Chapter XI

11.9K 903 143
                                    

Chapter XI: Every debtor has its own creditor

Gabi, at ang bilog na buwan sa kalangitan ay naglalabas ng napakagandang liwanag sa buong kalupaan. Napakaganda nito at marahil lahat ng makakakita nito ay mabibighani dahil sa taglay nitong kagandahan.

Habang patuloy na nagaganap ang digmaan at kaguluhan sa bayan ng Aurora, payapa naman at tahimik ang buong Alchemist Association. Isa lang itong karaniwang gabi para sa mga miyembro ng Association at lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain at tungkulin.

Mayroong nag-eensayo bilang Adventurer at mayroon din namang nag-eensayo bilang Alchemist. Halos lahat ay abala kaya naman madalang ang tao na makikitang pagala-gala sa labas.

Gaya ng ibang faction, mayroon ding kagubatan sa loob ng teritoryo ng Alchemist Association. At hindi gaya ng mga mapanganib na kagubatan sa iba, ang kagubatang ito ay tahimik at payapa. Walang Vicious Beast ang naninirahan dito at tanging mga huni lang ng maliliit na insekto ang maririnig sa buong kagubatan. Kaaya-ayang pakinggan ang mga huni habang pinagmamasdan ang napakaganda at napakapayapang kagubatan.

Sa isang parte ng kagubatan, isang binata ang tahimik na naglalakad. Nakasuot ito ng berdeng roba at naglalabas ito ng aura ng isang 8th Level Scarlet Gold Rank.

Ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Hitch Dreo.

Kabilang si Hitch Dreo sa Alchemist Seven na lumahok sa Seven Great Faction Games na naganap sa Floating Island. Kabilang din siya sa mga batang Adventured na matagumpay na nakalabas ng Mystic Treasure Realm dahil kay Finn Doria.

Noon, isa lamang siyang 6th Level Scarlet Gold Rank ngunit ngayon, nagawa niyang maging isang 8th Level Scarlet Gold Rank at ito ay salamat sa tulong ulit ni Finn Doria.

Kabilang si Hitch Dreo sa mga Adventurer na ginagawang alipin ng Tenth Prince. At nang dumating si Finn Doria upang sunduin sina Lore Lilytel at Leo Reeve, sumama rin siya rito upang bigyang katapusan na ang kahambugan ng Tenth Prince.

Malaya niyang nakukuha ang mga kayamanang pinaghirapan niya kaya naman noong makalabas siya kasama ang iba sa Mystic Realm, ginamit niya ang lahat ng ito upang paangatin ang kaniyang antas ng lakas.

Gayunpaman, kahit na isa na siyang 8th Level Scarlet Gold Rank, hindi pa rin siya kontento. Ito ay dahil kay Brien Latter. Matapos nitong makabalik sa Mystic Treasure Realm, ang lakas nito ay agad na umangat patungo sa 9th Level Scarlet Gold Rank. Lamang ng isang antas sa kasalukuyang antas ni Hitch Dreo.

Dahil sa ganitong kaganapan, mas lalo pang pinaboran ni Association Master Morris ang mayabang na si Brien Latter. Maging ang mga Elders ay todo papuri sa sa hambog na binata.

Dahil dito, ginugol ni Hitch Dreo ang kaniyang buong atensyon sa pag-eensayo sa parehong larangan ng Alchemy at pakikipaglaban. Determinado at desperado na siyang lampasan si Brien Latter dahil hindi niya na makayanan ang kahambugan nito.

Lagi na lang siyang pangalawa sa mata ni Association Master Morris kaya naman hindi niya ito matanggap. Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya ngunit kahit anong pagsisikap niya, hindi niya pa rin magawang lampasan si Brien Latter.

Habang patuloy na naglalakad at nalulunod sa kaniyang isipan, natigilan si Hitch Dreo ng mayroon siyang marinig na nag-uusap. Agad niya itong hinanap at ilang sandali pa, gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha ng mayroon siyang makitang pamilyar na pigura kausap ang isang nababalutan ng itim na kasuotan sa hindi kalayuan.

Pilit niyang itinago ang kaniyang presensya at aura. Nagtago rin siya sa likod ng makapal na damuhan at taimtim na pinakinggan ang usapan ng dalawa.

"Brien. Muntik mo ng mailabas ang iyong tunay na katauhan dahil sa iyong pagiging makasarili. Ipinaalala ko na sa'yo noon pa man na hindi mo pwedeng gamitin ang skill na 'yon habang narito ka sa kahariang ito." wika ng isang garalgal na boses ng lalaki.

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon