CHAPTER 24

3.1K 52 4
                                    

CHAPTER 24: GOOD BYE

We don't meet people by accident. They're there because of a reason. A reason that could surprise you upside down.

Patuloy sa pakikipaglaban si Eissen sa mga tauhan ni Dulcellia na patuloy sa pagdami. Dahil sa natamo kong pinsala kanina ay hindi ko siya nakuhang tulungan. Shit! Pilit kong pinapatatag na makakaya niya ito. Natapos na siya sa mga kalaban niya kaya muli niya akong pinuntahan at agad na hinawakan sa mga kamay.

"We can do it, together", assure niya sa akin at tumakbo na para maghanap ng daan paalis sa impyernong ito.

Ngunit nang patakas na kami ay agad na naman akong nanghina at ang huli kong nakita ay ang sabay naming pagbagsak ni Eissen at nakita ko si Yannie na nakatayo sa harap namin habang nakangisi.

Isang maputing pasilyo ang aking nakikita. Isang magarang lugar. Isang simbahan. Nakatayo ako sa may pintuan habang may belong nakatakip sa aking mukha. Wala akong kasama sa aking tabi. Sobrang saya ko habang may mga taong nakatayo sa kung saan saan at nalipad ang aking paningin sa harap ng altar. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Nakikita ko ang isang lalaking naka white tuxedo. Kahit na may harang ang aking mukha, nakilala ko agad siya. Ang pinakamamahal ko. Si Eissen ay masayang nag aabang sa akin. Unti unting niplay 'yung music at dahan dahan akong naglakad sa red carpet habang may hawak na bulaklak.

"Tumingin sa 'king mata,

Magtapat ng nadarama,

Di gustong ika'y mawala,

Dahil handa akong ibigin ka,

Kung maging tayo,

Sa'yo lang ang puso ko",

And in a blink of a moment, I found myself in front of him. He held my hands like there's no tomorrow. We face the altar together with the happiness on our eyes.

Sa bawat bigkas ng pari ay tanging saya ang nadarama ko. Nagbigay kami ng vows sa isa't isa. This is the happiest day ever.

"You may now kiss the bride", anang pari saka dahan dahang inalis ni Eissen ang belong nagtatakip sa mukha ko. Naramdaman kong may munting butil naman ng luhang lumandas sa pisngi ko kaya pinunasan niya 'yun gamit 'yung hinlalaki niya.

"I love you, wife", aniya saka ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.

That's it. Sa kanya ko lang nakikita ang future ko.

Naramdaman kong may pumasok na kung sino dahil sa pagtunog no'ng pintuan kaya dali dali akong nagmulat ng mga mata. Nakita ko si Yannie na may bakas ng dugo sa mga labi at namumula rin ang kanyang pisngi.

"Tss. Wag na kayong magbalak na tumakas pa dito dahil hindi kayo makakalabas dito", aniya sa isang malumanay na tinig. Umupo siya sa isang silya malapit sa may pintuan.

"Bakit mo ba ito ginagawa?", Tanong ko habang mariing hinahawakan ang braso kong natamaan din kanina.

"Hindi mo naman 'yun maiintindihan dahil hindi ka naman mahirap. Kahit ayaw mong gawin ang isang bagay, magagawa mo dahil wala ka ng choice", malungkot niyang tinig ngunit pinanatili pa rin ang kanyang aura.

"Ano na lang iisipin no'ng mga pinsan mo dito?", Tanong ko dahil kahit papaano ay naaawa din ako sa kanya.

"Tss. Tumigil ka na", sigaw niya sa akin. Nagbabadya na ang kanyang luha at may ilang luha na rin ang lumandas sa kanyang pisngi.

"Pa'no mo 'to nakayanan? Plinano mo ba ang pakikipagkaibigan sa akin?", Malupit kong tanong na dahilan para mapahagulgol siya.

"Matagal na akong tauhan ng tiyahin mo. Pero hindi ko inakalang ikaw ang target niyang hulihin ko. Itinuring kitang kaibigan, Eila, pero para sa amin 'yun eh. Mahina sina Mira at Kyla. Kahit na sabihin kong sumali sila dito, wala pa rin 'yung mga pinsan kong 'yun.", Aniya saka humihikbi hikbi na.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now