Serenity
Hindi ako kumain. Ininom ko lang 'yong pain reliever na dinala niya sa'kin. Matapos pakalmahin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.
"I sent your dress for laundry."
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa ako makarating sa pinto ay hinarangan niya na naman ako. Tinaasan ko siya ng kilay saka siya itinulak. Of course, he doesn't even flinch. He has a muscular body and a great physique as a whole. He's Mr. Perfect, remember?
"Tabi."
"Bakit ka ba galit sa'kin?"
"Ha! Ha! Ayan, tinawanan ko na ang joke mo." Sarkastikong tugon ko sa kanya na hindi niya pinansin, as expected. Nakakatitig siya sa'kin nang may galit sa mga mata. "Don't be funny, Five. Are you seriously asking me that?"
"Kung may dapat man magalit dito, ako 'yon."
"Ano?"
Hindi siya sumagot kaya lalong bumilis ang kabog ng puso ko. Bakit siya magagalit sa'kin? Huh. Dahil umalis ako? Pinaalis niya ako.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo. At paano ka nagkaroon ng karapatan na magalit sa'kin? Ako ang sinaktan mo—"
"Niloko mo 'ko!" Sigaw niyang nagpatahimik sa'kin. "You lied to me Serenity!"
"Ano'ng pinagsasabi mo?"
"You know exactly what I mean so stop lying about it."
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." Sagot ko sabay tulak sa kanya ng malakas. Nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakbo na ako palabas ng room. Magkatabing suite ang nakuha naming dalawa kaya mabilis akong nakarating sa room ko.
"Shut up. You shut up. Your voice is annoying. You are annoying. I don't even know why I'm still not getting rid of you!"
Bakit nga ba ako galit? Dahil umasa ako? Dahil kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon? Ang tanga mo Siri. Ang tanga mo. Pwede namang huwag ka nalang bumalik dito eh. Hindi ka na dapat bumalik. Tingnan mo nga oh, ang hina mo parin. Isipin mo Siri, may mahal na 'yong tao. Ikakasal na siya. At ikaw, heto parin, tanga at mahina parin.
Ang bigat-bigat ng puso ko, hindi ko maiwasang huwag umiyak. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Alam mo kung ano ang pinakamasakit? Kasi, deep within me, alam kong hindi dapat ako galit sa kanya kasi lahat ng naramdaman kong sakit, pinili ko 'yon eh. Nakakapagod na din maging ako. Ayaw ko na sa buhay na 'to. Gusto kong mawala at 'wag ng bumalik... Nakakapagod ng masaktan eh. Masaktan ng paulit-ulit...
"Serene!"
Napahawak ako ng mahigpit sa kumot nang marinig ang boses ni Five. Bakit na naman siya nandito? Ano ba naman 'tong tao na 'to? Ang dense niya. Hindi ba niya nakikitang hindi maganda ang nangyayari kapag magkasama kami?
"Serene." Hindi ko na naitago sa kanya ang mata kong hilam sa luha. Hindi ko naman kasi alam na darating siya. "What's wrong?"
"Wala. Okay lang ako." Pagsisinungaling ko bago bumangon sa kama. "Okay lang ako. Ba't ka nandito?"
"Buong araw ka kasing hindi lumabas ng kwarto kaya nag-alala ako. I'm sorry. I was just scared that something might happen to you."
"Come on Palmer." I laugh at him. "Hindi ako magpapakamatay dahil lang nagising ako sa kwarto mo."
"Tsk. Serenity, that is not what I mean! I was worried sick about you!"
"You still have the same temper." Komento kong nagpasingkit ng mga mata niya. "Ngayon, nakita mo ng buhay ako, pwede ka ng lumabas." Hindi siya kumibo kaya tiningnan ko siya ng masama. Tinaasan ko pa siya ng kilay pero hindi siya nagpatinag. Tinitigan niya lang ako—ng tanginang titig na nagpahulog sa'kin noon.
BINABASA MO ANG
THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.