na karapat dapat sa kanya.

"Just message me anytime...
At uuwi ako agad para sayo.
Miss na kita kisses.
Sobra..."

Nataranta ako sa reply niya sa akin.

"Naku... naku...
Please don't hold yourself,
Magmasid ka lang sa paligid.
Andyan lang ang the one for you.
Hindi mo lang napansin kasi  nakafocus ka sa akin."

"Hahaha....
Huhuhu..."

Napabuntong hininga ako sa huling mensahe na natanggap ko.
Tony is trying his best to heal.
Siguro, ang constant naming communication would never help him to move forward.
I should stop communicating with him. He is worthy for someone na mas magbibigay ng halaga sa kanya.
Hindi katulad ko na tini-take for granted ang sincere niyang pag-ibig.

"Tony ingat ka lagi...
God bless."

Ito na ang huling mensahe ko sa kanya. I grab my bag and put my phone inside. I'll go to school na. Surely, cindy and donny will be surprise to see me.

Hinatid ako ni daddy sa paaralan.

"Thank you dad..."

Maluha-luha kong turan then I kiss his forehead.
He kiss me too and cupped my face.

"Please be careful okay.
Mamatay kami ng mommy mo pag may nangyari pa sayo."

Seryosong turan ng daddy ko.
Seryoso ngunit puno ng pagmamahal at pagalala.

Tumango ako at ngumiti.
Maya-maya ay lumabas na ako sa kotse at pumasok na sa school.

I miss school.
Isang buwan na nasa bahay lang ako.
Ngumiti ako ng maluwang habang naglalakad sa lobby.

There, I saw cindy and she saw me too. Nagmadali siyang tumakbo palapit sa akin habang nagtitili.

"Beshhhh...."

Natawa ako sa reaksyon ng kaibigan ko.Sinalubong ko din siya ng yakap.
Nagyakapan kami, nagkamustahan at nagtawanan. Maya-maya ay naitanong ko sa kanya  si donny.

Magkasama kaming dalawa ni cindy patungo dun sa may basketball court.
Kukunti palang naman ang tao.
Malayo palang ay naaninag ko na ang malungkot na anyo ng boyfriend ko habang nakaupo sa may bleacher at nakatitig sa screen ng kanyang  cellphone.

Lalapit na sana ako ng may  babaing tumabi sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang kamay.
Nag-alburoto na ang puso ko.
That girl is a flirt!

Suddenly,  hinaplos pa ng babae ang mukha ng boyfriend ko.
Papikit-pikit pa ang gago at ngumiti....
But his smile is not that usual  smile I've seen .
His  smile is full of pain.
Nakangiti nga siya pero pait naman ang rumehistro at mararamdaman mo sa kanyang ngiti.

Iminulat niya ang kanyan mata at hinawakan ang batok at bewang ng babae saka siniil niya ito ng halik.

The nerve of this man!
Kababalik ko lang tapos ito ang aabutan ko?

Nanginig ako sa galit habang nakatayong parang tuod.
As if I am watching a sad movie.
Tears start to form in my eyes.
I tried my best to hold them.

Maya-maya donny glance in my location. His lips close while
pain was written all over his face.
His eyes were dead.

I never run away.
I just stood still waiting for him to come to me and explain.
But it never happen.
Tumayo siya at magkaholding hands na umalis kasama ang babaing ngayon ko lang  nakita.

He left me standing in that ground.
He left me and my heart broken.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya na nga ang nang-iwan siya pa ang mukhang mas nasasaktan.

♧♧♧vineofashes♧♧♧


Make Way to My DontKiss HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon