14. Jealous

1.9K 105 178
                                    

Serenity

Holding on to what Five told me over the phone earlier before my last class for the day, I let Seb go home without me. Five is picking up, remember? Pinilit ko pa ngang umalis si Seb eh kasi ang kulit. Ang gusto niya, uuwi lang siya kapag dumating na si Five. Eh ayoko ngang magselos 'yong tao. Haha. Ang assuming ko talaga. Sa ilang minutong paghihintay ko, nagsimula na akong mainip. Isang text message ang kumuha ng atensiyon ko.

Unknown Number
Justine, your little boyfriend is so funny. Did he just sell you out for half a million? Or did you tell him a lie about owing me money?

Shit. Binayaran talaga ni Seb si Alec? That jerk! Kailangan kong makuha ang pera. Kailangan kong ibalik 'yon kay Seb.

To: Unknown Number
Gago ka Alec. Return the money to him or I will make a call. Don't make me angry. You would not want to know what I would do.

Because of that text message, nabadtrip na ako. Nabadtrip ako na hanggang ngayon, wala paring Five Palmer na dumating para sunduin ako. Hindi na ako naghintay, pumunta na ako sa kompanya. Kaya lang, hindi ko rin siya naabutan roon. Kasama dawng umalis si Lyra. Nagtanong-tanong kasi ako kung nay kasama bang umalis. Base sa description ni Kuya Chief, si Lyra 'yong babae. Naninikip tuloy ang puso ko. Ang hirap pala nito. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung ano ang karapatan kong magselos.

"Where are you?" Bungad ng tila galit na si Five nang sagutin ko ang tawag niya. Sinadya kong huwag sumagot. "Serene, where are you?" He repeats in a more intimidating tone.

"Naihatid mo na ang girlfriend mo?" Napangisi ako ng mapakla. Ha! Akala niya di ko malalaman? Tsk.

"What the hell are you talking about? Where are you?"

"Why do you care Five? Stop it. Stop pretending that you care for me! You don't care for me the way you do for that woman!"

"Damn it, Serenity. Tell me where you are!"

Sa sobrang inis ko, pinatayan ko siya ng phone. Tumawag pa ulit siya pero hindi ko na sinagot. Nang mainis nga ako sa walang tigil niyang kakadial ay pinatay ko na ang phone ko. Para maglabas ng sama ng loob, pumirmi na muna ako sa isang tahimik na lugar. Mayamaya pa, nagsimula ng dumilim ang kalangitan at alam kong kailangan ko ng umuwi ng condo. Kahit galit ako sa lalaki na 'yon, ayoko ring pag-alalahin siya. But as expected, walang tao pagdating ko. Of course, he doesn't really care about you.

Why are you back here, Serene? Just leave.

Tama naman si Seb, after all the goodness that Five has shown me, kailangan kong magpaalam ng maayos sa kanya kung sakaling aalis ako. At the back of my head, I grasp for the right words to say as I practice to tell him my goodbye. But then, I slowly fall to sleep. And waking up to Five's handsome face is like a dream. Nakahawak siya sa kamay ko, habang ang isa naman niyang kamay ay humahaplos sa pisngi ko. Ayokong gumising. Gusto kong bumalik sa pagtulog. If this is a dream, I don't want this to end. It feels so good to be this close to him and feel that we have that connection.

"Wake up, baby."

Choked in complete shock, I open my eyes really quickly and stare at Five. He is real. He crouches while sitting up on the floor to level to me while I'm down on the couch. My heart beats so fast like as if it's racing against something. Five smiles at me and it's heaven on earth. Looking at him, it feels like I am gazing at angel. His face screams perfection.

"You're awake." His voice is so gentle and so are his eyes. Walang bahid iyon ng kasupladuhan. "I told you Serene. Don't make me worry again."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nailabas ko ang tunay na ako, ang mahina at malambot na si Siri. Ayaw paawat na tumulo na ang luha ko. Kita ko ang pagpanic ni Five dahil sa'king pag-iyak. Tumayo siya para alalayan rin akong bumangon sa couch. He sits beside me and locks me in his arms.

THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon