CHAPTER 12: INTRUDER
"Hindi malinaw 'yung sa may part ng plate number pero halatang hindi numero ang nakaukit do'n", aniya habang abala sa pagpause ng video. Tiningnan ko rin 'yung sasakyan at klinaro ang mga letra sa unahan no'n.
S N T L
Hindi ko alam kung ano 'yun pero gulo pa rin ang utak ko. Sabayan pa ng katabi kong distract na distract ako.
Holy fudge!
"May kilala ka bang may initials na SNTL sa pamilya mo? Or sa mga close ng mama at papa mo?", Agaw ni Eissen sa atensyon ko. Nag isip ako ng pwede pero wala talaga akong maconclude. Titig na titig siya sa akin kaya't umiwas ako at umiling.
"Wala eh... Wala akong close masyado", kibit balikat ko. Akala ko iiwas na siya ng tingin pero nanatili lang ito na parang may dumi ako sa mukha ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngunit parang wala lang sa kanya. Ngumiti siya at lumayo nang bahagya sa akin. Nakita ko si Kana na natigilan sa nakita sa amin. Ngumiti siya sa akin at maarteng naglakad papunta sa mesa namin.
Yumuko siya at niyakap ako.
Weird...
Tss.
"Oh! Hi, cousin!", bati nito sa akin at pumagitna sa amin ni Eissen. Ngumiti ito at bumaling sa katabi ko.
"Close pala kayo ng pinsan ko, Frost", maligayang sambit nito at yumuko pa para tingnan si Eissen nang mas klaro. Umirap ako sa kawalan at nagpasyang umalis na do'n. Inayos ko ang mga gamit ko ngunit tinulungan ako ni Eissen. Aksidenteng nahawakan niya pa ang kamay ko kaya't nagkatitigan kami. Umismid si Kana kaya't napaiwas kami ng tinginan ni Eissen. Nakalimutan ko ring nandito pala 'yung pinsan ko. Natapos ako sa paglalagay ng gamit sa bag at nagpasyang umalis. Nilagay ko sa isang balikat ko 'yung back pack.
"Insan, aalis ka na?", Tanong sa akin ni Kana na nakakunot ang noo. Tumango lang ako at naglakad na.
"Sasama ka ba sa kanya, Frost?", Tanong nito kay Eissen na sumusunod na sa akin.
"Oo. Next time na lang, Kana", sambit nito. Wooh, magkakilala sila huh? Literal na maraming kilala ang lalaking ito dito. Malamang duh.
Sa kanya itong paaralan na ito eh.
Mabilis akong naglakad patungo sa locker room para iwan do'n ang ibang gamit ko at kunin ang ibang libro ko para sa sunod na klase. Napansin kong nasa gilid ko na si Eissen habang nakahalukipkip at mataman akong tinitingnan. Binalingan ko siya at kinunutan ng noo.
"Bakit ka nandito?", Tanong ko sa mahinahong tono. Nagkibit balikat lang siya at di man lang umaalis sa gilid. Mamaya baka ano pang isipin ng mga nakakakita dito sa amin. Kung normal sigurong lalaki lang ay papabayaan nila pero iba 'tong nasa gilid ko. Si Eissen Frost lang naman ito.
Lang?
Sinong niloloko mo Eila? Tss.
"Wala ka bang pasok?", Nakataas kilay ko siyang tinanong. Umiling lang siya sa akin pagkatapos ay sinarado ko na ang locker ko.
"Wala. Nando'n nga si Kana sa library eh. Kaklase ko kasi 'yun sa period na 'to", aniya. Tumango lang ako at nagpaalam na para mapunta sa susunod kong klase. Literature ang subject namin ngayon. Minor subject ko lang pero dapat ding iprioritize. Umupo na ako sa pinakadulo dahil wala akong close dito. I mean wala talaga. Isang tao lang ang masasabi kong 'close' ko.
"Magkakaroon tayo ng groupings para sa PowerPoint presentation niyo to be submitted before the end of this semester", striktong sambit ng Prof namin.
Binanggit na niya ang magkakagrupo. Sa di inaasahang pagkakataon, naging kagroup ko 'yung tatlong nerd na madalas ko ring kagrupo sa ibang klase namin. Ngayon ko lang napagtanto na halos lahat ng subjects ko ay kaklase ko sila. Dahil bad mood 'yung prof namin ay pinagamit niya sa amin ang dalawang oras niya para sa PowerPoint kahit na may dalawang linggo pa kami para do'n. Medyo marami raming research din kasi ang kailangan. May guide questions din na dapat ijustify 'yung answers para mahook up do'n sa nasearch namin. Kaya siguro pinasimulan na niya ito ngayon dahil apat lang ang members ng bawat grupo.
Lumapit yung tatlo sa akin pero di ko pa rin talaga sila kilala.
"Pwede bang umupo rito?", Tanong no'ng medyo mahiyaing babae. Cute siya, may bangs at medyo chinita. Di nga lang katangkaran pero maganda siya.
Tumango ako at sinuklian niya ako ng tipid na ngiting may hiya.
"Hi! Ako pala si Yannie. Nice to meet you", sambit naman no'ng isang babaeng matangkad na kulot kulot 'yung buhok. Maganda din siya. Di ko nga alam bakit nerdies ang tawag ko sa kanila eh wala naman silang malalaking salamin, sadyang sa libro ko lang siguro ibinase kasi naman medyo marami rami silang librong dala at minsan ko na ring nakitang nabully ang mga ito pero ang isang 'to ay medyo maingay. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko 'yun.
"Eila", pakilala ko at ngumiti na siya sa akin. Ang sunod na lumapit ay ang feeling kong medyo maarte. Maybe? Nakataas kasi ang kilay niya. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo. May maitim at maikling straight na buhok, payat, maputi. Maganda sila, definitely! Ngumiti siya sa akin kaya't napawi 'yung first impression ko sa kanya.
"Ako si Mira, 'yung nauna naman si Kyla", aniya at umupo na rin sa tapat ko.
"Sinong leader natin?", Tanong ni Yannie at binalingan kami isa isa.
"Ay di ako pwede niyan", mahinhing sambit ni Kyla. Ngumiti lang siya sa akin.
"Ayoko din niyan, Yannie", malamig na sinabi ni Mira. Well I guess, kaya ko 'to.
"Ako na", boluntaryo kong sabi. Napapalakpak na si Yannie sa sinabi ko at tumango naman 'yung dalawa.
"So ako na nitong topic, sa'yo naman itong isa Kyla tapos Yannie, ito ang sa'yo", sabay turo ni Mira sa mga dinivide na topic.
"Ako na gagawa no'ng presentation tapos ako na bahala no'ng naiwang topics", sumang ayon sila sa akin kaya't tumango na lang ako. Komportable naman silang kasama pero tulad nga ng sinabi ko ay di pwedeng magtiwala agad.
Tatlong araw ko na silang kasa-kasama. Si Yannie ang mahilig mag ingay. Si Kyla naman ay nakikitawa lang at bihirang magsalita habang si Mira naman ay balanse sa behavior no'ng dalawa. Back then, ang mga kasama ko ay 'yung mga spoiled brats na girls tapos 'yung mga sunod sa layaw but now, they're different. But that's okay. As long as they're not toxic.
"Alam mo, masyado talagang dikit 'yang babaeng 'yan sa lalaki", sabay turo ni Yannie sa likod ko. Napalingon ako do'n at nakita ko si Kana na may kausap na lalaki. Nandito kasi kami ngayon sa canteen dahil lunch break na.
"Tss... Bully din 'yan eh. Kala mo naman ang ganda", sabay irap ni Mira habang may hawak na libro.
"Oo nga eh", mahinang sambit ni Kyla. Nilingon ko silang dalawa at ngumisi lang sa akin si Kyla.
"Uy si Frost", sambit ni Yannie. Naglingunan ang tatlo sa likod ko. Lilingon sana ako pero hindi ko kaya. Parang may kung ano sa katawan kong weird at nasisiyahan na nadyan siya. Fudge. Fudge.
"Hala papunta siya dito sa canteen", nakangising sambit ni Kyla. Maarami talagang nagkakacrush sa kumag na 'yun eh...
Buti na lang, I'm an exception haha!
"Tanginang lumapit pa 'yung higad. Papunta na sana dito eh", reklamo ni Mira kaya walang pasubaling akong napalingon. Para akong nababaliw o 'yung isip or what. Basta di ko alam. It's weird! Nakita kong lumapit si Kana kay Eissen habang kunot noo naman itong bumaling sa pinsan ko. May ipinakitang papel si Kana dito at hinila si Eissen. Naglibot ang mata ni Eissen sa canteen at tumigil nang makita ako. Nag aalinlangan siyang sumama kay Kana kaya't umirap ako at umiwas ng tingin. Nang ibinalik ko ang tingin ko ay nakita kong marahas na hinawi ni Eissen 'yung kamay na nakahawak sa braso nito. I smirked. What? Shit! Bumalik 'yung titig niya sa akin at ngumisi. Nag init ang mukha ko at nginitian siya ng simple. Nauna siyang naglakad patungo sa amin habang si Kana ay naiwang tulala. Tss.
I think there's something going on here? An intruder?
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...