Eissen's POV
I woke up from that dream and it seems so real. Nasa madilim daw akong lugar habang may babaeng tumatawag sa pangalan ko. Eissen? Sa buhay ko, si Lola lang ang tumatawag ng gano'n sa akin. Mabilis ang hininga ko, naalala ko na naman ang pangalang Shanteila. Siya 'yung babaeng tumatawag sa akin. Parang kailangan na kailangan niya ako. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Nasa hospital pa din ako na hindi ko malaman kung ba't ako nandito. Ang alam ko lang na nasa Pilipinas ako, pero ngayon, biglang nasa States naman ako. Just what the fuck?! Nakakabit pa din sa'kin ang mga kung ano at masakit pa din ang mga sugat ko na di ko maalala kung sa'n ko natamo. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Mom at Dad na may kasamang di pamilyar na babae.
"Hey! Are you feeling better now?", Tanong sa'kin ni Mom na naupo na ngayon sa kama ko. I just gave her a cold stare so with the woman they brought here.
"Who's that girl?", Walang emosyon kong tono. Hindi dahil sa interested ako kundi dahil ayoko ng kahit sinong lalapit sa akin. Para kasing lahat sila sinungaling.
"Oh, well! By the way this is Shanteila Rose, she's your fiance", masayang banggit ni Mom. Lumapit naman sa'kin 'yung babae na kung hindi ko lang naalala ulit ang pangalang Shanteila ay baka nasigawan ko na. Niyakap ako nito at maarteng nagdrama.
"I'm so happy that you're awake now, Frost", aniya. Kahit anong sabihin niya, hindi niya nakukuha ang loob ko. Ni walang spark of love. Kasi ang Shanteila na alam ko ay alam kong mahal ko. Where the hell are you, woman?
"Don't come near me. I don't even know you", poker face kong saad. Halata sa babae ang pagkagulat at tiningnan siya ng mama ko.
"Some of your memories were gone. You have amnesia. For now, you should rest and don't stress yourself", biglang pasok ng pinsan kong doctor na si Zalene na siya ring gumamot sa akin. Amnesia my ass! Tss! Tinalikuran ko sila at saka nahigang patagilid.
"Get out", malamig na utos ko dahil sa wala akong balak na makipag usap sa kanila. I lost my memories. Narinig kong nagsinghapan sila at narinig ko na lang ang pagsara nang pinto. Shanteila? Pilit kong inaalala ang mukha nang babae sa panaginip ko. But damn it! Ni hindi ko alam kung bakit nakaratay ako dito. Parang gusto ko na lang laging matulog para makasama 'yung babaeng 'yun kahit sa panaginip lang.
Lumipas ang ilang linggo nang makalabas na ako sa ospital. Agad kaming nagtungo sa mansyon ngunit wala pa ring nagbago. Di man lang ako nabubuhayan ng loob. Psh!
Naikwento na din sa akin ng mga magulang ko ang nangyari. Na ako daw ay nakidnap at mabuti na lang ay may mga tumulong sa akin. Patay na daw ang mga taong kumidnap sa akin. Pero bawat gabi ay naririnig ko ang hikbi ng babae sa panaginip ko. Hinahanap niya ako, nangungulila siya sa akin. Lumipas ang isang taon na hindi ako nakakausap nang maayos. I mean, I gave them the cold treatment they deserve. Kahit ang babaeng fiance ko daw ay hindi ko pinapansin. Mukha siyang bitch. Hindi ko din siya tinatawag na Shanteila kasi hindi ko mafeel na siya 'yun. Matapos ang isang taon ay naging okay naman ako. Walang gabing hindi ko napanaginipan 'yung babae. Malabo ang mukha niya pero dama ko 'yung saya ko sa kanya. Yung tawa niya, 'yung pagsusungit niya, damn! I'm really in love with that woman.
"Zalene, sa tingin mo, sino kaya 'yung babae sa panaginip ko?", Tanong ko sa pinsan ko na siyang gumagabay sa akin para mabilis na maibalik ang alaala ko. Umiinom ako nang alak sa counter habang siya naman ay abala sa kanyang iPad. Nilingon ako nito na walang bakas na emosyon ang mukha.
"Maybe she's part of your life...part of your memories", aniya saka ako bumuntong hininga. Gusto kong umuwi sa Pilipinas pero nauuwi lang sa sagutan kapag nagpaalam ako sa mga magulang ko.
"How many times do I have to tell you that Philippines is not a safe place for you", sigaw sakin ng mom ko. Hinilot ko ang sentido ko dahil sa inis.
"But that's the only place where I can find the answers to my fucking questions... Hindi niyo nga masagot sagot eh!", Balik ko ngunit nasampal niya lang ako.
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...