CHAPTER 28

3.1K 81 8
                                    

CHAPTER 28: SPACE

Hindi kami muling nakapag usap pa ni Eissen sa gano'ng mga bagay. Wala na. Hindi na niya binalikan pang muli. Naging maayos din ang kanyang kalagayan matapos ang ilang linggo sa ospital na hindi nagpatulog sa akin nang ilang araw. At ngayon narealize ko na. Gusto ko na lang na makita siyang masaya kahit hindi na ako ang nasa piling niya. Nandito kami ngayon sa space na sinasabi ko malapit sa isang subdivision kasama sina Ney at Rodel na nakapayong pa sa akin. Hinihintay kasi namin si Eissen and that dumbass girl.

"Ang laki pala nitong lupaing kailangan nila", sambit ni Ney habang nagmamasid sa buong space.

"Academy siguro ang itatayo eh", tanging sagot ni Rodel na tinanguan ko na lang saka naglibot libot do'n at tumigil nang nasa malayo na nila ako saka dinama ang hanging tumatama sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko saka nag umpisang palayain ang lahat ng bumabagabag sa aking isipan. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Wala pa talaga yung dalawa? Tss ang boring.

Naglakad ako pabalik dun sa may kotse ko saka kinuha 'yung gitara ko.

"Pag nagtanong kung nasaan ako, sabihin mo na mauna na silang mag inspection dito . I want to take a break", sambit ko kay Ney saka naglakad ulit do'n sa space ko kanina saka umupo sa may lumang bench at saka nagstrum.

"Ngumiti kahit napipilitan,
Kahit pa sinasadya,
Mo akong masaktan paminsan minsan,
Bawat sandali na lang.

Tulad mo ba akong nahihirapan,
Lalo't naiisip ka,
Di ko na kaya pa na kalimutan,
Bawat sandali na lang,

At aalis,
Magbabalik,
At uuliting sabihin,
Na mahalin,
Ka't sambitin,
Kahit muling masaktan,
Sa pag alis,
Ako'y magbabalik,
Sana naman..."

Tumigil ako sa pagkanta nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Kaya agad akong lumingon at nakita si Eissen na nakapamulsa habang nakatingin sa kawalan.

"Magaling ka palang kumanta at mag gitara", aniya sabay tingin sa aking mga mata. Nag iwas ako ng tingin saka hinanap sila Ney ngunit anak ng takte, wala na sila at ang naiwan na lang ay 'yung kotse ko at ang isang kotse na sa tingin ko'y kay Eissen.

"Why are you here?", Walang emosyon kong tanong.

"Eto pala 'yung space na sinasabi mo. Ang lawak naman", aniya hindi ko alam kung ano pang tinutukoy nito.

"Sana sinundan mo sina Ney at ipapakita nila sa inyo no'ng fiancee mo kung gaano pa kalawak ang space na hiningi mo", sambit ko habang nakatungo sa aking gitara.

"She's not my fiancee anymore", sa sobrang gulat ko ay napatingin ako sa kanya kaya ngumiti lang siya sakin.

"W---wh-what? Why?", Punyetang dila to. Ngayon pa nautal.

"Bakit parang nasorpresa ka, babae? Eh di ko naman mahal 'yun", aniya habang nagkibit balikat. Natulala ako dahil sa sinabi niya. Siya na ba 'to? Or wait? Nakakaalala na ba siya?

"May naaalala ka na ba?", Tanong ko. Dahil sa tono ng kanyang pananalita, parang bumalik na siya sa dati. Shit.

"Wala pa. But I want to enjoy this space with you", aniya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi na ako nagsalita pa kaya nagstrum ulit ako.

"Minsan oo, minsan hindi~", pagkanta niya kaya itinigil ko 'yung pagstrum at naalala na naman 'yung panaginip kong ikinakasal kami habang ito ang tugtog.

"Pano mo nalaman ang kantang iyan?", Tanong ko.

"May naaalala kasi ako sa kantang 'yan. Pahiram ng gitara", aniya saka kuha ng gitara sa akin kaya pinagbigyan ko naman.

Nag umpisa na siyang tumugtog kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin bago ibinuka ang mga bibig.

"Tumingin sa'king mata,
Magtapat ng nadarama,
Di gustong ika'y mawala,
Dahil handa akong ibigin ka,
Kung maging tayo,
Sa'yo na ang puso ko", aniya habang nakatingin pa rin sa akin. Umiwas na ako nang tingin dahil naaalala ko itong nangyari na noon.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now