Serenity
Dahil ayaw ko pang bumalik ng Maynila, Five extends our stay in the resort. Besides, I really have just damaged my ankle badly. I couldn't take a minute-walk without aid. For now, I have no choice but to lean on him.
"Sagutin mo." Wika ko matapos marinig ulit ang phone niya na kanina pa ring ng ring. "Five, ano ba?" Hindi kasi siya umalis sa kinauupuan niya at parang nang-aasar habang tinititigan ako. "Bahala ka nga sa buhay mo."
"Pwede ba 'wag tayong mag-away? Tayo na nga lang dalawa dito, sinusungitan mo pa ako." There is a little smile in the corner of his lips and it annoys me. He looks so attractive in that and that's definitely why I'm annoyed.
"So? Naramdaman mo din 'yong feeling ko noon?"
"What?" He frowns so I roll my eyes at his indirect denial.
"Ganito ka lagi noon. Inaaway mo ako palagi. Ang supla-suplado na para bang may dalaw ka." Inikot ko pa ang mga mata ko.
"As I can remember sinasadya mong inisin ako."
"Guilty." Pag-amin ko. Nagring na naman ulit ang phone niya kaya napalingon ako sa night stand na kinaroroonan nito. "Sagutin mo muna kasi."
"I'll talk to her in person."
"Mahal ka niya Five. Sana naman makita mo 'yon."
"Mahal kita. Nakikita mo ba?"
"Ewan ko sa'yo talaga. Nakakaasar ka na." Nakakainis naman kasi eh. Ba't ba ako pinagkaisahan ng tadhana. Hindi ako makalakad. Hindi ko tuloy malayuan itong kumag. Patuloy na ininis niya ako pero hindi ko na 'yon pinansin. Kapag pinatulan ko kasi siya, ako lang din ang mapipikon sa huli. It's better if I let him win by shutting my mouth.
"Serene."
Tiningnan ko siya. Nagbabasa ako ng aklat na dala niya. Wala nga akong maintindihan eh. Binabasa ko nalang kaysa kausapin siya. Seryoso ang tingin niya kaya isinantabi ko muna ang pagsusungit ko.
"Ano?" Nakakaasar kasi hindi naman siya nagsasalita. Nginingitian niya lang ako. "Mapapatay na talaga kita. Isa nalang."
Pinagti-tripan ako eh. Akala ko pa naman seryoso. Napabusangot nalang ako kasi siya eh! Tinawanan pa ako habang nilalapitan niya ako. Ang mas nakakainis, ang saya ng mukha niya. Ang gwapo niya tingnan. Sumasaya ng palihim ang puso ko na naririnig ang malutong niyang tawa.
"Come here, baby." He teases as he opens his arms to offer me a hug. I give him an indignant stare but I don't move my butt. "Please."
Oh. Damn. My heart... my weak stupid heart. Bakit siya nagpapa-cute? Bakit ang lambing-lambing niya? Naku naman, ibalik niyo ang supladong si Five Palmer! Ayoko ng malanding Five Palmer. Hindi ko kaya, marupok ako. Haha!
"I hate you so much." Sambit ko saka tinakpan ng aklat ang mukha ko. Makalipas ang ilang segundo, nakakulong na ako sa bisig niya.
"You still hate me?" Nanunukso ang boses ni Five pati ang pilyo niyang ngiti. "Who do you hate, Serenity?" Pangungulit niya dahil hindi ako sumagot. Hinalikan niya ng paulit-ulit ang tungki ng ilong ko which is so cute and sweet and... ugh, I'm falling for his trap again! Why is he so irresistible?
"Tumigil ka na."
"What? I can't hear you." Pang-iinis niyang lalo sa'kin. Pumuslit pa siya ng mabilis na halik sa pisngi ko.
"Stop. I swear, I'm gonna break your face."
"Do it while I'm here."
Alam niya talagang gwapong-gwapo ako sa kanya kaya ganyan siya kakampante. Hay naku. Kailangan ko na talagang maipagamot 'tong paa ko. Kailangan kong makapaglakad ng maayos bago pa ako mahulog ulit sa taglay na gayuma ng isang Five Palmer.
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.