CHAPTER 22

3.3K 55 0
                                    

CHAPTER 22: STAY

Inililibot ako ni Eissen ngayon dito sa buong mansyon niya.

"12 years old ako nang una akong magtrabaho. May sariling kompanya ang lola ko at doon ako nagtrabaho. Ako ang kalimitang nag aayos ng mga dokumentong papipirmahan ni Lola. Hindi naging madali ang lahat dahil di ako pinayagan ni Lola na magpakilala bilang isang Vancleef para hindi magkaroon ng favoritism sa opisina. Naging mahigpit sa akin si Lola na bawat mali ko ay kailangan kong pagbayaran", nakangiting kwento nito at nagtungo kami sa isang secret room na kung saan bumungad sa akin ang mga larawan ng kanyang lola at ang mga gamit siguro niya no'ng bata pa siya. May mga libro din doon at kwarto na sa tingin ko'y kanya.

"Hindi pinapalampas ni Lola ang bawat mali ko. Pero pagdating namin sa bahay ay babawi naman siya at hihingi ng tawad. Kahit na CEO pa siya no'ng kompanya, nagkakaroon siya ng time para sa akin. Di tulad ni Dad at Mom na halos di na umuwi kakatrabaho.", Malungkot niyang banggit. Hinawakan ko ang isang frame kung nasaan ang picture nilang dalawa no'ng bata pa siya.

"So no'ng nakita ni Lola na nandyan na si Daddy at Mommy ay sinabi na niya sa akin na meron na siyang taning. Iyak ako no'n nang iyak na walang makapitan. Kahit na anong makuha ko ay ibabato ko. Tapos 'yun na nga. Namatay siya. Noong una di ko natanggap. Hanggang sa nakabangon ako na nikatiting ng pagmamahal ay wala sa ugat ko. Nagtrabaho ako nang nagtrabaho habang nag aaral. Ako ang umaayos sa kompanya ni Lola at finally, nagpakilala na ako bilang isang Vancleef. Hindi naman nakialam si Daddy sa lahat ng ito kaya okay lang", paliwanag niya ngunit alam kong may lungkot pa rin sa kanyang mga mata.

"So bakit naging itim 'tong bahay mo? Masyado ka bang bitter?", Sa kuryosidad ko ay di ko na napigilan pang di magtanong.

"Puti ito noon eh. Si Lola kasi 'yung pumili nitong bahay ko pero no'ng namatay siya ay ginawa kong itim", aniya at ginulo 'yung buhok ko.

Bakit siya kahit gano'n, hindi siya nagkaphilophobia? Siguro kasi alam niyang meron pa siyang mababalikan na magulang. Di tulad ko na ubos na. Bilib ako sa mga taong kahit na may pinagdadaanan eh nagagawa pa ring bumangon kahit minu minuto ay nasasaktan ng nakaraan. Siguro siya na 'yung way ko para matanggap ko na rin sa sarili ko ang mga nangyari noon at makaalis sa seldang tinatawag kong takot. Takot sa pagmamahal na ngayon ay unti unti ko nang nararamdaman. Hindi na ako gano'n kamanhid para hindi maramdaman ang mga feelings na ganito. Tao rin naman ako eh. Nasasaktan, nagmamahal.

"Ikaw, bakit ba naging ganyan 'yung pakikitungo mo sa mga tao?", Usisa niya sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago sinagot 'yun.

"Wala eh. Nahirapan akong magtiwala sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko kasi alam kung totoo ba sila sa akin o hindi. Hindi ko alam kung sino 'yung kailangang pakitunguhan ng maayos at 'yung hindi. Natakot din kasi akong magmahal dahil baka maiwan lang din ako katulad ng nangyari sa mga mahal ko noon", sagot ko sa kanya. Bigla naman akong napaiwas ng tingin nang makitang mariin siyang nakatingin sa akin. Napaismid din siya dahil sa awkwardness.

"You still have me", tanging sambit niya sa akin kaya diretso akong napatingin sa kanyang mga mata.

"Tss. Weh?", Di ko makapaniwalang tanong saka nagtaas ng kilay.

"Sige. Ipakita mo na bad sides mo, nang makita mong kaya kong magstay despite of your flaws", seryosong tinig niya habang hindi pa rin inaalis sa akin ang tingin.

"So bakit ka mags-stay?", Tanong ko.

"Kasi mahal kita", napaismid ako nang dahil sa tanging sagot niya.

"Bakit mo'ko mahal?", Di ako makapaniwala sa sarili kong tanong kaya muntik na akong mapamura.

"Ewan. Wala akong rason para mahalin ka pero minahal pa rin kita. Hindi naman kasi kailangan ng rason para sabihin kong mahal kita. Kusa ko 'tong naramdaman without explanations. Hindi naman ito science na kailangang laging may explanations para mapaniwala ka. Hindi naman ito theory na kailangan ng evidences para maaccept mo. Sabihin mo nang baliw ako sa rason kong 'yan, pero 'yun ang totoo. I'm inlove with you, Shanteila Margareth. And I hope you know", litanya niya sa akin.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now