CHAPTER 9

3.7K 56 0
                                    

CHAPTER 9: SWEAR

Pumasok na ako sa klase at gano'n pa din. I'm just nobody. Minsan pag groupings iilan lang ang nakikipag grupo sa akin karamihin pa do'n ay mga nerd at sa ibang subjects na wala ang mga 'yun ay nagsasarili ako at ako ang nauunang magsubmit.

Lumabas na ako at tiningnan ang schedule ko. Wala pa rin 'yung ibang profs kaya wala ding pasok para sa seminars nila.

Napagpasyahan kong tawagan 'yung psychiatrist ko.

"Hello, Dr. Santiago?", Panimula ko nang sagutin nito ang tawag ko.

"Oh, Eila! Napatawag ka?", Excited nitong sambit mula sa kabilang linya.

"Doc, busy po ba kayo?", Tanong ko. Balak ko kasing sabihin sa kanya 'yung bagong kaibigan kong si Ney at baka bawal sa phobia ko.

"Ah! Hindi naman. Bakit?", Curious nitong tanong.

"Ah, pupunta po ako dyan, may sasabihin po ako about sa case ko", sambit ko. Umoo naman siya at pinutol na 'yung linya. Maglalakad na sana ako ngunit may palad na nagblock sa mata ko.

"Babae ka! Ba't mo 'ko ikinulong, huh?", Sambit ng pamilyar na boses sa likod ko. Pinilit kong alisin 'yung kamay niya ngunit di ko matanggal.

"Bitawan mo 'ko, Eissen", banta ko sa kanya. Unti unti niya namang inalis ngunit malabo pa din ang paningin ko, kinusot ko 'yun at nang maging clear na ang paningin ko ay nakita ko na siya sa harap ko.

"Booo", sabay pitik niya sa noo ko. Ang sakit! Takte!

"Aray ko", angal ko at sinuntok ang balikat niya. Napa aw naman siya at masama akong tiningnan. Ibinalik ko sa kanya ang malamig na titig ko ngunit unti unti siyang lumalapit sa akin kaya't naduduling na ako sa paninitig ko sa kanyang mata. Pumikit siya kaya't napapikit din ako at naramdaman ko na lang ang hanging dumampi sa noo ko. Humalakhak naman siya at unti unti kong idinilat ang mata ko at nakitang nakapamulsa na itong tumatawa sa harap ko.

"May papikit pikit ka pang nalalaman ah", panunukso nito. Naramdaman ko naman ang kakaibang feeling na biglang nag init ang mukha ko, particularly ang pisngi ko.

"Ay, Shantel! Ang cute mo magblush", sabay tawa na naman nito. What the heck was that?

"Tss! Mainit lang kaya namumula ako", sabay lakad ko palayo sa kanya. Ang bwisit naman oh. Oo na! Nakakadistract ang mukha niya. Gwapo siya, maganda ang katawan, almost perfect na nga! Tss. Pero di 'yan pwede, Eila.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa daanan. Damn it! Yung puso ko shit!

"Bakit nandito ka na naman? Umalis ka nga", saway ko na may bahid na iritasyon na sa tono. I can't help it. Dapat indifference ang ipinapakita ko sa kanya. Kumbaga di ko siya kunwaring kilala.

Humalkahak siya "Bakit ka ba nagagalit? Hinipan ko lang naman 'yung takas na buhok mo eh", defensive na saad niya. Nilingon ko siya na nakangiti pa rin habang umiiling pero nang mapansing nakatingin ako ay tumikhim siya at umayos ang mukha. Ngumuso siya pero kita ko pa rin ang ngiti niya.

Ang cute niya!

What? Eila? Ano 'yan? Bawal 'yan.

"Wala akong pake", I lied. Damn it! Bakit mo ginawa 'yun? Nakikipagkarera na ang puso ko! Shucks!

"Hahaha sige lang Shanteila. Magsinungaling ka lang", sambit niya at humalakhak na naman. Wala na akong magawa kaya't nauna na akong naglakad palabas ng gate. Tumakbo na ako pero naabutan pa din no'ng kumag.

"Ei Ei, sa'n ka pupunta? Wala ka ng pasok?", Tanong nito sa likod ko. Ipinakita ko sa guard 'yung gate pass.

"Wala", sagot ko sa dalawang tanong niya. Nagtawanan naman sila no'ng guard kaya't mabilis na akong lumabas ng University. Nakahabol naman 'yung lalaking 'yun.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now