CHAPTER 32

3.1K 52 3
                                    

CHAPTER 32: NO

Kinaumagahan no'n ay bumalik na ako sa bahay namin. Tinakpan ko na lang ng concealer ng pinsan ni Eissen ang leeg ko dahil baka kung anong isipin ni Ney.

"Oh ba't ngayon ka lang? Sa'n ka galing?", Tanong ni Ney sa akin nang makapasok ako sa kusina para kumuha ng makakain. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan at ngumunguya pa ng tinapay.

"Kasama ko si Eissen", paliwanag ko saka uminom ng tubig. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko saka ngumiti ng nakakaloko.

"Eissen pala ah! May meeting ka ngayon diba?", Tanong nito sa akin. Tumango lang ako saka umupo sa harap no'ng counter saka kumain ng tinapay.

"Maliligo at magbibihis lang ako", paalam ko saka umakyat na sa kwarto ko. Mabilis kong binuksan 'yung cellphone ko saka ko nakita ang ilang mensahe mula kay Eissen. Napangiti ako dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon. Agad akong pumasok sa banyo para maligo at pumasok na sa opisina. I glanced at my watch as I check for the time. Agad kong inayos ang sarili kong nakablack ripped pants lang at black turtle neck shirt with my heels up. Kinuha ko na 'yung bag ko saka ako bumaba at naabutang nakaready na din si Ney at gano'n din si Rodel na parehong naka corporate attire.

"Let's go?", Tanong ko sa kanila.

"What's with black? Dapat pula para nagsisigaw ng pag ibig", tukso ni Ney sa akin na may halong aksyon pa. Tinawanan lang siya ni Rodel saka sila naunang naglakad papunta sa garahe at sumakay na sa kotse ni Rodel. Sumunod naman ako at sumakay na din sa kotse ko. Palabas ako nang garage nang maitigil ko ang sasakyan ko. Agad akong bumaba sa kotse ko at dinaluhan ang lalaking nakasandal ngayon sa kanyang kotse suot ang button down shirt. Nang makitang papunta na ako ay diretso niya hinubad ang kanyang shades. Takte! Ang hot!

"Akala ko ba may meeting ka?", Tanong ko dito dahil kasasabi niya pa lang kahapon na maaga ang kanyang meeting.

"Meron nga. Meron tayong meeting do'n sa opisina mo, right?", Paalala nito sa akin. Bigla ko namang naalala na ngayon pala 'yung meeting namin about do'n sa lupang binibili niya.

"Mauna ka na, susunod na lang ako", paalam ko. Niyakap niya ako bigla at saka itinulak papasok sa kotse niya. At saka siya umikot papuntang driver's seat.

"Dadalhin ko 'yung kotse ko baka gabihin ako mamaya eh", maktol ko sa kanya. Ngumiti lang siya saka inistart ang engine.

"Edi ihahatid kita! Basic", hambog niyang sambit kaya wala na akong nagawa kundi ang umirap sa kanya.

Agad din naman kaming nakapunta sa building ko at kahit sa basement pa lang ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Binati ako ng mga staff at ng mga guard saka kami tumungo sa elevator at pinindot na ang numero ng palapag kung nasaan ang opisina ko.

"Can I hug you?", Lakas loob na tanong ni Eissen na nakatayo sa likod ko.

"No. May CCTV camera", sambit ko dahil kahit kaming dalawa lang ang nasa loob ay may nagmomonitor ng CCTV footage kaya baka may makakita pa din sa amin. Hindi naman ako takot na makita kami, ayoko lang mahusgahan ng mga taong walang pakundangan sa pagjudge.

"In your office? Can I hug you?", Pangungulit nito.

"Still a no", agap ko saka ko narinig ang pag ting ng elevator hiwatig na nasa palapag na kami ng opisina ko.

Nauna akong naglakad at sumunod naman siya. Walang ibang cubicle sa palapag na 'yun dahil okupado ito ng opisina ko at 'yung kay Ney at Rodel lang. Agad kong nakita 'yung dalawa sa kanilang opisina na kakapasok lang saka ako naglakad papunta sa opisina ko. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay lumantad na sa akin ang bouquet of roses sa table ko na halos tabunan na ang mga gamit ko do'n. Tumingala ako kay Eissen at ngumiti lang siya.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now