CHAPTER 27

2.9K 61 1
                                    

CHAPTER 27: MEMORIES

Madilim na ng gabing 'yun ako nakauwi ng bahay. Nagsmudge na ang make up ko at wala akong ganang naglakad patungo sa loob. Hindi ko lang matanggap eh. Masakit. Masakit dito sa puso ko eh. Nadatnan ko si Ney na nag aalalang naglalakad sa sala at nang makita ako ay agad niya akong niyakap. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka ako sumubsob sa kanyang balikat para umiyak at humagulgol.

"I'm sorry", aniya saka hinaplos ang buhok ko ngunit hindi ko kayang magkunwaring okay lang 'yun. Akala ko kasi tanggap ko na. Akala ko kasi wala na... Pero bakit bumalik pa siya? Bakit limot niya ako? Anong nangyari?

Humagulgol lang ako hanggang sa nakatulog ako na nakayakap kay Ney. Nagising ako na mabigat ang mga mata at nasa sofa na habang balot ng kumot. Iginala ko ang mga mata ko at hinanap agad ang cellphone ko na nasa coffee table lang naman. Agad ko 'yung binuksan saka ko muling naaninag ang masayang ngiti namin noon. Wallpaper ko kasi si Eissen kasama ako kaya unti unti na namang tumulo ang luha ko. Kainis naman oh. Biglang bumukas 'yung pinto sa taas at nakita ko si Ney na naka corporate attire na kaya agad na akong bumangon. Mabilis siyang bumaba at dinaluhan ako.

"Wag ka na munang pumasok ngayon", aniya sa tono ng pag aalala.

"Tss. May meeting pa ako do'n kaya papasok ako", sambit ko saka nagmatigas na naglakad ngunit nahapit niya ang aking braso at napaharap ako sa kanya. Nakita ko ang galit sa mukha ni Ney na ngayon ko lang ulit nakita.

"Ano ba, Shanteila? Nagpapakamartyr ka na naman ba? Ano? Susugod ka do'n para masaktan ka lang? Hindi ka niya kilala----",

"KUNG HINDI NIYA AKO KILALA WALA AKONG PAKE!", Dahil sa biglaan kong pagsigaw ay natameme siya saka ako muling huminga ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Wala akong pake kung di niya ako kilala. Edi sige. Alam kong mahal niya ako. Kung may nangyari man sa kanya na naging dahilan para mawalan siya ng memorya, tatanggapin ko. Masakit eh. Sobrang sakit. Kung hindi ko siya ngayon haharapin, kelan? Gusto kong malinawan. Gusto kong malaman kung masaya ba siya. Kahit 'yun lang. Malaman ko lang na okay siya kahit di na ako, tatanggapin ko. Babalikan ko siya", mahinahon kong sambit ngunit wala ng luha ang pumatak mula sa aking mga mata.

"Bakit mo pa siya babalikan kung di ka nga niya nakikilala?", Maingat niyang tanong sa akin.

"Bakit? Kasi ako nakikilala ko pa siya. Saktan niya man ako ng paulit ulit, mahal ko pa rin siya", sambit ko saka siya tinalikuran at dire diretso patungo sa kwarto ko saka naligo at nagbihis na.

Sa paglabas ko ng aking silid ay nakita kong naghihintay pa rin si Ney sa akin sa baba at nang makita ako ay agad siyang tumayo ng tuwid. Naglakad na ako patungo sa kanya.

"Sorry sa nasabi ko kanina", aniya saka ngumiti sa akin at sinuklian ko din 'yun.

"Iimbestigahan ko ang nangyari kay Eissen. Tatanungin ko din 'yung babaeng 'yun", mariing sambit ko saka kami sabay na lumabas at sumakay sa kotse ko.

Pagkarating palang namin ay agad nang bumungad sa amin si Eissen at 'yung Shanteila kuno. Maarte akong naglakad patungo sa kanila saka sila nakipagkamayan sa akin. Medyo nahiya pa si Eissen dahil sa huli naming pagkikita ay hindi ko tinanggap ang kamay niya.

"What takes you for so long?", Maaccent na sambit nung babae. Sa inis ko ay nairapan ko ito.

"It's none of your business, Miss", sambit ko saka nauna nang naglakad patungo sa opisina ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba or what pero alam kong nakatingin sa akin si Eissen at sa tuwing ako ang titingin sa kanya ay mabilis niya itong iniiwas sa akin. So weird.

"So do'n na tayo sa balak niyo", panimula ko habang nakaupo sa swivel chair ko at sila namang dalawa ay nasa harap ko.

"Balak naming muling magtayo ng isa pang paaralan", ani babae saka tumingin kay Eissen na tulala ngayon.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now