CHAPTER 11

3.4K 54 0
                                    

CHAPTER 11: PARTNERS

"Susunduin ka ni Frost?", Maligayang bungad sa akin ni Kana sa hapag, kumakain na sila ni Tita.

"Who's Frost?", Tanong ni Tita na umagaw sa atensyon ng anak.

"The son of the owner of the school", masayang banggit ni Kana sa kanyang intrigang ina.

"Ow! You two should get along together", suggest nito. Mukhang pera talaga tss. Nagtawanan sila kaya't lumabas na ako. I'm too preoccupied for everything. Especially the case.

Lumabas na ako at pumunta sa cafe na pinagtatrabuhan ko. Pumunta muna ako sa office para magsorry sa absence ko kahapon.

Papasok na sana ako ngunit narinig kong may kausap pa siya sa kanyang telepono.

"Ano ba naman Shara? Umuwi ka dito ah. H'wag ka muna sa tatay mo", angal nito. Kalaunan ay naputol na ang tawag at pumasok na ako.

"Hi! Good morning, Madam. I'm sorry po pala sa absent ko kahapon", Sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at tumango. I guess may problema siya. Nagpasalamat ako at umalis na.

Nagpunta ako sa counter at hinintay ang costumers. Nahalata kong si Rodel lang ang naroon, 'yung kasama namin dito sa trabaho. Wala pa si Ney. Wala tuloy akong makakwentuhan. Napansin ko kasing magmula nang makapag open up ako ay naging maganda na ang pakitungo ko sa kaibigan ko. Sa mga taong sa tingin ko lang naman ay mapagkakatiwalaan.

"Rodel, si Ney?", Tanong ko sa kanya habang abala siya sa paglilinis.

"Nasa bahay pa eh", sabay pula ng kanyang tenga. Sa bahay? What?

"Bahay? Niyo?", Tanong ko dahil sa kuryosidad.

"Ah oo eh", sabay kamot niya sa ulo niya... Bakit parang wala akong alam. Tinanguan ko na lang at nagkibit balikat... Maya maya pa ay bumukas na yung pintuan at bumungad sa akin si Ney na hingal na hingal at binalingan ng masamang tingin si Rodel na ngayon ay pasimpleng sumisipol. Pinagtaasan ko ng kilay si Ney at kumalma na ito ngayon. Badtrip huh?

Lumapit na siya sa akin at kinuha 'yung apron at nilagay 'yung panyo sa kanyang ulo. Maganda si Ney. Medyo morena nga lang pero maganda siya. Hindi ko maikakaila na maraming magkakandarapa dito pero mukhang nabakuran na ni Rodel eh.

"Kainis naman kasi", bulong niya pero dinig na dinig ko.

"Bakit? May di ka sinasabi sa akin eh", sabay taas ko ng kilay sa kanya pero busangot lang ang mukha niya.

"Oo. Boyfriend ko 'yang ugok na 'yan. Live in kami", aniya pero nahimigan ko ang kilig sa boses niya. Ang rupok mo teh!

"Nga pala ba't absent ka kahapon?", Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat ako ngunit tinapik niya ang braso ko kaya't naagaw ulit ang atensyon ko.

"May pinuntahan lang ako", simpleng sagot ko.

"Sinong kasama mo ah?", Tanong niya na may bahagyang panukso sa akin.

"Ah 'yung kaibigan ko", sabi ko.

Tinagilid niya naman ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ako ng masinsinan.

"Eh? Kaibigan? Umayos ka nga. Namumula ka eh. Kaibigan daw?", Akusa nito sa akin. Umiling na lang ako at tumawa. Naging magaan ang bawat araw ko sa cafe na 'yun. Di kami madalas magkita ni Eissen dahil sa abala din siya sa kanyang pag aaral. Graduating na din kasi 'yun eh at business ad pa ang kinuha.

Nasa library ako nang magpakita na siya ulit sa akin. May kung ano sa loob ko ang nagsasaya dahil nakita ko na siya. It's just...

...weird.

Medyo naiilang ako sa kanya kaya't naghanap ako ng pwedeng itopic... Isip, isip, isip, Eila...

There..

Yung kaso...

"Eissen, about do'n sa sinabi mo sa akin na hustisya. Payag na akong halungkatin 'yung nakaraan", seryosong sambit ko. Seryoso niya naman akong tiningnan na para akong isang babasagin. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ko ang intensidad ng kanyang titig.

"Susuportahan kita", saad niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Salamat pero kaya ko namang mag isa---",

"Magiging partners tayo. Di kita hahayaang lutasin 'yan mag isa at baka mapahamak ka pa", galit na singhal niya sa akin. Napahawak ako sa puso ko sa sobrang gulat at medyo mapapangiti pa ata ako do'n. Ngumuso ako para mapigilan ang pag ngiti. Kung kailan, malapit na akong gumaling saka naman naging OA 'yung emosyon ko. Parte pa ba 'to no'n?

"Si-sige", fudge nauutal ka pa talaga.

"May file pala ako mula sa CCTV footage no'ng mangyari 'yung aksidente. Nasa laptop ko", saad ko at nagseryoso na ulit siya. Dahan dahan siyang tumango. Kinuha ko 'yung laptop mula sa bag ko at binuksan na 'yun. Tumabi siya sa akin at ang mga mata'y tutok sa video. Habang ako naman ay pinagpapawisan na dahil sa lapit namin. Ang kanyang kaliwang kamay ay nasa upuan ko habang ang kanan ay nasa mesa. Attentive naman siya pero di ko maiwasang hindi tingnan ang perpekto niyang mukha.

Damn!

Nagkarera na naman ang puso ko sa bilis ng pintig nito. Para akong nagsprint sa ilang kilometro.

May ipinapaliwanag siya sakin pero di ko maintindihan. Tumingin siya sa akin at do'n lang ako nakabalik sa senses ko.

"H-huh?", Paulit ko sa kanya.

"Base sa footage, hindi ang mga magulang mo ang puntirya. Damn it!", Galit na naman siya.

Hindi mga magulang ko ang pakay? So that means to say, ako? Nabuo ang hinala ko pero hindi... Bakit ako? Anong meron sa akin?

"So what do you mean?", Kailangan kong siya ang sumagot para sa akin. Naguguluhan ako.

"Base dito, pinatakbo 'yung kotse no'ng makita kang tatawid sa daan pero unfortunately, hindi ka inabot kaya't 'yung parents mo 'yung nabundol niya", mahinahong sambit niya pero ramdam ko ang galit niya.

"At isa pa, ang kotseng ito ay nagmamanman na sa mansion niyo bago ka pa lumabas", mariing sambit niya sabay gulo sa buhok.

Nadistract na naman ako...

Fudge...

"Kailangan nating imbestigahan 'to araw araw para matapos na at makuha mo na ang hustisya", mariing tingin niya sa akin. Lagi ko siyang makikita kung gano'n? Partners kami kaya araw araw na siyang bahagi ng buhay ko? Fudge 'yung puso ko...

Tama ba? Tama pa kaya ang ginagawa ko? O kailangan kong umiwas? Pero di naman masama eh! As long as I can control myself.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now