Serenity
"I talked to one of my friends who helped in finding the people we need to work with in fixing all this...mess." He explains so that's why he's here and not for some other stupid reason. Panaginip nga lang 'yong naalala mo kanina pagising mo, Siri. "I will be going to Mindanao to see someone. Would you like to come?"
"Is this for nullifying our—um—the marriage?"
"Yes." He answers, staring at me which makes me want to melt. "It's okay if you won't—"
"Siri!" Napapikit ako nang marinig ang boses ng mga kaibigan ko. "Ano'ng ginawa ni Ivan—" Hindi natapos ni Reeve ang sasabihin niya dahil nakita niya si Five. "No Ivan, just the husband." Nag-salute si Reeve kay Five kaya napairap ako.
"Gago. Abogado 'yan pre, hindi sundalo." Narinig kong sita ni Kleid sa kanya. "Kleid Schwarzman." Pagpapakilala niya sabay lahad ng palad. Tinanggap naman 'yon ni Five.
"Five Palmer."
"Yeah, we know." Singit ni Reeve. "You're the husband. We know." Napakamot na lamang ako ng batok. Bwesit talaga 'tong Araneta na 'to. "Pasok ka muna."
Tiningnan ako ni Five kaya tumango ako bilang pagsang-ayon. Isasara ko na sana ang gate ng bahay nang may namataan akong lalaking naglalakad sa di-kalayuan.
"Ivan!" Hindi ito lumingon. Sa pag-aakalang hindi nito narinig ang pagtawag ko, I call him again, louder this time. "Ivan! Dustin Ivan Ibraim Moskovitz!"
Haha! Ayun, lumingon ang mokong. Ako lang kasi ang tumatawag sa kanya sa buong pangalan niya. Nang makita niya ako ay tumakbo siyang lumapit sa'kin. Yumakap kaagad ako rito.
"Ivaaaan! Oh my gosh!" Tili ko sa sobrang tuwa.
"Shit. You're real!" Anas niya naman matapos akong titigan. "Oh, damn. I thought I was just drunk. Maaan, you're here!"
"Yes, I am!" I cheerfully affirm. "Nasa loob sina Kleid at Reeve."
Sabay na pumasok kami ni Ivan ng bahay. Nadatnan namin sa malawak na sala si Reeve at Kleid na kinakausap si Five. Ano'ng tinatanong ng mga gagong 'to? Ugh. Puro pa naman kalokohan ang lumalabas sa bibig nitong mga mokong.
"Bro, kakausapin na muna namin si Serenity tungkol diyan." Wika ni Reeve na nagpakunot ng noo ko. Ano? Parang timang talaga 'tong si Araneta. Hindi parin nagbabago.
"Five, pasensiya ka na sa kanila. Just don't buy whatever they say, okay? Magbibihis lang ako sandali." Ngumiti si Five bago muling balingan ang mga kaibigan ko.
"Siri. Halika rito." Reeve calls me like as if he's my father. There is authority in his voice but I find it funny instead. Well, it's Reeve. Hindi ako lumapit kaya siya ang lumapit sa'kin at hinila ako. Sumunod naman si Ivan at Kleid. Anong problema nilang tatlo?
"Hey, what's with the dragging?" I confront them after we leave Five at the sala.
"Sasama ka ba sa lalaki na 'yon?" Tanong ni Reeve na para bang nag-aalala sa'kin. As I said, he is very thoughtful. "Go." Okay, binabawi ko na ang sinabi ko.
"Don't let him off, Siri." Kleid agrees, winking at me.
"Wait." Ivan interferes. "Who's that guy back there?" Nagkatinginan kaming tatlo sa tanong niya. Oh my goodness. Why are these people my friends?
"He is Siri's husband and they are leaving for Mindanao today." Paliwanag ni Reeve.
"Husband?" Tiningnan akong maigi ni Ivan tapos humagalpak na siya sa tawa. "Serenity? Ang pangit ng taste mo."
"Bwesit ka talaga Moskovitz!"
"Ito naman, joke lang." Tumawa pa siya ulit bago sumeryoso. "Seriously, why won't you go? Asawa mo naman pala 'yon."
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.