15. Ownership

2K 92 206
                                    

Serenity

Napansin yata ako ni Seb na masaya kasi iba ang tingin na pinupukol niya sa'kin. Hindi niya ako kinakausap pero panay ang pagsulyap niya. It's weird. Nang tumagal ay binato ko siya ng maliit kong bag ngunit nasalo niya 'yon.

"Ano'ng problema mo?" Galit na singhal niya.

"Ikaw, ano'ng problema mo?" Kinunotan niya ako ng noo. "Kanina ka pa weirdo."

"Ano'ng pinagsasabi mo? Weirdo? Ako? Eh ikaw 'tong kanina pa ngingiti-ngiti diyan sa kawalan na parang adik eh."

Ah. Okay. Now I understand. Hahaha. Napagkakamalan na pala akong baliw. Umisod ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at saka tumili.

"I'm so happy, Seb." I tell him after I let out a scream.

"Good. I want you happy." Aniya sabay halik ng noo ko.

"I love you, Baste." Sambit ko saka siya niyakap ng mahigpit.

"May iba ka ng mahal eh."

"Ibang mahal naman kasi 'yon. 'Wag kang magselos."

"Ibang mahal? So mahal mo na nga? Ang bilis ah." Komento niya sabay ngisi. Inilayo ko ang sarili ko para matitigan siya ng maayos.

"May nabasa kasi ako na..." I snap my fingers on air. "You cannot measure love through time. And I prove it."

"So mahal mo nga?"

"Baste, stop asking obvious questions. Tsaka 'wag kang magselos kasi ibang mahal 'yon. Ikaw, ikaw 'yong mahal ko hanggang magunaw ang mundo. Alam mo 'yon? Kahit traydurin mo 'ko, kahit saktan mo 'ko, mahal parin kita. Ganyan naman dapat diba? Kaya nga bestfriends. Tapos 'yong kay Five naman, pagmamahal 'yon bilang asawa." Pinitik kaagad ni Seb ang noo ko matapos banggitin ang huling salita. Haha.

"Taas ng pangarap mo ah. Bakit? Sa tingin mo talaga papakasalan ka ng attorney na 'yon?" Sinimangutan ko siya.

"Bakit? Wala ka bang tiwala sa charisma ng bestfriend mo?"

"Alam mo Siri, maganda ka naman. Praning ka lang."

"Makapraning ka diyan!" Reklamo ko sabay bato sa kanya ng hawak kong medyas. Haha. Hinubad ko kasi ang medyas at sapatos ko kasi balak kong umakyat sa puno kung saan kami nakasilong ngayon.

"See? You are crazy. Only crazy brainers will throw their smelly socks on other's face." Tinawanan ko lang siya saka niyakap sa nang-aasar na paraan. "Hoy, umayos ka. Makita ka ng boyfriend mo."

"Eh. Ang supportive mo talaga kahit kailan. Pinapakilig mo 'ko eh!" Hindi sumagot si Seb. Niyakap niya lang ako't hinalikan sa tuktok ng ulo. "Sana darating din 'yong panahon na magmamahal ka na din Seb. 'Yong babaeng mamahalin mo, umayos siya. Hindi ko lang siya kakalbuhin kapag niloko ka niya."

"Ang advance mo masyado mag-isip " pagbibiro niya. "Tara na sa klase mo. I'll walk you to your classroom."

Tinulungan na niya muna akong suotin ang medyas at sapatos ko. Actually, he does it all by himself—mula sa pagsuot ng medyas hanggang sa pagtali ng sintas ng sapatos ko. Pinasakay niya pa ako sa likod niya upang ihatid ako sa classroom. Ganyan kami maglambing sa isa't isa eh.

"Napapaisip ako ngayon Seb, kung hindi tayo naging bulakbol for the past two years, gagraduate na dapat tayo in months." I say out of nowhere. This is me; I just become so random at times.

"Nagsisisi ka?" He asks, trying to look back to glance at me.

"Nope. It's just a thought. For the past years na naging bulakbol tayo, may natutunan ako sa buhay na 'di ko matututunan sa klase. During those years, I learned what life really is and I learned how to live."

THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon