Chapter IV: Elder Xuan's Whereabouts
Nalunod si Finn Doria sa malalim na pag-iisip habang nakatingin sa kakarampot na asul na apoy na bumabalot sa kamay ni Munting Poll.
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Aktwal niyang napagmamasdan ang isa sa pinakapambiharang uri ng Alchemy Flame sa kaniyang tabihan kaya naman hindi niya alam kung anong kaniyang sasabihin.
Ang lugar na ito ay ikinukonsidera na ng mga taga-lungsod at bayan na abandonado at liblib kaya sinong mag-aakala na mayroong sampung taong gulang na batang lalaki ang nagtataglay ng Blue Alchemy Flame sa maliit na nayon na ito?
Isa itong Blue Alchemy Flame at siguradong maging ang hari at si Association Master ay gagawin ang lahat upang makuha ang batang ito para mapalaki at maturuan ng maayos. Ang Alchemy Flame ni Munting Poll ay maihahalintulad sa Alchemy Flame ni Brien Latter, pareho itong Blue Alchemy Flame kaya naman posibleng talentado rin ang batang ito sa larangan ng Alchemy.
Ang Blue Alchemy Flame ay iba sa ibang mababang uri ng Alchemy Flame. Mas mataas ang Medicinal Properties nito na angkop at mas mabisang gamitin sa mga matataas na uri ng potion o pill. Maraming kaharian at mga indibidwal ang nangangarap na mabiyayaan ang isa sa kanilang pamilya na magkaroon ng ganito dahil sa rasong ito.
Mababago ng kahit anong uri ng Alchemy Flame ang buhay ng mahirap na adventurer sa oras na pasukin niya na ang propesyon na Alchemist. Isa ito sa pinakatanyag at pinakakilalang propesyon sa buong mundo kaya naman marami ang rumerespeto sa mga Alchemist.
Dahil sa kaniyang nasaksihan napagtanto ni Finn Doria na maaaring maraming liblib at maliit na nayon ang mayroong ganitong sitwasyon. Maaaring mayroong isa sa kanilang mamamayan ang nagtataglay ng Alchemy Flame.
Nanatili pa ring tahimik si Finn Doria habang pinagmamasdan niya ang kakarampot na asul na apoy na bumabalot sa kamay ni Munting Poll. Hindi siya nangahas na gumawa ng ingay o abalahin ang kritikal na pagmumuni-muni ni Munting Poll. Nararamdaman niya rin ang unti-unting pagtaas ng antas ng lakas nito kaya naman hindi niya mapigilang hindi mapatango.
Sa pagkakaintindi niya sa lakas ng mga mamamayan ng maliit na nayong ito, hindi pa sila nakakaranas na makakain o makagamit ng mga kayamanan. Napapalibutan sila ng mga Vicious Beast at hirap na rin sila sa pagprotekta sa kanilang nayon kaya naman imposibleng makalabas sila rito at makapunta sa mga kalapit na bayan o lungsod
Mabuti na lamang dahil masyadong malalayo ang teritoryo ng mga Third Grade Vicious at Second Grade Vicious Beast sa lugar na ito kaya naman hangga't hindi nila nililisan at nililibot ang masukal na kagubatan, kakarampot na panganib lang ang maaari nilang kaharapin.
Maihahalintulad ang kanilang buhay sa isang malayang preso na nakakapaggala nga ngunit hindi pa rin maitatangging nakakulong pa rin ito. Maaaring masaya ang kanilang pamumuhay rito dahil sa kanilang ka-inosentehan ngunit hindi naman masagana ang kanilang pamumuhay. Kulang sila sa pagkain at hindi nila matugunan ang kanilang pangangailangan bilang Adventurer kaya naman hanggang ngayon ay isang Silver Rank pa rin ang pinakamalakas sa kanila.
Pero ngayong nakakain na sila ng luto ng isang Soul Chef, ang kanilang mga antas ng lakas ay umangat ng sobra. Ang kaninang nag-iisang Silver Rank ay nadagdagan na at ang kanilang bilang ay patuloy pa ring dumadami. Ang Village Elder pa rin ang pinakamalakas sa lahat ng naroroon at nagtataglay ito ng 7th Level Silver Rank.
Dahil lang sa pagkain ng luto ng isang Soul Chef, umangat ang antas ng lakas ni Village Elder mula 1st Level patungo sa 7th Level Silver Rank!
Anim na antas sa ilang saglit lamang!
Pero natural lang naman ito dahil matanda na ang Village Elder at siya ang mayroong pinakamaraming karanasan sa lahat ng naroroon. Pinagtibay na ng panahon ang kaniyang pagkatao at kakayahan kaya naman agad na umangat ang kaniyang antas ng lakas nang makatikim siya ng kayamanan.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasyApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --