Chapter XIII: Biggest Pride to Biggest Regret
Gaya ng karinawang araw, maliban sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Azure Wood Family at Nine Ice Family, tahimik at payapa ang buong Sacred Dragon Kingdom.
Wala pa ring nakakaalam na Faction o malalakas na angkan sa mga pangyayaring naganap sa bayan ng Aurora. Wala pa ring nakakaalam na buhay at nakabalik na ang tinaguriang pinakatalentadong batang adventurer sa buong kasaysayan ng Sacred Dragon Kingdom. Hindi nila alam na mayroong delubyo parating sa buong kaharian kasabay nang pagbabalik ng nasabing binata.
--
Sa likod ng mga ulap, sa himpapawid, isang napakalaking ibon ang mapapansing mabilis na lumilipad at naglalakbay. Isa itong Silver-tailed Sparrow na mayroong lakas ng isang Fifth Grade Vicious Beast na maikukumpara naman sa 9th Level Profound Rank.
Ayon nga sa tawag dito, mayroon itong mahaba at kulay-pilak na buntot. Purong kayumanggi ang makapal nitong balahibo at ang malaki nitong tuka ay talaga namang kahanga-hanga. Mayroon ding nagtitilusang kuko ang malaking ibon na ito at malalapad na pakpak.
Ang bilis nito ay napakabilis na para bang kaya nitong magpalipat-lipat sa mga syudad sa ilang oras lamang.
Sa malapad na likuran ng Silver-tailed Sparrow, mayroong dalawang pigura ang mapapansing matikas na nakatayo. Isa itong matandang lalaki at binata. Pareho itong nakasuot ng berdeng roba.
Ang matandang lalaki ay purong puti na ang buhok at balbas. Kulu-kulubot na rin ang balat nito sa mukha senyales ng sobrang katandaan. Ang binata namang kasama nito ay mayroong parehong kulay asul na buhok at pares ng mata. Mapapansin agad ang kahambugan sa mata pa lamang nito.
Mayroong mala-porselanang kutis ang binata na talaga namang kaaya-aya sa mata ng lahat ng makakakita nito.
Ang dalawang pigurang ito ay walang iba kung hindi si Brien Latter at ang kaniyang Guro na si Association Master Morris.
Naglalakbay sila ngayon patungo sa palasyo upang bisitahin ang Hari ng Sacred Dragon Kingdom. May malubhang pinsala ang kasalukuyang Hari at lahat ay naniniwala na tangin si Association Master Morris na isang Alchemy Master lamang ang makakagawa ng lunas upang lubusang gumaling ito.
Patungo ngayon si Association Master Morris doon upang pag-aralang mabuti ang malubhang pinsala ng hari. Isinama niya rin ang kaniyang estudyante na si Brien Latter upang palawakin ang kaalaman ng binata.
"Brien. Kailangan mong umayos sa oras na makarating tayo sa palasyo. Hinahayaan kita sa Alchemist Association na gawin ang gusto mong gawin dahil teritoryo natin yun pero kailangan mong umayos sa loob ng palasyo lalong-lalo na sa harap ng hari. Maraming maimpluwensyang adventurer doon at lahat sila ay mayroong matataas na posisyon sa buong Sacred Dragon Kingdom." Seryosong paliwanag ni Association Master Morris kay Brien Latter habang nakatingin siya sa binata.
Hindi naman siya nilingon ni Brien Latter at ngumiti lamang, "Syempre naman naiintindihan ko 'yon. Wala ka bang tiwala sa sarili mong estudyante, aking kagalang-galang na guro?"
Kahit na magagalang na salita ang sinabi ni Brien Latter, mababakas pa rin sa tono niya na hindi siya sinsiridad sa kaniyang mga sinabi. Napabuntong hininga na lamang si Association Master Morris at mapait na napangiti.
"Sa buhay kong ito, dalawang Alchemist lamang ang aking tinanggap at inalok bilang maging estudante, at yun ay walang iba kung hindi ikaw at si Alicia. Kayong dalawa ang pinakamalaking karangalan ko sa buhay kong ito at ipinagmamalaki ko kayong dalawa dahil doon." malumanay na sambit ni Association Master Morris. Inilahad niya ang kaniyang palad sa unahan at hinayaang lumabas ang kaniyang Orange Alchemy Flame, "Mayroon kang pambihirang Blue Flame Alchemy at yun pa lang ay ipinagmamalaki na kita ng sobra. Hindi magtatagal ay malalampasan mo na ako at sigurado akong balang araw ay maaabot mo ang ranggong Alchemy Grandmaster. Hindi rin malabo na marating mo ang ranggong Alchemy Legend. Yun ang aking pinapangarap sa buhay kong ito at kahit na hindi ito maganap sa aking sarili, masaya na akong masaksihan ang araw na magiging Alchemy Legend ang aking personal na estudyante."
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasyApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --