CHAPTER 6

3.8K 68 2
                                    

CHAPTER 6: DECISION

I can't still believe that he's the son of the owner of this University. Maybe that's the reason why he's so popular here.

Lumabas na 'yung ugok dahil inaantok na raw siya kaya naiwan ako dito sa opisina upang pumirma sa iilang kailangan para sa consequences, di ako pwedeng sumali sa activities sa loob ng one week na 'yun at magiging abala rin ako sa community service na pinapagawa sakin. May janitor naman pero parusa na din 'yun. Ako ang maiiwan sa hapon dahil nga maglilinis pa.

Umalis na ako sa opisina at nagpatuloy papuntang kung saan. Nagbabakasali sa mga nawawala kong gamit. Damn it. Nandun 'yung cellphone ko eh.

Nakakailang linga pa lang ako ay tumambad na sa akin Si Eissen na dala ang mga gamit ko.

"Ang tagal mo naman, babae", inis na may pilyong ngiti ang isang 'to habang may lollipop na naman sa bibig.

Tss. Isip bata.

"Akin na", Sabi ko at binigay niya naman agad sakin. Inisnob ko siya kahit na nasa akin pa rin ang titig niya. Hinawakan niya ang braso ko at kunot noong tiningnan 'yun. Tiningnan ko rin ang braso ko at nakitang namumutla na ang mga nadiinan ng kuko no'ng bruha. Inagaw ko 'yun ngunit hinawakan niya ulit. Ngayon 'di na talaga ako makakaalis dito sa higpit g hawak niya.

"Siya ba may gawa nito sa'yo?", Seryosong tanong niya sakin habang mariin pa rin ang hawak niya sa braso ko.

"Wala", Sabi ko at nilingon siyang galit na ata sa 'kin.

"Tss", at hinila na niya ako papunta sa kung saan. Nilingon ko siya na seryosong nakatuon ang pansin sa pupuntahan namin. Napakurap kurap ako dahil sa mga naiisip.

No way, Shanteila. Bawal 'yan. May phobia ka, uy, baka nakakalimot ka?

Di kami lumabas ng gate ngunit lumiko kami sa likod ng isang malaking puno at do'n ko nakita ang isang maliit na bahay. Kunot noo ko siyang tiningnan ngunit seryoso pa rin siya sa paghila sa akin.

Binuksan niya ang bahay at tumambad sa akin ang isang kompletong sala set na may flat screen TV pa huh?! Akala ko talaga maliit ito. Pero sa labas lang pala. Npakasimple pero malinis. May sofa, may mini kitchen pa, may cabinet, may ref at iilang baso na din at kubyertos.

"Ano? Di ka pa papasok?", Kunot noo niyang tanong dahil napako ako sa hamba ng pintuan dahil sa paninitig ko sa bahay na 'to.

"Psh", at pumasok na ko sa loob. Umalis siya at pumunta sa may kusina. Nagkibit balikat na lang ako at binaba ang mga gamit sa sofa at binuksan ang ilang libro ko do'n.

Bumalik siya na may med kit na dala. Nakataas pa rin ang kilay niya. Ipinatong niya ang dala niya sa coffee table at umupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang braso ko kaya't binawi ko 'yun sa gulat.

"Akin na 'yang braso mo! Gagamutin ko lang", mahinahon niyang saad.

"Ako na. Kaya ko naman", sabay kuha ko sa med kit ngunit inilayo niya 'yun sa akin. Tinitigan ko siya ngunit agad din akong nag iwas dahil sa intensidad ng titig niya.

"Pag sinabi kong ako, ako ang masusunod,  Shan", nakangisi na ito ngayon. Kinuha niya ang braso ko at 'di na ako umapila pa nang matapos na ito.

Binuhusan niya 'yun ng alcohol habang ako naman ay nakatuon sa mga libro ang atensyon.

"Masakit ba?", Tanong niya ng dahan dahang pinapadampi ang bulak sa balat ko.

"Kung masakit 'yan edi sana umangal na ako", malamig kong sambit habang nagbabasa pa rin.

"Alam mo ikaw lang ang di nasasaktan ng alcohol", masaya niyang sambit habang diniinan pa ang bulak. Kala mo sakin ah?!

"So?", Taas kilay ko.

"Kahit kilala mo na ako, sinusungitan mo pa rin ah?", Nanunuya niyang sambit.

"Psh! Kahit ano pa 'yang pangalan mo wala akong pake", malamig na sambit ko.

"Talaga bang wala kang pake?", Nanunuya niyang sambit sa akin kaya't binalingan ko siya at nakita kong ngumunguya na siya ng bubble gum. Adik 'to?

