CHAPTER 20

3.2K 61 2
                                    

CHAPTER 20: TRUTH

Di ko maisip na matutuwa ako sa nangyari. Natapos kami sa pagsisine at napagpasiyahang umuwi na. Ang dami niya pa ngang biniling pagkain para daw pag nagutom ako, may makain daw. Tss. Para namang hindi ako sa cafe nagtatrabaho. Alas singko na nang makapunta na kami sa cafe. Tulala sina Mira at Kyla nang makita ang kasama ko sa likod.

"Tententeren", kantyaw ni Ney with matching patango tango pa ni Rodel. Umirap ako at hindi pa rin maalis sa mukha ng dalawang nerd ang pagtataka.

"Bakit magkasama kayo ni Frost?", Tanong ni Kyla. Pabulong. Umismid si Eissen sa likod ko.

"Una na ako", sambit nito at tinanguan ko na. Halos mabali naman ang leeg nila Ney habang sinusundan ang kotseng pinaharurot ni Eissen.

"Hep hep. Ano 'yun?", Usisa ni Ney sa akin nang magtungo ako sa likod.

"Ah wala", kibit balikat ko.

"Yan ba yung kaibigan na sinasabi mo?", Pangiti ngiti nito sa akin. Napatawa na ako at gustong sabihin ang totoo.

"Nanliligaw", simpleng sagot ko. Tumili naman si Ney kaya tinakpan ko na ng palad ko ang kanyang bibig. Nang okay na ay inalis ko 'yun pero isang panibagong tili na naman ang pinakawalan niya.

"Omggggg kasal na kayo?", Patili nitong tanong. Inirapan ko na lang siya at dumiretso na sa counter. Hindi pa rin maalis sa akin ang titig ni Kyla at Mira.

Lumipas ang oras at dumating na ang panahon para umuwi ako. Habang nasa daan ay hindi ko maalis ang pagngiti dahil sa nangyari ngayon.

Ngunit ang ngiting 'yun ay nawala nang marinig ko ang malakas na pagkabasag ng kung ano mula sa mansyon. Mabilis akong nagtungo doon at nakita ko si Kana na hawak na ang dokumento na pinakaiingat ingatan ko. At ang sikreto ko. Halatang galing sa pag iyak si Kana dahil sa namumugto nitong mga mata.

"Philophobia. Now I know. Iiwan ka rin ni Frost pag nalaman niya na ang kanyang mahal ay hindi marunong magmahal", sigaw nito sa akin.

"Ibalik mo 'yan sa akin", sigaw ko. Hindi ko maintindihan pero parang natakot ako sa kanyang sinabi. Fudge.

"I don't want to", mukha na itong baliw sa paghalakhak. Pilit ko 'yung inagaw ngunit hindi ko pa rin ito makuha. Lumabas siya ng bahay dala ang dokumento na iyon. Napasalampak ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod. Shit. This can't be happening.

Napunta ako sa kwarto ko at doon nahiga at tumingala sa kisame. Biglang nagvibrate 'yung phone ko at mabilis ko iyong kinuha. Isang mensahe mula kay Eissen. Gusto ko nang sabihin ang totoo bago pa niya ito malaman sa iba.

Eissen:
Sleep tight, babae <3

Ganyan ka pa rin kaya kung malaman mo iyong totoo? Babawiin mo na ba 'yung singsing kung mapagtanto mong mali ka sa pinagkatiwalaan mo? Hays.

Nakatulugan ko na lang 'yun at nagising dahil sa may pasok pa ako.

Nang makarating ako sa University ay kinuha ko na sa guard 'yung mga librong naiwan ni Eissen kahapon dito. May halong kaba ang nararamdaman ko na baka alam na ni Eissen ang lahat. Shit.

Pero nawala ang lahat nang makita ko itong pacool na ngumingiti sa akin sa tapat ng building namin.

"Hey", bati nito sa akin. Lumapit ito at nagkasabay kaming maglakad.

"Oh?", Tanong ko naman.

"You're blushing", aniya at kinurot ang pisngi ko. Inaway ko na dahil nasasaktan ako. Sa sandaling iyon ay medyo nabawasan ang aking iniisip at napahinga nang maluwag.

Abala kami sa bangayan nang bigla akong mapatulala nang makita ang nakavandal sa dingding.

'ROT IN HELL EILA'

Amidst HatredWhere stories live. Discover now