CHAPTER 15

3.6K 53 0
                                    

CHAPTER 15: NO

Posible kayang ang dahilan kung bakit ka masaya ay ang dahilan mo din kung bakit ka malungkot? Tama nga naman sila. Posible 'yun. Dahil ramdam ko 'yun ngayon. Di ko alam kung pano ko ba iiwasan ang isang 'yun. Iniisip ko pa lang na umiwas, nasasaktan na ako. Hindi naman ako ganito noon eh. Ayos na sana akong maging manhid sa lahat ng bagay. Okay na sanang cold hearted lang ako. Pero may purpose ba ang pagkakakilala ko sa kanya? Maybe, yes. Unti unti akong gumagaling dahil sa kanya. Pero habang gumagaling ako ay kailangan ko naman siyang layuan. Ayos na sa aking h'wag nang gumaling basta di kami magkakailangan. Pano kaya kung normal ako? Pano kaya kung wala akong condition na ganito? Pagtatagpuin ba kami? Siguro ay makakakita pa naman ako ng taong ganyan kung sakaling walang Eissen Frost sa buhay ko.

Tumigil ang tricycle sa tapat ng cafe at agad na akong nagbayad at bumaba doon. Tumunog ang wind chime dahil sa pagbukas ko no'ng pinto. Napatingin sa akin ang lovebirds na abala sa kani-kanilang ginagawa. Ngumiti sa akin nang malapad si Ney habang tipid naman ang nagmula kay Rodel.

Pumasok na ako sa counter at dinungaw ang relo ko. It's 11:57 AM na. Wala akong ganang kumain kaya naisipan kong mamaya na lang. Sinuot ko na 'yung apron at nagentertain sa costumers. Nang wala nang masyadong costumers ay sinipat agad ako ni Ney na nasa tabi ko.

"Uy, ang tahimik mo ah", puna niya sa akin. Wala din kasi akong balak ngayon sa kung ano man.

"Wala lang", simpleng pagkibit balikat lang ang nagawa ko sa kanya.

"Anong wala? Tulala ka na naman eh. Kumain ka nga muna", iritadong tulak nito sa akin patungo sa likod. Umupo ako do'n ng walang gana habang tinitingala si Ney na nakapamaywang na saking harap.

"Suskong bata ka! Kumain ka na ah. Mukha kang pagod na parang nabreakan", sabay iling nito at nagtungo na sa counter. Nabreakan? Siguro. Nabreakan kahit walang kami gano'n? Siguro nga. Kinuha ko 'yung kanin at ulam at 'yung soft drinks. Nagsimula na akong kumain kahit lutang 'yung isip ko. Hays! Inayos ko muna ang sarili ko bago pumuslit sa counter. Naabutan ko do'n si Ney na abala sa costumer habang nakangiti pa ng sobra sobra. Si Rodel naman ang tagabigay no'ng order nila. May cook naman kaming gumagawa ng mga orders na medyo mahirap kaya di kami nagkakandaletse letse sa hirap. Tatlo lang kami dito para magserve and kung may makuha man kaming tauhan ay pwede nang tatlo. Oh wait? Pwede kaya sila? Maybe. Tatanungin ko na lang sa susunod.

Tumulong ako kay Ney na nakataas ang kilay sa akin. Problema nito? Nang maubos ang costumer sa counter ay bumaling siya sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata.

"May problema ka ba?", Kuryosidad na tanong nito sa akin. Ngumiwi ako sa tanong niya.

"Wala naman. Matamlay lang ako", sambit ko ng walang gana. Bumuntong hininga naman siya at nagkibit balikat na lang. Nakaupo ako habang naghihintay sa mag oorder nang biglang naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko 'yun at binuksan. Halos mahulog ko ang cellphone sa pagkagulat. Shit!

Eissen:
      Babae, pumunta ka.

Dinig ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na din ako. Really, what the fudge?!

Mabilis akong nagtype ng isasagot ko.

Ako:
      I can't. May trabaho ako.

Mabilis pa siyang nakapagreply sa akin. Parang nag aabang talaga huh?

Eissen:
       What? Ba 'yan! Naghihintay ako dito tapos nandito pa 'yung pinsan mong ewan. She keeps on bugging me.

Weh? Weh? May date kayo ah? Edi wow.

Ako:
      Siya na lang kitain mo. Andyan na siya eh.

Nga naman. Bakit siya maghihintay sa akin kahit wala namang kasiguraduhan na darating ako? Eh may iba namang nandyan nang naghihintay lang din ng pagkakataon. Yoko na. It hurts, you know.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now