Chapter XXXI

11.7K 830 150
                                    

Chapter XXXI: His Ultimate Weapon

Lahat ay nagulat ng bigla na lamang lumitaw ang isang pigura ng kakaibang nilalang sa harapan ni Finn Doria. Maging si Sect Mistress Sheeha ay nagulantang sa biglaang paglabas nito. Napatulala at natigilan siya habang tutok na tutok siya sa kabuuan ng kakaibang pigura.

Pinakiramdaman ng bawat isang naroroon ang pigura na ito at ilang sandali pa, mas lalong gumuhit ang matinding gulat sa kanilang mga mukha. Mayroong nanlalaki ang mga mata habang mayroon din namang nakanganga dahil sa sobrang pagkabigla at pagkagulantang. Hindi sila maaaring magkamali, ang pigurang iyon na nababalutan ng puting kristal ay walang senyales ng kahit anong buhay! Gayunpaman... ang katawan nito ay punong-puno pa rin ng malakas na enerhiya!

Maihahalintulad ang kabuuan nito sa isang tao. Nakasuot ito ng magarang kasuotan at mayroong kulay pulang ilaw ang makikita sa loob ng mga mata nito. Ang pigurang ito ay naglalabas ng nakapangingilabot na aura at malinaw naman sa lahat na mayroong itong aura na maihahalintulad sa 1st Level Sky Rank.

Isa pang Sky Rank!!

Hindi nila alam kung paano at bakit bigla na lamang itong lumitaw kung saan kaya naman hindi nila mapigilang maguluhan at magulantang. Wala na itong buhay pero hindi nila alam kung bakit nakararamdam pa rin sila nang matinding panganib habang pinagmamasdan ang pigurang ito.

Higit pa roon, mas nagulat ang lahat dahil sa biglaang pagluhod nito sa harap ni Finn Doria na para bang isa itong masunuring kawal. Nakayuko ito habang nakaluhod ang isa nitong tuhod sa ere. Magalang ito at para bang isa itong alipin kung magpakita ng katapatan sa kaniyang amo.

"Ama... anong bagay... iyon? Bakit... bakit wala akong maramdaman na kahit anong senyalses ng buhay sa pigurang 'yon...?" naguguluhang tanong ni Ashe Vermillion kay Sect Master Noah habang taimtim pa ring nakatingin sa pigurang punong-puno nang puting kristal.

Kumikislap ito na para bang bituin sa kalangitan. Kaaya-aya ito sa mata dahil sa kagandahang taglay nito.

Huminga nang malalim si Sect Master Noah at may pag-aalinlangang tumugon sa dalaga, "Sa tingin ko.. ang bagay na 'yon ay isang Soul Puppet.."

Hindi sigurado si Sect Master Noah sa kaniyang hinala ngunit kung kayang kumilos ng isang pigurang wala ng senyales ng buhay, isa lamang ang ibig sabihin nito, mayroong ibang kumokontrol sa pigura. Kahit na ibang-iba ito sa hitsura ng Soul Puppet ng Soul Puppet Sect, mayroon pa rin itong pagkakahalintulad. Ang mata nito ay mayroong kulay pulang liwanag.

Ang Soul Puppet ng mga miyembro ng Soul Puppet Sect ay isa lamang maaring ordinaryong bangkay o kalansay, pangit at nakapangingilabot ang kabuuan. Pero... ang Soul Puppet na ito ay nababalutan ng kakaibang puting mga kristal na hindi nakakatakot sa paningin ng ibang tao.

"Pero ama... Hindi ba't tanging mga miyembro lang ng Soul Puppet Sect sa ating kaharian ang mayroong kakayahang makapag-kontrol ng Soul Puppet...? Isa pa... masyadong malayo ang hitsura nito sa karaniwang Soul Puppet.." mas lalong naguguluhang tanong ni Ashe Vermillion. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita, "Maaari kayang isa rin sa kakayahan ni Finn Doria ang magkontrol ng Soul Puppet?"

Sa tanong na ito, hindi na tumugon si Sect Master Noah. Tumingin lang siya sa dalaga ngunit wala siyang binitawang kahit anong salita. Maging siya ay hindi niya rin alam kung paano ito nangyari kaya naman paano siya makapagbibigay ng kongkretong sagot sa katanungang ito? Sa ngayon, ang nararapat nilang gawin upang malinawan ay ang manood at magmasid sa mga susunod na mangyayari.

Nakahinga rin nang maluwag si Sect Master Noah nang malaman niyang mayroon pa palang itinatagong baraha ang binata. Gayunpaman, kaya bang makatulong ng 1st Level Sky Rank na Soul Puppet na 'to kay Finn Doria na ang kalaban ay isang 3rd Level Sky Rank? Ipinapanalangin niyang sana nga ay makayananan nito..

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon