CHAPTER 26

3K 52 1
                                    

CHAPTER 26: END

Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula sa lahat ng bagay para hindi na ako ganitong nasasaktan. Parusa ba ito sa akin dahil sa mga nagawa ko noon? Bakit ganito? Can I just smile and be happy without faking it? Can I just live my life alone?

Mabilis ko nang pinaharurot 'yung sasakyan ko patungo sa station kung nasaan ako inimbitahang magkakaroon ng interview tungkol sa mga successful na tao daw dito sa bansang ito. Hindi ako mahilig sa interview pero kailangan eh.

Agad akong napunta doon dahil sa hindi naman gano'n katindi 'yung traffic. Agad akong sinalubong no'ng isang staff na babae.

"Ms. Harlyn, ito po 'yung mga itatanong po sa inyo, pakireview na lang po", aniya saka ibinigay sa akin 'yung isang clipboard na may mga tanong pero ibang tanong ang nakita ko.

'na inlove ka na ba?'

Yes. I'm always in love. Deeply. Kahit imagination lang.

Pinaupo muna ako do'n sa dressing room at tiningnan ang iba pang mga questions. May mga lumapit sa aking mga siguro'y stylist at nginitian ako. Binigyan ko lang sila ng cold expression kaya tumikhim 'yung isa.

"A-ah eh, kailangan mo pa po ba ng retouch?", Tanong no'ng isang bading kaya siniko no'ng isa. Bakas sa kanilang mukha ang pagkakalito. Ibinaba ko 'yung clipboard saka sila tiningnan.

"No, thanks", sambit ko saka sila nag unahang umalis doon.

Hindi ko na alam kung saan ako nabibilang o kung nababagay ba talaga ako sa mundong ito? Shit. It's confusing me!

"Ma'am, start na daw po", assist sa akin no'ng staff saka ako iginiya sa isang pintuang tahimik naman pero rinig ko ang tinig no'ng host.

"So are you excited to meet our guest for today?", Tanong nung host para sa pag uumpisa nung show. Pinaghintay muna ako no'ng staff bago pumasok doon.

"Let's all welcome, the CEO of Lark's real estate, Ms. Margareth Harlyn", anang host saka ako pumasok at naglakad with full of confidence. Bakla pala ang host nito kaya manghang mangha ito sa itsura ko.

"Hindi ko inaasahan na ganito pala ka hot 'yung sinasabi nilang merciless na CEO. Oh shocks", maarte nitong banggit saka ako bineso. Nakipagbeso naman ako kahit na medyo hindi ako komportable sa gano'n ka lapit na anggulo.

"Please have a sit", aniya saka ako umupo do'n sa tapat ng sofang inuupuan niya.

"So can you tell me, sino ba si Margareth Harlyn sa kanilang bahay?", Panimula nito sa akin. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Uh, kung sino 'yung Margareth na nandoon sa opisina, gano'n din 'yung sa bahay. There's no difference between those", pokerface kong sagot kaya medyo naawkward 'yung host.

"Ah-eh... So kilala ka ngang ruthless ng mga tao sa paligid mo, anong naging dahilan nito parang maging gano'n ka?", Sunod niyang tanong. Huminga ako ng malalim bago siya tiningnan.

"May mga pagkakataon talaga kung kailan ka natututo. At sa pagkakataong 'yun, kailangan kong maging gano'n para hindi ako mapabagsak. Minsan kasi pag nakita nilang sobrang bait mo, inaabuso na. So it's better to stay like this. They don't even gain my trust again. Once you are trusted and you just waste it, there's no reason for me to trust you again", kompiyansa kong sagot bago siya muling ngumiti sa akin.

"May kinalaman ba dito 'yung dark past mo?", Tanong nitong halos magpalito sa akin. Alin doon? Yung sa parents o love?

"Syempre. I accepted those things and just moved on. Ginawa ko na lang silang motivation para maabot ko itong kinalalagyan kong ito. Hindi ko naman kasi kailangang mabaon sa past. I need to enjoy my present days and focus on the journey for my future", litanya ko.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now