#16: Perfect Timing

127 10 6
                                    

♡Kisses POV♡

         Inaalagaan ko ngayon itong kababata kong baliw.
Baliw talaga itong si  tony...
Akalain mong nag-eenjoy pa yata siya.
I mean may sakit siya pero mas gusto niyang   dito sa bahay magpagaling...
ayaw niya talagang magpadala sa hospital eh, ang taas  kaya ng temperature niya 39 degrees celsius!

Grabeh, kinakabahan na ako sa taas ng lagnat niya.
But look at him?
Nakangiti pa ang gago.

"Ue, tony! Punta na tayo ng hospital...
Taas ng lagnat mo ehhh!"
-pagpipilit ko sa kanya para pumunta ng hospital.

"Yakap mo lang ang gamot sa lagnat ko..."
-nanghihina niyang sagot.

"Parang nanghihina kana ehhh...
Tapos, parang Ayaw pa tumalab mg paracetamol....
Tapos may LBM ka pa."

"Okey nga lang ako...
Okey na ang tiyan ko.
Pahinga nalang tuh! Ikaw kasi pinupuyat mo ako."

"Tigilan mo na nga  ang kabaliwan mo please...
Kahit ngayon lang."

"Kisses, just let me hold your hands please..."
-nagsusumamo niyan

"Okey, sege tapusin mo na tong lugaw at nang makapagpahinga ka na."
-sabi ko nalang as a sign ng pagsurrender. Lugi ako sa may sakit.

Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya at pumwesto na nang higa.

"Kisses, thank you huh...
Thank you for doing this to me!
Thank you for letting me feel that I'm important..."
-emosyonal niya pang turan.

"Bakit nag eemote ka dyan?
Choice mo kaya ang pumunta dito sa pinas kaya mag-isa ka ngayon "
-Litanya ko sa kanya.

"Hindi...
uhm kahit andun ako sa states wala silang pakialam sa akin. Same lang din...
Para akong nag-iisa. 
Buti pa dito sa pinas andito ka..."

Nakadama ako ng awa  kay Tony.
Uu nga't mas mayaman siya kesa sa akin,  Mas  mayaman naman ako sa pagmamahal.

Nakangiti kong hinawakan ang mainit niyang palad.

"Okey lang yan...
Basta Always remember na, they did that para sa future mo...
Para sa family business ninyo."

"Yeah, I know na para sa future natin ang ginagawa nila..."
-nakangiti at nakapikit niya pang turan.

Napaka echos talaga nang lalaking ito.
Nagdidiliryo  yata sa taas ng kanyang lagnat.

"Hay naku tony, inaabuso mo na yata  ako dahil may sakit ka..."

Sabi ko na sinagot naman niya ng katahimikan.

Nakatulog na siguro.
Tinititigan ko ang dati kong kababata slash manliligaw na mahimbing na natutulog at talagang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko huh.

Hindi ko alam kong totoong nahihimbing ang loko o baka nagkukunwari eh.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon akong iwan na muna si tony.
Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya.
Gosh! Kahit tulog siya ang higpit talaga ng pagkapulupot niya sa palad ko.

Make Way to My DontKiss HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon