CHAPTER 14

3.6K 56 0
                                    

CHAPTER 14: BETTER

Nagising ako na maganda ang pakiramdam. Hinagilap ko 'yung cellphone ko sa table sa tabi ko at binuksan 'yun. Nagulat ako na may 37 missed calls at 13 messages and guess what? Kay Eissen lahat 'yun. Binasa ko lahat ng texts niya at nakakagat ko na lang ang labi ko sa kakapigil ng ngiti. Ang huling message niya sa akin ay halos tumawa na ako ng sobra.

Eissen:
       Huy babae. Pag di ka pumunta bukas hindi na kita papansinin. Umayos ka. Ikaw ang ilalock ko sa room. Babae ka!  Bumawi ka sa akin.

Yung sweet na lalaki kagabing kachat ko, nauwi sa dating Eissen na kilala ko. Well, imbes na mainis ay mas natawa lang ako. Mabilis akong naligo at nagbihis na. Simpleng jeans lang ang suot ko matched with a plain black shirt. Pinatuyo ko muna ang kulot kong buhok na mahaba na ngayon gamit 'yung blower. Humarap ako sa salamin at gumamit ng powder sa mukha at liptint. Half ponytail lang ang ginawa ko sa buhok ko at lumabas na dala ang sling bag ko. Nakapagpaalam naman ako kay doc na pupunta ako sa kanya. Kailangan ko talagang magpatingin na dahil iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko. Palabas na sana ako ng mansyon ng makita ko yung mag ina sa may garahe.

"Oh Eila, saan ka pupunta?", Taas kilay na tanong sa akin ni Kana na ngayon ay nakatube top at black skirt with her semi boots. Pulang pula din ang labi nito at makapal ang eyeliner at halatang masterpiece 'yung kilay niya.

"Hayaan mo na 'yan, anak. Alam mo namang may sariling mundo 'yan", parinig sa akin ni Tita Dulcellia na ngayon ay abala sa kanyang anak.

"Sige, Mommy. Text na lang kita kung nando'n na si Frost", sabay halik ni Kana sa pisngi ng ina. Bumuntong hininga ako at nauna na sa paglalakad palabas sa gate. Todo kakasilbato no'ng sasakyan namin dahil di pa ako nakakalakad palabas sa gate. Umiling na lang ako at tumakbo. Umabang na ako ng masasakyan patungo sa clinic ni doc. Maaga pa naman kaya may masasakyan pa ako.

Nang may napadaan na tricycle ay agad na akong pumara at pumasok. Sa loob ng mga taon na wala ang mga taong importante sa akin ay parang naging ibang tao ako. I mean, ang dating Eila ay bulakbol, spoiled, maarte, palakaibigan, mapili, o kahit ano pang katangian ng literal na spoiled brat. Tanda ko pa no'n na dresses, skirts, cropped tops, spaghetti straps dress, short shorts, pumps, boots and high heels. Noon, ang mukha ko ay madalas nakadark shade make ups, makapal na eyeliner, nakakilay, blush on, red lipstick at accessories. Ngayon ibang iba na. Yung dating di man lang magbuhat sa kusina ay ngayong serbidora na. Madalas kong maisip na parang si Cinderella lang ako na dating Prinsesa na ngayon ay pinagmalupitan na ng madrasta, pero tiyahin sa buhay ko. Napatingin ako sa salamin sa tricycle. Nakita ko sa repleksyon ko ang di kilalang babae. Isang babaeng simpleng mukha, simpleng damit na di mo aakalaing dating malakas ang dating sa fashion. Yung heels, wala na. Puro flats ang suot ko minsan nga ay sneakers. Mula no'ng inatake ako ng takot sa pag ibig, iniwasan ko ang mga bagay na nagpapaalala sa dating ako. Takot. Takot sa sarili. Ayoko nang ungkatin ang dati pero kailangan.

Never forget the lessons the past taught you.

Pinara ko na 'yung tricycle sa tapat ng clinic ni Doc. Pumasok na ako at umakyat sa building kung nasaan ang office niya. Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko siyang nakahilig sa kanyang upuan habang matamang tinitingnan ang kanyang iPad.

Si Doctora Alison Santiago. Nakilala ko siya no'n no'ng umiiyak ako sa park dahil sa mga emosyong di ko makontrol. Nilapitan niya ako at tinanong ng problema ko. Di ko pa no'n alam na doctor siya. Mangha pa ako sa kanya dahil maganda siya kahit na alam kong nasa 30s na siya. She looks matured. Yung mahaba at straight na blonde niyang buhok, ang magandang feature ng kanyang mukha, ang inosente niyang aura, ang tangkad niya, ang curve ng katawan ay masasabi mong nasa mid 20s lang siya. Nakasuot siya no'n ng dress at nakabraid pa ang buhok. Kinausap niya ako ng kung ano ano at pinasama sa kanyang clinic. Mabilis ko siyang pinagkatiwalaan.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now