CHAPTER 2: TRANSFEREE
I breath in before I started to walk. Wala namang pinagkaiba ang university na ito sa university ko noon. I am still surrounded by some elites and the luxurious cars are everywhere. Siguro para maghatid ng kanilang mga anak. I used to be in that scenario back when my parents were still alive. But right now, malayong malayo na.
Naglakad na ako patungo sa building kung nasaan ang room ko. Nasa pangatlong palapag ang silid kung saan ako papasok.
Habang naglalakad ay nakikita ko ang kaibahan ko sa mga taong naririto. Mga sosyal, mayayaman at maraming kaibigan. Natanaw ko si Kana na ngayon ay may mga kasamang mukhang bagong kaibigan. Well, gan'yan ata dito pag maganda at may katawan ka, sabayan pa ng pera.Tahimik akong naglalakad patungo sa palapag na 'yun. Pagkarating ko do'n ay agad na akong pumasok sa room. May iilan ng estudyante doon pero great! Walang nakapansin sa presensiya ko. Umupo ako dun sa pinakadulo at nilagay na ang bag ko sa ibabaw no'ng mesa. Mukhang mahaba habang araw 'to, ah. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tiningnan ang wallpaper, ang masayang pamilya ko.
Nagsidatingan na ang mga estudyante at naupo sa kanilang upuan. Ngunit swerte ko ata, eh. Walang umupo sa tabi ko. Nangalumbaba na lang ako at tinanaw ang mga tao sa baba mula sa bintana.
Naibalik ko ng aking atensyon nang narinig ang ring ng bell at ang pagpasok ng professor namin.
Tumikhim muna ito at tumayo nang maayos bago nagpakilala.
"Good morning everyone. I'm professor Edwardo Tomen. Your professor for this Calculus", Isa siyang lalaking medyo maitim, matangkad, fierce lagi, madali nang makalbo at mukhang nakakatakot.
"So we have a transferee for today right? Ms. Harlyn?!", Pukaw sa atensyon ko.
"Yes, sir", malamig kong sabi. I felt the stares of others. Maybe they're wondering now why I'm here.
"Can you introduce yourself to us?", May humor nitong sabi. May ganyan pa pala dito? Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat eh.
Tumayo ako at pumunta sa harapan. Wala namang imik ang mga tao do'n na parang hangin lang akong dumaan."Hi. I'm Eila Harlyn", tipid kong sabi habang poker face.
"Well guys, may itatanong pa ba kayo kay Ms.Harlyn?", Baling nito sa mga taong naroroon.
"Ay Eila, bakit ang ganda mo?", Tanong ng isang lalaking gwapo naman kaso mukhang playboy.
"Stop that, Nash!", Inis na sabi ng isang babae.
"Mukhang marami agad ang nagkakagusto dito kay Ms. Harlyn ah", nakangiting sabi sa akin ni Prof. "You may now take your sit", at agad na akong umalis dun.
Mahaba ang naging araw ko sa iba't ibang klaseng pinasukan ko. Apat na minor subjects ang kinuha ko at isa na lang na major. Wala akong gaanong kakilala dito at wala nang balak na magkaroon. I can't trust anyone. Baka kapag nagkaroon ako ng kaibigan, mahanap ko lang ang mga kaibigang katulad ng meron ako noon.
Fakes.
Sumapit na ang hapon at wala na akong klase. Pumunta na lang ako sa library at kumuha ng isang librong babasahin habang pinapatapos ang oras.
Napaangat ako nang tingin sa isang grupo ng mga lalaki na nakatingin sa akin. They all look like a self-proclaimed fuck boy kahit wala namang nafafuck.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila at itinuon ang atensyon sa aking binabasa. Biglang lumapit sa akin ang isang lalaking medyo may itsura naman. But who cares?
"Miss, transferee ka?", Itinuko no'n ang mga palad sa aking binabasa upang makuha ang aking atensyon.
Inirapan ko na lang sila ngunit biglang hinawakan nung lalaki 'yung kamay ko. "Miss, teka lang! Mukhang transferee ka nga. Pero gusto mo bang sumama sa amin?", Sabay tingin nito sa aking katawan. Mabilis kong hinablot 'yung kamay ko sa kanya at mabilis na inayos 'yung gamit at ang librong kaninang hawak niya.