"Psh! Balik na ako. Maglilinis pa ako ng C.R sa ESKWELAHAN MO", inemphasize ko talaga para lang malaman niya.

Humalakhak siya kaya't umalis na ko do'n kahit panay pa ang sigaw niya ng kung ano ano. Umiling na lang ako at pumunta sa sunod na klase ko.

Pagkapasok ko pa lang ay wala na namang upuang natira.

"Miss Harlyn, you're 15 minutes late", istriktong sambit no'ng matandang prof namin sa isang minor subjects.

"I'm sorry", sambit ko at pumunta na sa kabilang room para humiram ng isang upuan.

Di naman nagtagal ang klase dahil sa isang meeting. Ang sabi'y darating daw yung MAYOR para sa iilang projects dito sa paaralan namin.

Pero alam kong iba ang ipinunta niyan dito.

"Harlyn, pinapapunta ka sa opisina", sambit ng isang kaklase ko. I knew it.

Papunta pa lang ako ay dinig ko na ang bulong bulungan sa tabi tabi. Pake ko sa inyo!

Namataan ko pa si Kana na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa at nakipag apiran pa sa mga kasama niya.

Kumatok muna ako sa opisina bago tuluyang pumasok.

Naabutan ko do'n 'yung mayor na nakaupo sa harap ng dean at si Jessie naman ay panay ang titig sa ugok na lalaking si Eissen na mukhang tulog pa. Narinig ko pa itong nagsalita.

"Gisingin niyo na lang ako pag nandyan na si Shantel. Tulog ako ah", sambit niya na nakapatong ang polo sa kanyang mukha. May tulog bang nagsasalita? At ano, Shantel???

"Ah kasi Frost, nandito na siya", malambing na tawag ni Jessie sabay haplos pa sa kamay ni Eissen.

Masama akong tiningnan ng Mayor pati ng dean. Tumaas ang kilay ko sa dalawa kaya't tumikhim ang dean at nag iwas ng tingin.

Nag angat naman ng tingin si Eissen sakin at ngumiti siya ng pagkaloko loko. Naupo ako malayo sa kanya.

"So Mr. Vancleef, ano na ang desisyon mo?", Tanong ng Mayor.

"Wala namang mababago eh", malumanay na sambit ni Eissen.

"Alam mo, hijo, tanggap ko ang sinabi mo, pero ang 'di ko matanggap ay 'yang babaeng 'yan ang kinampihan mo? Wala 'yang pera hij-",

"Di ko naman kailangan ng pera, Sir", seryoso at madilim ang titig ni Eissen sa nagulat na mayor.

"Dad, o-okay lang naman eh kasi 'yan ang gusto ni Frost", malambing na sambit ni Jessie. Kapal mo!

Tumikhim ang dean at muli akong hinarap.

"Miss naman kasi, wag mong dadalhin ang problema mo dito sa paaralan", sabay baba ng eyeglasses nito.

"Ma'am, pakisuot po ulit ng eyeglasses niyo at pakitingnan ang CCTV", malamig na sambit ko ngunit seryoso kong tiningnan ang mga mata ng matanda.

"Burn baby burn~", kanta kanta ni Eissen habang tumatawa pa.

Tumikhim ang dean dahil sa sinabi ko.

"Hijo, ano bang nakikita mo at bakit 'di ka sa anak ko kumakampi?", Galit na tono ng Mayor.

"Eh kasi may malanding higad sa tabi tabi", parinig ng anak nito. 

Baka ikaw ang malandi!

"Bakit? Mr. Mayor, kahit saang anggulo niyo tingnan, anak niyo ang mali", simpleng sagot ni Eissen.

"What? I can't believe this! Sige bibigyan kita ng pera para sa paaralan mo, hijo", utos ng Mayor. Nanlaki naman ang mga mata ng dean at umayos sa pagkakaupo at ngiting ngiti sa Mayor. Mukhang pera!

"Wala akong pake sa pera mo, Mister. Kung ayaw niyo sa rules ko, gumawa kayo ng sarili niyong university", seryosong sambit ni Eissen.

"Dad, stop it", sigaw ni Jessie.

"Kung 'yan ang gusto mong bata ka! Babawiin ko ang pera ko", galit na sigaw ng Mayor na ngayon ay nakatayo na.

Tumayo naman bigla si Eissen at ngumisi sa akin.

"Edi bawiin mo, it's still my decision", maangas nitong sambit bago lumabas ng opisina habang humihikab.

Damn you, jerk!

Amidst HatredWhere stories live. Discover now