CHAPTER 7: MAYOR'S DAUGHTER
"Oh well, couz, narinig namin na inaway mo 'yung anak ng Mayor", sambit ni Kana, ngayong nakaupo siya sa sofa at naghahalungkat ng kung anu ano sa kanyang bag. Bumaling siya sa akin na may nakataas na kilay at ngumiti.
"Psh", sambit ko at tinalikuran na siya para pumunta sa library nitong bahay. Kahit kailan di pa ako pumupunta doon dahil siguro sa trauma.
Narinig kong sumunod na si Kana sa akin sa taas. Naabutan ko pa si Tita Dulcellia na may hinahalughog sa mga libro. Tinaasan ko siya ng kilay at bigla niyang itinago ang libro.
"Eila, ano 'tong naririnig kong pang aaway mo sa anak ng mayor?", She asked. Inirapan ko na lang siya. Kahit na step sister lang siya ni Mama ay nagawa ko pa rin siyang patirahin sa bahay na ito. Hawak niya ako ngayon sa leeg pero makakabawi din ako. Next year ay akin na ang lahat ng para sa akin.
"Yeah, mommy, narinig ko nga na sa do'n daw sa pinagtatrabuhan niyan nag umpisa ang lahat", tunog disappointed ang sambit ni Kana.
The hell? Why did they care?
"Ano ba naman yan, Eila? Anak 'yan ng Mayor", sigaw sa akin ni Tita. Ngumiti ako ng mapakla dahil sa mga sinasabi nila.
"Oh come on, Tita. Don't act like you care", malamig na sambit ko.
"Wag ka ngang bastos. Buti nga eh pinapatira pa kita sa pamamahay ko—",
"Pamamahay MO? Psh! Maghintay ka lang tita, baka next year, wala na 'tong bahay KO sa'yo!", Taas noo kong baling sa mag ina.
"How dare you? Wala kang utang na loob", galit na singhal ni Kana sa akin.
"Utang na loob?", Tumawa ako ng walang humor. "Baka na kakalimutan niyo na pera lang ang habol niyo dito?", Nakataas kong kilay. Galit pa din si Kana pero si tita ay tumikhim at yumuko. ANO? Guilty eh!
"Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan!", Sigaw ni Tita ng makabawi kanina.
"Ah? Eh ngayon lang nga kayo nagpakita matapos mamatay ng pamilya ko eh!", Seryosong tinig ko. Nag walk out si Kana at naiwan naman ang kanyang ina sa harap ko.
Nang nawala na ang kanyang anak ay bigla nitong hinila ang buhok ko at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad. Kita ko ang iritasyon at galit nito na nag init sa kanyang mga mata. Bumaon ang kuko niya sa pisngi ko kaya't napapikit ako sa sakit nun.
"Ano ah? Mayabang ka diba? Punyetang bata ka. Masyado ka kasing spoiled ng mga walang kwenta mong magulang, huh! Pati ng Lolo mong nakakahiya. Stepsister lang ako ng ina mo pero ako ang nagpapalago sa pera niya. Mabuti ngang namatay sila 'di ba para----",
Sa inis ko ay naitulak ko siya hanggang sa bumagsak siya sa sahig nung library at nahila pa ang lamesa kaya't bumagsak ang malaking libro sa kanyang mukha.
"Wala akong pakialam sa perang ininvest mo. Kainin mo pa. H'wag na h'wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang mga patay na. Baka mamaya, ikaw ang sumunod.", sa inis ko ay kung anu ano na ang lumalabas sa bibig ko.
"Are you threatening me?", Namumutla niyang sambit.
"Di ako mamamatay tao, tita. Oo, hawak mo nga ako ngayon pero h'wag kang pasisiguro", at iniwan ko na siya do'n sa library at umalis na lang. Pupunta na lang ako sa part time job ko.
Pagkapasok ko pa lang ay dumiretso na ako sa kusina para magsuot ng uniform. Lumabas ako at pumunta sa counter at pinalitan do'n ang isa kong kasama.
"Oh? Pati ba naman pusa, kalaban ka?", Patuyang sambit no'ng isa sa mga katrabaho kong babae. Pagod ko siyang tiningnan at nakita ko ang repleksyon ko sa isang malapit na salamin dun. Kita ko sa aking pisngi ang pagdudugo nito at ang pamamantal no'n.
Dumiretso na ako sa loob ng banyo at sumandal sa pinto. Naghilamos agad ako at di na ininda pa ang sakit sa pisngi ko. Lumabas ako at nakita ang mga pamilyar na babaeng umiirap na sa kanilang mesa at pinupuntirya ang isa na namang staff namin. Umaayaw ito sa kung ano mang suggestion ng staff at inihuhulog nito ang lahat ng binibigay ng staff. Naglakad ako papunta do'n at nabigla siya at pumalakpak ng kamay.
"Oh look who's here!", OA niyang sabi sa akin. Umalis 'yung staff at umirap sa akin. Galit sigurado.
"Ba't ka nanggugulo?", Malamig na tanong ko. Tumayo siya at suminghap.
"Di ako nanggugulo! Can't you see? Yung mga staff niyo kasi dito, mga bobo", humakbang siya palapit sa akin ngunit di ako natinag. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
Unprofessional nga talaga.
"Di nila kasalanan kung ano 'yang kapritsuhan mo", sabat ko sa kanya.
"Tss! Kasalanan nilang tinanggap ka nila dito", sigaw niya at ibinuhos sa akin ang tubig na nando'n. Sinampal niya din ako.
Pero sorry huh?! Di ako santa.
Kaya imbes na sampal ang ibalik ko, nakuyom ko na ang kamao ko at nasuntok ko na siya. Humandusay siya sa sahig at namataang wala ng malay. Umalis ang lahat ng tao do'n at ang staffs ay dumalo sa naknock out na si Jessie.
Dahil sa nangyari, bumagsak ako sa opisina. Galit na galit ang matandang manager sa akin.
"Dapat pala ay inalis na kita no'ng una pa lang", sigaw nito sa akin habang hinihimas ang noo nito.
Wala akong imik kasi alam ko kung san to patungo.
"Base sa CCTV, ikaw ang pumunta sa kanya. Yes, siya ang nauna pero siya ang dehado", galit na giit nito.
Bahagya akong napangisi, susugod sugod din kasi tapos pagpinatulan, di na pala kaya.
"I'm sorry Eila pero you're fired!", sabay tapon nito sa akin ng mga papel doon.
Ngumisi lang ako sa kanya at umalis na doon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao ngunit dire diretso lang lakad ko kahit na basang basa pa rin ako.
Tanaw ko sa gate namin ang magarbong sasakyang nakapark doon. Tatlong itim na sasakyan.
Unang apak ko pa lang ay rinig ko na ang usapan sa loob. Nagtatawanan. Ngunit ng buksan ko na ang pinto, isang masakit na sampal ang naabot ng pisngi ko.
"What have you done? You messed up with the Mayor's daughter, damn you!", Sigaw nito sa akin. Mapakla akong tumawa. Ang plastic nga naman, tatawa tawa kanina tapos ngayon parang kung sinong magaling. Binalingan ko ang Mayor at nakita ko ang galit nito.
Suminghap ako at ngumisi.
Yes, I am. I messed up with the Mayor's daughter.
And I don't care if she's a daughter of that Mayor.
I don't fucking care at all.
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...