Naglakad ako palayo sa kanila at nilagay na 'yung libro sa shelf nito. Pero nang pagharap ko nakita kong nasa likod ko na pala ang mga lalaking 'yun. Nasa pinakatago at pinakadulo pa naman kami nitong library kaya wala nang makakapansin na may tao dito bukod pa sa malaki ang library, wala ring gaanong tao.
Nag angat ako nang tingin sa kanila at nakita ko ang kakaibang ngiti sa kanilang mga labi. Mga ngiting malademonyo. TSS. Jerks. Umambang dadaan ako sa gilid ngunit marahas akong hinawakan nung isa sa mga lalaki na sa tingin ko ay leader nila.
"Teka lang ha, Miss. Dito ka lang", mariing banggit nito.
I looked at him with disgust in my face. "Why the hell should I be scared with you? You're just an ugly fucking asshole!"
Hahawakan na naman sana niya ako sa aking braso nang makita ang mga pangamba ng mga kasama niyang nakatanaw sa malayo. Lumuwang ang hawak sa akin no'ng lalaki ngunit nacorner pa rin ako.
"B-b-boss, si Frost, p-parating na", nauutal na sambit nung isa sa mga lalaki. At agad akong binitawan ng lalaki nang humarap ito sa lalaking pinangangambahan nila. Di ko makita kasi nasa likod ako. Who's that Frost? Is he a monster to be afraid of?
These guys are fucking coward.
"F-frost! Oh p-pare. Napano k-ka?", Natatakot na sambit no'ng leader nila.
"Tss. Anong ginagawa niyo dito?", Cold nitong tanong. Damn! His voice is so cold
"Ah-hh Frost kasi may transferee na naman", excited na sambit no'ng isa sa mga lalaki.
"Oh tapos?", Halata sa boses nitong iritado na. Can't you even see that a girl was cornered here?
"Ah Frost, kami na lang bahala dito", pamamaalam no'ng leader at malakas na akong hinigit. Nakayuko akong hinihila no'ng lalaki nang biglang may brasong humawak sa bewang ko.
Shit!
"Umalis kayo. Wag niyong guluhin ang transferee na 'to", cold niyang sabi kaya nag unahan nang umalis 'yung mga lalaki. Binitawan niya naman ako agad at umambang aalis na.
"Ganyan ba magthank you ang isang transferee? Huh?", Pangunguyam nitong tanong sakin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at dun ko nakita ang isang matangkad na may matikas na katawan, mapuputing balat, maganda at matangos na ilong, malalim na mga mata na may makakapal at kurbang pilikmata, makakapal na kilay, mapupulang labi, makinis at maputing kutis at ang buhok na mukhang pang bagong gising.
"You're drooling over me. Don't be so obvious, woman. ", at dun lang ako nabalik sa aking ulirat. Tinitigan ako nito nang may panghahamon sa mata, at nakangising mga labi.
"Tss", I spat before walking away from him.
A jerk after those jerks.
Is this a university full of assholes?
Gano'n siguro ang nangyayari sa mga transferee dito. Nabubully. Okay na kaninang may tumulong sa akin pero mukhang di naman talaga ata intensyong tumulong. Tss.
Natapos ang buong araw na 'yun. Di ako sumabay kay Kana kasi may trabaho pa ako.
Natapos ako ng alas otso at naabutan kong panay ang kwento ni Kana sa kanyang ina.
"So mommy, andami ko na agad na friends. Like pagkapasok ko pa lang ng gate may mga bumabati na agad sakin", She proudly told her mother.
Sa gabing 'yun, ang tanging ginawa ko lang ay ang mga gawaing bahay, at nag aral din matapos 'yun. Biglang nagvibrate ang phone ko at tiningnan ang isang mensahe.
Unknown number:
Hi Kana! I'm Topher. Do you remember? From the cafeteria, right? Can we go out and have some fun?
Nainis agad ako sa nabasa. How dare her give my damn number to others?
What a fuck!
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...