Chapter XVIII: Seeing her again
Halos lumuwa ang mga mata nina Sect Master Noah at Elder Marcus nang marinig nila ang sinabi ni Finn Doria. Akala nila ay naiintindihan na ng binata ang lahat ng kanilang mga paliwanag.
Nang mapansin ni Finn Doria na nagulat ang dalawa sa kaniyang sinabi, mapait siyang napangiti at nagwika, "Huwag niyo sanang isipin na titiwalag ako sa Cloud Soaring Sect dahil galit o kinamumuhian ko kayo... Ito na ang pinili ko at nang sitwasyong kinalalagyan ng aking angkan ngayon. Hindi ko nais dalahin at dungisan ang pangalan ng Cloud Soaring Sect sa nalalapit kong paghihiganti. Hindi kayo kasali sa digmaang ito dahil ito ay sa pagitan ko lamang, ng Nine Ice Family, Ice Feather Sect at maging Crown Prince."
"Ako ang pinag-ugatan ng lahat ng ito. Ang kasunduang na ipakasal sa akin si Tiffanya Frois ang pinag-ugatan ng digmaan. Kung hindi dahil sa kasunduang 'yon, wala na sanang kaguluhang nagaganap at kung wala sanang mga sakim, hindi na sana aabot ang lahat sa puntong ito. Nananahimik ang aking angkan at simple lang ang aming pamumuhay. Wala kaming ginawang masama sa kanila at kailanman ay hindi namin niyurakan ang kanilang mga pangalan. Sila ang nagsimula ng lahat ng ito at ako naman ang magpapatuloy hanggang katapusan. Wala na akong pagpipilian dahil umabot na sa puntong ang kanilang mga kasalanan ay wala ng kapatawaran."
Napabaling naman ang paningin nina Sect Master Noah at Elder Marcus sa mata ni Finn Doria. Huminga sila ng malalim at malumanay nagwika si Elder Marcus, "Kung 'yan na talaga ang iyong kagustuhan, wala na kaming magagawa. Kung nais mo talagang tumiwalag upang sundin ang iyong paniniwala at hangarin, hindi ka na namin pipigilan. Mayroon lang sana akong hihilingin... sana... kung magbabago ang iyong isipan at nais mo muling bumalik, bukas ang Cloud Soaring Sect para sa'yo. Ikaw ang pinakapinagmamamalaki ng ating faction dahil sa karangalang ibinigay mo sa pamunuan at sa pangalan ng Cloud Soaring Sect."
Ngumiti naman si Finn Doria at marahang nagwika, "Syempre naman, Elder Marcus, Sect Master Noah. Ako at ang buong Azure Wood Family ay nagpapasalamat pa rin sa inyo. Magkakampi pa rin tayo at kailanman ay hindi ko makakalimutang naging parte ako ng Cloud Soaring Sect. Kahit na maikling panahon lang ako namalagi rito, marami akong natutunan bilang isang Adventurer at habang-buhay ko ng dadalahin ang lahat ng 'yon."
Nabalutan ng emosyon ang tatlo habang pinagmamasdan ang isa't isa. Mayroong kakaibang pakiramdam na bumalot sa kani-kanilang damdamin habang ang buong silid ay nagkaroon ng taimtim na katahimikan.
Bumuntong hininga si Sect Master Noah at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Matapos ang ilang sandali, iminulat niya muli ang kaniyang mga mata at malumanay nagwika,
"Ako, si Noah Vildar, Sect Master ng Cloud Soaring Sect ay inaalis na sa'yo ang titulo bilang core member. Dahil pag-aalis ito ng titulo sa'yo, inaalisan na rin kita ng karapatang gamitin ang lahat ng nakuha at natutunan mong skills sa Cloud Soaring Sect. "
Nakangiti pa rin si Finn Doria ngunit mababakas sa kaniya ang labis na kalungkutan nang marinig niya ang mga salitang binitawan ni Sect Master Noah. Hinawakan niya ang kaniyang interspatial ring at agad namang may lumitaw na dalawang bagay sa kaniyang kamay.
[Black Iron Sword
Armament Grade: Rare
Quality: High-Tier
Damage: 470
Upgrade: 50 soulforce]Tama. Ang isa sa mga bagay na inilabas ni Finn Doria ay walang iba kung hindi ang High-tier Rare Armament na ibinigay sa kaniya ni Ashe Vermillion habang ang isa naman ay medalyon na mayroong nakaukit na simbolo ng Cloud Soaring Sect.
Iniabot niya ang dalawang bagay na ito kay Sect Master Noah at bahagyang yumuko. Matapos ang ilang saglit, tumitig siya sa mata ni Sect Master Noah at marahang nagwika,
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasyApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --