Five
When Serene went back to the hotel where she's checked in, I followed her in secrecy that night. What I am doing right now is sounding foolish but I am not giving up. I'm taking her back like what I promised to myself. I'm taking back what's supposed to be just mine.
"Sa'n ka galing?" Tanong ni Tres nang bumalik na ako ng bahay. Nagulat akong seryoso ang mukha niya at hindi namimikon ang boses. That's not him. Ginagawa na niya kasing talent ang bwesitin ako. "Kanina ka pa hinahanap ni mommy."
"I just...went out to see someone." Pasimpleng sagot ko. Ngumisi si Tres, nakatitig sa'kin. Nagkunot ako ng noo sa tinuran niya.
"Bro, you have a lipstick stain on your lips." Aniyang hindi ko kaagad pinaniwalaan. When I wipe my lips with my thumb, the jerk laughs boisterously to mock me. I should have known. Moron.
"You kissed someone tonight? Attorney, don't just kiss a woman." Hirit na naman niya. Napakagago niyang kapatid. Nagampanan niyang mabuti 'yon. Tsk. Nilagpasan ko siya kaya't nakabuntot siya sa'kin papasok ng bahay. "Hey, you listen to me. Don't just kiss a woman, take her home. Hindi naman bayarang babae ang kahalikan mo ano?"
Sinuntok ko ng mahina sa tiyan ang kapatid kong walang pagbabago sa pang-aasar sa'kin. Umaray siya sa ginawa ko kaya somehow, napangisi ako.
"May kahalikan si kuya?" Kantiyaw naman ni Seven na nakangisi ng malapad. "Nahuli mo kuya Tres?"
"Ewan ko sa inyo. May mga anak na kayo pero isip-bata parin. Tsk." Nabwebwesit na sabi ko sa kanila.
"Di bale na kuya." Sabat naman ni Six. "Kaysa naman, mayaman nga, successful, sabihin na nating gwapo..." Ngumisi pa ang kumag. "Pero wala namang girlfriend."
Nagtawanan ang iba pang mga kapatid ko maliban kay Four na nakatingin sa'kin ng mariin na tila binabasa ang isip ko. I'm right about it dahil nang magpahangin ako sa balcony pagkatapos ang mahabang gabi, nasa kabilang balcony si Four. Magkatabi ang kwarto naming dalawa rito sa bahay.
"Is she back?" Tanong niyang nagpangiti sa'kin.
She is back. And she's still the same. She's even more stubborn than before. And she still keeps lying. Tsk.
"I know exactly how to take her back." Sambit ko, nakapamulsang nakatitig sa maliwanag na buwan. "But..."
"Five, kung mahal mo, 'wag mong sukuan. Hinintay mo 'yan ng ilang taon. 'Wag mo ng hayaang makawala pa."
"She has her own family now." Sagot kong nagpatameme sa kapatid ko. He must have not expected that. Alam ko ring iniisip niya ngayong nababaliw na ang kapatid niya dahil umaasa at naghahabol sa babaeng matagal ng masaya sa iba. Masaya nga ba siya?
"Four? Love, I need a hand here." I hear Amara calling him and along with it is the tiny cry of the twins. I nod at Four to telepathically tell him to go and in exchange, he smiles before walking in the room, leaving me under the peeking moon.
She has her own family now. Kaya ko bang wasakin 'yon? Kaya ko bang kunin sa kanya ang bagay na nagpapasaya sa kanya?
That's the point, Five. She still loves you. That alone proves that she isn't happy with her life. She's lying. Hindi siya masaya, Five.
Pero may anak na siya hindi ba? Kaya ko bang wumasak ng tahanan para lang mabawi siya? Ilang oras na akong nakahiga ngayon sa kama pero nababagabag parin ang isip ko sa mga katanungang iyon.
One fateful day, I go to the hotel where she checks in. But on the hallways, I see a little girl crying so I stop. My heartbeat rapidly increases but at the same time, it aches. Siguro dahil mula ng magkapamilya ang mga kapatid ko, naging malapit na ako sa mga bata. Seeing the little girl in tears, I imagine Darryl, Ali, Alex, Brie or Cali being hurt. It's making me uncomfortable. 'Yong mga batang 'yon, mahal na mahal ko ang mga 'yon. Naninikip ang dibdib ko kapag nakakakita ng batang hindi masaya. In this case, the little angel is crying. It's a heart-breaking sight to see.
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.