CHAPTER 30

3.2K 61 5
                                    

CHAPTER 30: FRAGMENTS

Napatulala si Eissen sa akin dahil hindi niya maalala na nagbigay siya nito sa akin.

"A-ako?", Parang hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yup. Pero syempre hindi mo 'yun naaalala", ngumiti ako nang pilit saka tumungo at dumiretsong naglakad. Hinawakan ko 'yung singsing. Sana maalala mo na ako.

Bigla naman akong natigilan nang may humawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako. Nakita ko agad si Eissen na nakangiti sa akin at nakatingin sa mga mata ko.

"Ipaalala mo sa 'kin", aniya saka ako hinigit papunta sa kanya at hinila do'n sa kotse niya.

"Sa'n tayo pupunta?", Tanong ko nang makapasok ako sa loob ng kotse niya.

"Saan ba tayo unang nagkita?", Tanong nito sa akin habang pinapatakbo na ang sasakyan.

"Ah? S-sa Vancleef University", sambit ko at naging hudyat 'yun para paharurutin na niya ang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya pero ang tanging umuulit sa isipan ko ay ang sinabi niya.

don't you dare touch MY GIRL?

Ako ba 'yung tinutukoy niya oh ano?

Naramdaman kong tumigil na ang kotse kaya napatingin ako sa bintana. Nandito na kami.

"Let's go?", Anyaya nito nang mabuksan 'yung pinto sa may tabi ko. Bumaba naman agad ako saka ngumiti sa kanya.

"Jerk?", Natatawang sambit niya. Nandito kasi kami sa may bench kung saan ko 'yun nasabi sa kanya.

"May naalala ka?", Nangangambang tanong ko.

"Meron. Isang babaeng tinatawag akong jerk", aniya na natatawa pa. Nauna na akong maglakad papunta sa library.

At nang makarating na kami ay bigla siyang napahinto at nagtatanong ang kanyang mga mata na puno ng kuryosidad. Buti na lang wala kaming problemang pumunta dito dahil may ari pa rin siya ng paaralan.

Itinulak ko na 'yung pinto ng library saka kami pumunta sa kung saan siya noon natutulog. Pinagmasdan ko siyang naglalakad na pacool habang pinagmamasdan ang mga libro doon.

"Pamilyar 'to sa akin", komento niya. Nagkibit balikat na lang ako.

Nang makarating kami sa kung saan talaga kami noon nagkita ay bigla siyang napahinto at napahawak sa sentido niya.

"Okay ka lang ba?", Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin saka pinagmasdan ang paligid namin. Naupo siya do'n sa tinutulugan niya saka tumingin sa akin nang seryoso.

Yung bahay na dinalhan niya sa akin noon dito sa loob ng university ay wala na dahil nang mula no'ng nasa States na sila Eissen, pinagpasyahang gibain na lang 'yun.

"Dito", panimula niya. Tiningnan ko siya nang madiin saka siya bumuntong hininga.

"Dito... Dito tayo unang nagkita. Nacorner ka dito nang mga lalaki", pag alala niya. Wala namang lumalabas na salita sa bibig ko dahil gusto kong marinig ang sasabihin niya.

"Tapos naiwan mo dito 'yung I.D mo, tama ba, Shanteila?", Aniya. Nagulat naman ako sa pagtawag niya sa akin.

"O-oo", nauutal kong pag sang ayon.

"Yun pa lang ang naaalala ko. Dalhin mo'ko sa lugar kung saan tayo nagkaroon ng alaala", pagsusumamo niya saka tumayo at hinawakan ang mukha ko.

"Gusto na kitang maalala", mahina niyang sambit habang nakatingin sa aking mga mata. Bigla ko namang naalala na may gig pa pala ako. Umiwas ako sa kanya ng tingin saka lumayo.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now