CHAPTER 16

3.5K 49 0
                                    

CHAPTER 16: THREATS

Sumunod agad siya sa akin sa paglalakad at hinigit ang braso ko. Napaharap ako sa kanya at muntik pang mabunggo sa kanyang dibdib. Ang sinag ng buwan ay mas lalong nagpadepina sa down on Earth na kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko ngayon. Masyadong misteryoso ang kanyang mga mata.

"No? Tapos tinalikuran mo'ko?", Sumbat nito sa akin. Sinubukan kong bawiin ang braso ko ngunit malakas ang kapit niya doon.

"Uuwi na nga kasi ako", paliwanag ko. Ang lalaking nasa harap ko ay ibang iba sa lalaking kinatatakutan sa school. Ang lalaking ito ay mahinahon at di tulad ng sa school na cold at nakakatakot ang aura. Unti unting naging maluwang ang kapit niya sa akin. Parang gusto ko tuloy 'yung mahigpit. Hihi.

"Tss. Tapos kanina, iniwan pa ako sa table eh di na nga sumipot", gamit ang nagtatampong boses niya ay napangiti ako. Suminghap naman siya at binitawan na ako. Nakapaymawang na siyang nakaharap sa akin.

"Anong ningingiti ngiti mo dyan?", Akusa nito sa akin. Umiling ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod naman siya habang panay ang bulong niya. Nang nakita ko ang kanyang sasakyan ay mabilis ko siyang hinarap.

"Umuwi ka na, Eissen. Mag iimbestiga pa ako sa kaso. Sa Lunes na lang tayo mag usap", sambit ko at itinulak na siya patungo sa sasakyan niya.

"Bakit sa lunes pa eh may cellphone naman. Tss", bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa din. Pumasok na siya sa kanyang kotse at inofferan pa ako na ihatid na ngunit tumanggi ako dahil medyo malapit naman 'yung sa amin.

Humarurot na ang kanyang sasakyan at nagsimula naman akong maglakad. Tiningala ko ang mga bituin at nakita ang isang shooting star. Di ba sabi nila, kapag daw nakakita ng ganyan ay humiling daw at magkakatotoo? Alam kong pangbata siya pero wala namang mawawala di ba?

"Pwede bang gumaling na lang ako nang di iniiwasan si Eissen?", Bulong ko sa mga bituin.

Pwede naman siguro di ba? Biglang sumagi sa isip ko ang Eissen bago pa kami magkakilala. I mean, anong klaseng lalaki siya? Ganito ba siya sa lahat ng babaeng kilala niya? Bakit nakuha niya agad 'yung tiwala ko? Anong meron sa kanyang naramdaman ko na wala sa iba? Damn it.

Pagkapasok ko sa mansyon ay nakita ko na ang maarteng titig ni Kana sa akin. Parang minumura na niya ako sa isipan niya.

"Epal mo talaga 'no. Doon ka ba nagtatrabaho ah?", Mariing sambit nito sa akin. Binalingan ko siya ng malamig na titig.

"Oo. Bakit? Maapply ka?", Balik ko sa kanya. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha. Nang walang maisip na sagot ay nagwalk out ito at padabog na umakyat sa hagdanan.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Lumabas lang ako ng kusina para kumain kahit na busog pa naman ako. Mabilis naman akong natapos at nagligpit na. Muli akong pumasok sa kwarto at naghanda na para matulog.

Nahagilap ng mga mata ko kung nasaan 'yung mga dokumentong 'yun. Lumapit ako sa kama at binuksan ito.

Rare case of philophobia

Name of patient:
            Shanteila Margareth Lark Harlyn

Date of birth:
            April 23, 1998

Marami pang nakalagay do'n sa unang page. Nag isip ako kung bakit nando'n na agad 'yung records ko. Gano'n na ba 'yun kalala? Ang sumunod na pahina ay tungkol sa iba pang pasyente. Ang pinakahuling pasyente ay sinabing namatay dahil sa di nakontrol na emosyon. Kinilabutan naman ako do'n.

May kulay blue na cover ang sunod na pahina at agad ko yung binuksan.

Symptoms, Rareness, How to avoid

Amidst HatredWhere stories live. Discover now