Serenity
Few more days to go and it will be his wedding. Manhid na talaga ako o talagang sanay na ako sa sakit. O baka naman, wala na akong pakiramdam talaga, baka patay na nga ang puso ko. Kasalanan ko naman dahil desisyon ko namang alisin siya sa buhay ko. Tama si Lyra, sana hindi nalang ako bumalik. Sinaktan ko lang 'yong taong mahal ako at mahal ko eh. But one day, when his life gets better with her, when he finds out the truth, he'll thank me for not fighting for him. He'll thank me for doing him a favor. Our worlds are the exact opposite. His is perfect and mine is all-flawed. I will be his ruin, his failure.
Isang gabi, tinakasan ko na naman ang mga kaibigan ko dahil gusto kong maglasing. I need it. I need it to be strong even for a temporary period. Alcohol makes me numb. I need it to stop feeling the pain. Naka-isang lagok palang ako ng gin na hawak ko nang may tumabi sa'kin. It's Lyra.
"You are young, Manzano. You can still fix your life."
I drink straight up another glass after another for the next few minutes just so I could ignore the woman. I don't intend this night to be scandalous. Besides, she already messed my name. I cannot associate it with another mess that will just drive my father crazy. Baka nga sa mga sumunod na araw, kapag may gagawin na naman ako, baka siya na mismo ang pupunta rito para kaladkarin ako pabalik ng America.
"Tanggapin mo na. Nakaraan ka nalang ni Five. I am his present and his future." She's so silly. Tsk. Napailing ako bago bumaba sa inuupuan ko para iwan siya. Ayoko ng gulo. Hindi ako nandito para makipag-away. Ngunit hindi rin naman ako tuluyang nakaalis dahil hinablot ni Lyra ang braso ko.
"Stay out of our lives." Pinandilatan niya pa ako ng mata. Of all the many things, that's what I hate the most. Nati-trigger ako palagi. Maybe, it's the alcohol or it's just the real me... the same bad blood that runs through my father's veins.
"As far as I can remember, hindi ako ang lumapit sa'yo ngayon." Nakangising wika ko sabay taas ng kilay ko para inisin siya.
"Ang tapang mo ano? Ganyan ba talaga ang mga imahe niyong mga kabit?"
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ulit ng kilay. I feel so confident and this time, I know it's the alcohol. "Matagal na kaming kasal ng fiancee mo. Tatlong taon na, honestly. Kaya ate, mag-isip-isip ka. Sino ngayon ang kabit sa ating dalawa?"
Dahil sa sinabi ko, hindi ko masisisi si Lyra na gustuhin akong saktan. Pero dahil hindi naman ako nandito para gumawa ng gulo, pinigilan ko kaagad siya nang subukan niya akong sabunutan. When she hardly moves her arm from my grip, I let out a grimace. I can see frustration written all over her face but I don't really care at the moment. She is giving me bad blood.
"Don't make me send you to the hospital again. Baka naman... worse case scenario hun, this time, hindi mo na maaalala ang pangalan mo." Pananakot ko. Nagpumiglas parin si Lyra na saktan ako at mabuti nalang dumating si Jeremy at hinila si Lyra palayo sa akin dahil baka nasaktan ko na siya ng tuluyan. Wait, hindi ba baliktad? Ako dapat ang hinila ni Jeremy at nilayo sa lugar na 'to. You are stupid, Jeremy. I guess, hindi pala ako mag-isang naligo nang magpaulan ang langit ng katangahan.
Shit. Nahihilo na naman ako. Even in my state, I manage to ride a taxi back to the Seb's house. Pagkababa ko ng kotse, nakaabang na sa gate ang tatlo kong kaibigan. Oh, they're four!
"Basteeeee!" Tili ko nang makita ito. Nakaupo siya sa wheelchair, masama ang tingin sa'kin.
"Where the hell have you been?"Galit na sita niya. I give him my puppy eyes but they don't work anymore. Is this what happens when you leave your bestfriend for three years? Kaya ka na nilang tiisin pagbalik mo.
"Pangalawang beses mo na 'tong ginawa, Siri." Malungkot na wika ni Reeve. Nagpout ako saka siya nilapitan para yakapin.
"Sorry."
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.