CHAPTER 17: DATE
Nanatili kami sa bench na 'yun. Panay ang sulyap niya sa akin ngunit tulala pa rin ako. Nilulukob na ako ng kaba na bihira ko lang maramdaman. Hindi naman ako pinipilit na magkwento ni Eissen ngunit parating naninimbang ang kanyang mga mata.
"Uy. Ngumiti ka nga. Ano ba?", Iritadong utos nito sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya kaya't tinaasan niya ako ng kilay. Naibsan ang takot na nararamdaman ko dahil nandiyan siya sa tabi ko.
"Ngumiti na ako oh!", Sabay ngiti ko sa harap niya. Inirapan niya ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri. Muntik na akong matulala dahil mas gwapo pala siya pag messy hair. Hmmmp!
"Ewan ko sa'yo", aniya kaya't napatahimik na lang ako. Napatingin ako sa field at bumuntong hininga. Masaya akong siya ang nakapagligtas sa akin pero sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi ni Doc at ang nakasaad sa dokumento ay parang nanghihina ako. Ganito ba ang feeling ng mabasted ng indirectly? Yung feeling na pinipilit mo ang sarili mo sa taong gusto mo kahit mismong mundo na ang nagdeklarang hindi pwedeng maging kayo?! Ang sakit.
"Hey bakit ang tahimik mo?", Basag nito sa pag emote ko. Binalingan ko siya na nakangiti ng pilit. Ngumuso siya at umirap na naman. Bakla ba 'to? Irap nang irap e!
"Ano namang gusto mong sabihin ko?", Tanong ko balik sa kanya. Humalukipkip siya sa akin kaya't napasinghap na lang ako.
Lumipas ang oras na kwentuhan lang ng konti ang nagawa namin. Sumapit na rin kasi ang uwian at ang ilang gamit ko ay nasa locker room ko pa.
"Eissen, mauna na ako. Pupunta pa ako sa locker room eh", paalam ko sana sabay tayo sa bench.
"Samahan na kita", aniya at tumayo na din. Nasa harapan ko na siya at parang nanliit lang ang sarili ko sa katangkaran niya. Hanggang dibdib niya lang kasi ako. Gosh! This is driving me insane!
"Wag na. Umuwi ka na rin", utos ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Panay ang buntong hininga ko dahil sa lapit niya kanina.
Paakyat na ako sa palapag kung nasaan ang lockers nang mapansin ko ang presensiya ng kung sino sa likod ko. Kinabahan naman ako. Mabilis ang lakad ko ngunit napansin ko rin ang pagbilis ng yapak ng tao sa likod ko. Wala ng masyadong tao sa building kaya't kinakabahan at pinagpapawisan na ako ng grabe. Nang maramdaman ko ang lapit nito sa akin ay napatingin na ako sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang walang tao do'n. Medyo madilim na din kasi do'n kaya't kinakabahan na ako. Baka nagtatago siya sa dilim. Nagtagal ang titig ko sa kung saan saan para maicheck kung nasan 'yung taong sumunod sa akin. Nagulat pa ako nang may nakabangga sa aking estudyanteng paalis na din sa building. Ngayon, mag isa na ako habang may nag aabang na kung sino. Nagtagal ng ilang minuto ang pag aabang ko sa taong sumusunod kanina sa akin. Nang macheck na baka guni guni ko lang 'yun ay nagpatuloy na ako papunta sa locker ko. Nakarating naman agad ako sa locker ko at kinuha na ang susi ko. Nanginginig pa rin talaga ang kamay ko habang unti unting ipinapasok ang susi. Binuksan ko na ito at halos humandusay ako sa sahig sa nakita ko sa loob ng locker ko. Isang pulang envelope na may nakalagay na SNTL sa harap. Gulantang pa rin akong kinuha 'yun at pinunit para makuha ang nasa loob. Isang sulat ang nakapaloob do'n.
Shanteila,
H'wag na h'wag mo kong hahanapin kung ayaw mong mamatay. Take care lil'girl.. *evil laugh*
SNTL
Mabilis kong itinago ang sulat sa locker ko. Tulala pa rin ako at luminga linga sa paligid para hanapin kung sino man ang taong nakagawa no'n. Imposible namang mabuksan niya 'yun na nandito 'yung susi sa akin sa lahat ng oras. What the?
Nagmadali akong bumaba habang dala dala ang bag ko. Eto ang pangalawang beses na may death threat akong natanggap sa iisang araw. At nahihiwagaan pa rin ako sa taong naka itim na 'yun. Posible kayang taga rito lang siya? Posible kayang nasa paligid ko lang siya?
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...