Chapter XL: Finally...
Kinaumagahan, sa bayan ng Aurora, maganda ang sikat ng araw para sa buong angkan ng Azure Wood Famliy. Nakarating na ang balita sa kanila kaya naman agad silang nagkaroon ng masayang salo-salo at kasiyahan.
Kahit na hindi tuluyang nakamit ng kanilang angkan ang hustisya para sa mga paghihirap sa nagdaang labing isang taon, karamihan sa kanila ay masaya na para sa resulta ng digmaan.
Hindi na nila kailangang mangamba pa na malagay ang kanilang mga buhay sa peligro dahil sa banta ng ibang naglalakihang angkan. Hindi na rin nila kailangan pang maghirap dahil halos lahat ng mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom ay hindi na sila hahamakin at mamaliitin.
At ang lahat ng ito ay dahil lamang sa isang binatang wala namang kaugnayan sa kanila. Lahat ng ito ay dahil kay Finn Doria.
Nang malaman ng mga ordinaryong miyembro ng Azure Wood Family na walang koneksyon sa kanila si Finn Doria, karamihan sa kanila ay nagulat. Gayunpaman, hindi na nila ito binigyan pa ng sobrang pansin dahil ang importante ay pinahahalagahan sila ng binata. Isang malaking karangalan ito para sa kanila kaya naman tinitingala nila at iniidolo si Finn Doria.
Maaari na silang mamuhay ng matiwasay ngayon dahil sa karangalang dala ni Finn Doria para sa kanila. Magkakaroon na sila ng kapayapaan at tahimik na buhay. Sila naman ang makakatanggap ng paggalang at magandang pakikisama mula sa iba kagaya na lang ngayon na lahat ng Family Head ng mga Ordinaryong angkan na naninirahan sa bayan ng Aurora ay naririto upang magbigay pugay.
Noon, ang mga ordinaryong angkan na ito ay hindi nakikisalamuha sa Azure Wood Family dahil itinuturing nila ang bawat isa bilang magkakalaban. Pero ngayon, itinuturing nila ang dating ordinaryong angkan na ito bilang kanilang Pinuno.
Kahit ang mga ordinaryong miyembro ng Azure Wood Family ay nakakatanggap ng magandang pagtrato. Malinaw naman na takot sila sa lakas na tinataglay ngayon ni Finn Doria at ng buong Azure Wood Family.
Ito ang batas ng mundong ito. Ang malakas ang panginoon habang ang mahihina naman ang alipin. Ang malalakas ang magdedesisyon sa kapalaran ng mahihina. Iginagalang ng iba ang mga miyembro ng Azure Wood Family para ipakita ang buong suporta nila rito.
Habang patuloy na nagkakasiyahan ang mga libo-libong Adventurer, isang kapangi-pangilabot na nilalang ang bigla na lamang tumakip sa sikat ng araw. Nagdilim ang buong paligid at napuno ng takot ang lahat ng naroroon.
Makikita sa kanilang mga mata ang matinding takot habang nakatingin sa higanteng pulang tigre na nasa itaas. Napakalakas na hangin ang bumagsak sa lupa dahil sa pagaspas ng mga naglalakihang pakpak nito kaya naman napuno ng mga alikabok ang paligid at nagkaroon ng napakalakas na hangin na nagdulot ng pagtilapon ng mga bagay-bagay.
Nang mapansin nilang bababa ang higanteng tigre, agad silang nagsialisan sa bababaan nito kaya nagkaroon ng napakalawak na espasyo.
Matapos makatapak ng higanteng tigre sa lupa, agad namang sumunod rito ang mahinang paglindol. Nagkaroon ng sigawan dahil sa takot at mayroong ilang nagtago sa mga kabahayan.
Luminya rin ang pamunuan ng Azure Wood Family upang paghandaan ang higanteng tigre ngunit nang makita nilang mayroong tumalon na pamilyar na apat na pigura mula sa likuran ng higanteng tigre, lahat ng naroroon ay natahimik at napatulala. Walang sino man ang makikitaan ng senyales ng pagsasalita dahil lahat sila ay nabigla pa rin sa pagdating ng kanilang pinakahihintay.
Nagtagal pa ng ilang minuto ang katahimikan bago tuluyang umalingawngaw ang sigaw ng mga naroroon.
"Finn! Third Elder Creed!"
Kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa pagdating ng grupo nila Finn Doria. Dumating na ang pinaka-ipinagmamalaki ng Azure Wood Family kaya naman hindi nila mapigilang mapahiyaw dahil sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasíaApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --