CHAPTER 29: THREE YEARS
Dumating ako sa bahay na may ngiti sa mga labi. Naagaw lang ang atensyon ko nang tumikhim si Ney na nasa sofa na ng bahay ko at nanonood ng kung ano sa TV habang may hawak na popcorn ang mag asawa. Sana all sweet!
Paakyat na sana ako ng hagdan nang muling tumikhim si Ney kaya tiningnan ko na ito at nahuli ko siyang nagpipigil ng ngiti.
"Bakit niyo ba ako iniwan kanina, huh?", Tanong ko. Kumain muna si Ney ng popcorn bago humarap kay Rodel saka tumingin sa akin.
"Eh 'yun ang utos ni Frost eh. At tsaka mukhang maganda naman 'yung kinalabasan ng pang iiwan namin e", saka siya tumawa kaya inabot ko 'yung isang throw pillow at binato ko sa kanya. Boom naglanding sa mukha. Napatawa pa ako nang makitang asar na asar siya.
"Aish... At kelan ka pa natutong tumawa?", Pigil na ngiti niya ulit at nag iinis inisan. Napatigil naman ako sa tawa ko dahil sa sinabi niya saka ako bumuntong hininga.
"Sabi na nga ba eh, siya lang makakagamot niyang sugat na naiwan niya sa puso mo", nakangiti na siya ngayon sa akin kaya ngumiti lang ako saka tumango.
"Salamat...ate", sambit ko na nagpatili kay Ney kaya niyakap na niya ako ng mahigpit saka nakisali si Rodel na parang kapatid ko na rin.
"Dalaga na bunso natin, Rodel", ani Ney kaya sinamaan ko na ng tingin saka ako nagpaalam na aakyat na sa kwarto ko. Habang paakyat ako ay di ko napigilang di mapangiti dahil sa nangyari sa araw na ito. Hayysss!
Nahiga agad ako sa kama ko saka tumingala sa kisame ng bahay. Baka naman ito na ang hinihintay kong pagkakataon para maayos ang mga nangyari sa loob ng mga taong 'yun. Makakatulog na sana ako nang biglang magvibrate ang phone na nasa bulsa ko. Istorbo naman oh!
"Hello?", Paunang sabat ko sa tumatawag.
"Ma'am, your gig will start at exactly 8 PM", saad ng nasa kabilang linya.
"Huh? Akala ko ba mga 6 PM ang start ko?", Takang tanong ko. Dati kasi gano'n ang oras ko ng pagtugtog.
"Ay nabago na po. May isang gig ka po kasing di napuntahan", sambit nito.
"Oh I see", Yun lang sinabi ko saka pinatay ang tawag. Naalala ko tuloy 'yung pagtugtog kanina ni Eissen. Shit! Ulit ulit na nagpiplay sa isip ko 'yun eh! Maaga pa naman para pumunta do'n sa gig ngunit wala naman akong magagawa dito sa bahay. Tss. Ang boring talaga. Kaya naisipan kong lumabas na lang kesa magkulong dito sa kwarto. Agad akong naligo at nagpalit ng simpleng t shirt at pants pati sneakers saka kinuha 'yung bag ko. Hindi pa rin tapos sa panonood si Ney at Rodel na prenteng nakaupo do'n sa sofa.
"Oh sa'n ang punta?", Tanong ni Rodel.
"Mag iikot lang", sagot ko.
"Aba! For the first time in forever", kanta kanta pa ni Ney na nang aasar na naman.
"Alis na ako", paalam ko saka pumunta sa garahe at kinuha 'yung sasakyan ko saka pinaharurot. Wala akong alam kung saan ako magsisimulang mag ikot kaya inienjoy ko na lang 'yung pagdadrive. Ewan ko pero napunta ako sa park kung saan ang daming batang naglalaro kasama 'yung mga pamilya nila. Napasmile na lang ako nang dahil sa mga nakikita ko. Naupo ako do'n sa may bench at nagsimulang isalpak ang earphones sa tenga ko at nagplay ng music. Naramdaman ko na lang na unti unti na akong inantok at nakatulog.
Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang feeling ko, safe na safe ako. Bigla na lang akong nagising at napaayos ng upo ng maalalang nakatulog pala ako at tiningnan kung kaninong balikat 'yung napatungan ko ng ulo ko.
"Buti na lang gising ka nang babae ka", pamilyar ang boses nung lalaking nagsalita. Hindi ko alam kung guni guni ko lang o talagang namimiss ko lang si...
YOU ARE READING
Amidst Hatred
RandomShanteila Margareth Harlyn is carrying a rare case of fear called the philophobia. She's afraid to love, to feel the love and afraid to feel the normal feelings she had before. She let herself invaded with sorrow and hatred within her heart. But af...