CHAPTER 33: BELONG
Dinama ko ang malamig na hangin dito sa terrace habang nakamasid sa kawalan. It's been three years since I show up here. It holds the best memories of my life. I can't understand why I'm here now. All I know is I want to be free away from the city— away from him.
Unang tapak ko palang kanina sa lupang kinalalagyan ng bahay na ito ay nagflash agad sa utak ko ang mga masasayang alaala ko kasama ang lalaking mahal na mahal ko ng sobra.
Inagaw ang atensyon ko nang may makita akong agiw sa sulok ng mansyong ito. Medyo marumi na din at puno ng alikabok ang lahat ng furnitures at kailangang palitan na din ang bed sheets at ilan pa. Medyo malaki laki din ata ang lilinisin ko dahil buong bahay ang kailangan kong alisan ng dumi. Magtatanghali pa lang naman kaya pwede pa akong makapagsimula. Bumaba na ako at naghanap ng panlinis sa kusina. Buti na lang pala ay natatakpan ang mga kubyertos at nakatago din ang ilang kagamitan dito sa bahay. May kuryente pa naman at supply ng tubig. Kung iisipin nga para itong haunted house in modern version dahil bukod sa itim ito, napakalaki niya at walang ingay na naririnig kung saan. Tahimik ang atmosphere.
Kumuha ako ng timbang may lamang tubig, pampunas, walis tambo at dustpan pati na din feather duster saka ako pumunta sa taas para do'n magsimula.
Inalis ko muna 'yung bed sheet dito sa kwartong tutulugan ko pati na din 'yung mga unan at kumot at pati na din 'yung sa sofa saka ko inalis 'yung mga agiw sa ceiling. Sunod naman ay 'yung mga furnitures na napaka alikabok na.
Naayos ko na ang buong bahay kaya nakatulog ako nang mahimbing nang dahil sa pagod. Napanaginipan ko na naman ang mukha ni Eissen na kumakanta sa harap ko. Hanggang sa nagising ulit ako at nakaramdam ng gutom. Naligo muna ako at saka na bumaba sa kusina para humanap ng makakain ng maalala kong di nga pala ako nakapaggrocery dahil sa mga iniisip ko. Bumuntong hininga ako saka bumalik ulit sa kwarto para kunin 'yung wallet ko at saka 'yung susi ng kotse ko... Tiningnan ko 'yung cellphone ko at napagpasyahang iwan na lang muna dahil sa ayaw ko muna ng kahit anong contact mula sa iniwan kong buhay. Kung tungkol man 'yun sa kompanya, kayang kaya na 'yun ni Ney. I just want to breathe in and enjoy being lonely.
Malayo layo ang pamilihan dito kaya kailangan ko pa ang kotse ko. Sa pagtahak ko sa front yard ay muli kong naalala ang unang pagkakataong napunta ako dito. I smiled with that sudden thoughts. It's really haunting me, huh? Sumakay na ako sa kotse ko at inignora ang mga nasa isip saka ako tumulak na papuntang bayan.
Sa daang tinatahak ko ay nakaramdam ako nang gutom dahil siguro sa pagod ko kanina. Buti na lang at medyo malapit na ako sa sentrong bayan kaya may mga nakita na akong kainan. Agad kong nakita ang isang simpleng kainan kaya ipinark ko na ang sasakyan ko sa parking area malapit do'n. Saka ako naglakad papasok at nagtawag ng waiter. Umorder ako ng adobong manok at kanin saka ng coke at tahimik na kumain. Agad naman akong natapos saka ko na inilapag ang bayad ko sa mesa at umalis na. Nang pagkalabas ko ay do'n ko lang napagtanto na napakasimple ng pamumuhay ng mga tao dito. Hindi siya gaanong kaprobinsya pero low-key lang at alam kong walang makakakilala sa'kin dito. Hindi naman ito gano'n kaprobinsya dahil kahit papano ay may mall naman dito at supermarket at sadyang mas marami lang na tianggihan ang makikita sa paligid. Magagara din ang ilang bahay at medyo asensado na ang iilan. May mga jeep din at tricy at may iilan ding kotse doon. May mini park naman sa harap no'ng simbahan kung saan ko maisipang iwanan ang kotse ko para mamili na dahil ilang oras na lang ulit ay mukhang gagabi na.
Pumasok muna ako sa mall at namili ng ilang personal belongings. Saka ako bumili ng toiletries stuff at ilang underwear garments. Sunod naman ay sa food stuff ako pumunta at kumuha na ng mga preserved foods at instant noodles dahil madali lang itong lutuin. Bumili na din ako nang oatmeals at gatas. Naisipan ko ding magwork out na lang do'n kaya kumuha ako ng mga energy drinks at ilang pagkaing pwede sa diet ko. Kumuha na din ako ng mga chips saka napagpasyahang magbayad na sa counter. Hindi naman gaanong mahaba ang pila kaya natapos agad ako. Di ko inaasahang aabutin ng ilang bags ang mga binili ko kaya naghirap tuloy akong magbitbit no'n papunta sa kotse ko saka ko inilagay sa backseat. Sunod naman ay nagtungo ako sa public market at do'n bumili ng mga prutas at mga gulay at karne na lulutuin ko mamaya na pwedeng hindi agad masira dahil naayos ko naman kanina 'yung ref sa bahay. Nang magbabayad na ako ay bigla akong tinanong ng tindera.
YOU ARE READING
Amidst Hatred
CasualeShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...