Serenity
Naging routine ko na ang pumunta sa law firm every after class. Kaya lang dahil sa nakakaimbyeranang traffic, hindi ko nadadatnan si Five. Siguro apat na beses ko na siyang hindi naabutan. Pang-lima ngayon kapag hindi ko na naman siya madadatnan. Well, naabutan ko siya—sila pala. Pinagbubuksan niya ng pinto si Lyra like he's a gentleman. Wow. I can't help but roll my eyes before leaving the place.
Nakakainis talaga siya. Nakakainis silang dalawa. He must really like her. Hindi naman siya mag-eeffort na ihatid palagi 'yong babae niya kung wala siyang gusto. Secretary niya 'yon, hindi niya obligasyong siguraduhin na ligtas itong nakakauwi. Maliban nalang kung pinopormahan niya 'yong babae.
"Ms. Serenity, isang linggo na pong hindi nagpupunta dito sa bar si sir Seb." Kwento ng bartender ni Seb na si John. "Nalulungkot nga po kaming lahat dito eh."
"Oh? Bakit naman? Nami-miss niyo 'yong bugnotin niyong amo?" Pagbibiro ko.
"Eh kasi usap-usapan dito mula pa noong nakaraang linggo na binenta na ni sir Seb ang bar. Baka nga eh, iba na ang amo namin."
Sumikip ang dibdib ko sa nalaman ko. Hindi imposibleng gagawin nga 'to ni Seb. Ilang ulit ko ng napatunayan kung gaano ako kahalaga sa kanya eh. He is very willing to lose everything for me. Kaya nga nasasabi ng iba na mahal ako ni Seb more than just a friend. But I know him too well, we are really just very close. Our bond is so tight. Ilang taon na kaming magkaibigan.
"Kuya John, kapag may balita po kayo o kapag pupunta rito si Baste, tawagan niyo po ako o kaya ay itext."
"Si-sige. Walang problema, Miss Serenity."
Umalis ako ng bar para hanapin si Seb. Kaya pala hindi siya nangungulit sa'kin nitong nakaraang araw. Talaga palang may pinagkaabalahan siya. Hindi niya pwedeng ibenta ang bar dahil sa problema ko kay Alec. Hindi ako papayag na gagawin niya 'yon. Halos lahat ng pwedeng tambayan ni Seb pinuntahan ko na pero hindi ko siya mahagilap. Alam kong imposible na nasa condo siya ngayon pero pumunta parin ako.
"Justine!"
Bwesit! Kaya ayaw kong pumunta dito sa condo eh. Nandito na naman 'tong kupal na Onyx na 'to. Anak siya ng may-ari ng building. Kaibigan siya ni Seb pero hindi kaibigang kasing close namin ni Seb. Hindi ko alam kung inutusan ba niya lahat ng tao sa condo na ibalita sa kanya kapag napapadalaw ako kasi hindi pa nangyaring nagpunta ako rito na hindi siya nagpapakita sa'kin.
"Baby Justine." Nakangiting tawag niya nang lapitan niya ako.
"Badtrip ako Onyx kaya 'wag mo akong sagarin. Umalis ka sa harapan ko."
"Hey. Calm down baby."
Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagkamot siya ng batok. Ganyan siya eh. Nagpapaamong tuta kapag nagagalit ako.
"Hinahanap mo ba si Seb?" Okay. Dahil namention niya si Seb, baka naman may alam siya. Huminga ako ng malalim saka siya tiningnan ng matama. "Baby, he doesn't come around for a week now."
Sa'n ko ba hahanapin ang kumag na 'yon? Talagang bubugbugin ko 'yon kapag nakita ko siya. Pinag-aalala niya ako ng sobra-sobra sa mga pinaggagawa niya eh. Sabi ko ng kaya ko ngang i-solve mag-isa ang gulong pinasukan ko. Lulan ng taxi pabalik sa bar, chineck ko ang phone ko. I received eight missed calls from Five. Bahala ka diyan. Do'n ka sa babae mo. Ang ikinagulat kong lalo ay nang siya ang bumungad kaagad sa'kin pagbaba ko ng taxi.
"Where have you been?"
Hindi ko siya pinansin. Diretsong naglakad ako papasok ng bar ngunit mabilis na nahawakan niya ang pulsuhan ko.
"I am talking to you." Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't give me that face." Galit na sabi niya. I roll my eyes and still don't utter a word. I want him annoyed. "Where have you been? Alam mo ba kung anong oras na? It's almost one in the morning and you're out wandering—"
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.